Magnitude X : V

687 99 17
                                    

••••••••••••

Pinagpapawisan na ako ng malagkit. Nakatingin sila lahat sakin. Ayoko ng ganito. Bakit kasi sakin na assigned ang report na ito. Mahina pa naman ako sa Earth Science.

"Are you gonna just stood there? Did you study your assigned report Mr. Lulu?" galit na ulat sakin ng masungit kong propesor.

For an additional information. My surname is Lulu, quite unusual because I'm half Thai. I have a glowy white skin and others praised me for having a unique features because of my thick dark eyebrows and big brown eyes that really stunned people in one glance. I'm also quite tall, genetically blessed it is.

"Sorry Ma'am pero wala po talaga akong alam." sagot ko. Nakayuko lamang sa kahihiyan.

"What! So you didn't bother to scan your report. Kung di ka makakapag-report ngayon ay ibabagsak kita!"

Para tuloy akong binuhusan ngayon ng malamig na tubig sa channel na dumaloy sa tainga ko. Ayoko siyang tingnan. Grabe naman kasi ang matandang ito wala man lang konsiderasyon.

Todo ensayo kasi kami kahapon, hindi ko nga alam kung para saan pa itong kapangyarihan ko daw. Wala namang ganap na nangyayari.

Napapikit nalang ako at huminga ng malalim ng biglang nagkagulo sa labas. Nag-ring iyong emergency alarm ng Campus, sobrang lakas, hudyat iyon na may nangyayaring di maganda.

"Ma'am lumilindol!"

"What's happening? I don't wanna die!"

"Okay class, huminahon kayo."

Yumuko agad ako maging ang lahat sa amin. Medyo malakas ang vibrate ng lupa, nakakahilo. Mga nakasabit sa wall ay nahuhulog na pati mga babasagin na nakagawa ng ingay na mas lalong nagpakaba ng tao sa klase.

Our prof guided us and signed immediately to get out of the room safely.

Tinungo nga ng lahat ang malawak na oval, soccer field, sa kung saan wala masyadong constructive buildings na maaaring yanigin.

Halos lahat nagkakagulo na, may umiiyak pa at nahimatay. Ligtas naman akong nakalabas at mukhang wala namang nasaktan sa section namin.

Mga ilang minuto ay unti unti ng humuhupa ang pagyanig ng lindol, bumabalik ito sa normal.

"Okay lang ba kayo mga estudyante ko."

"Medics. May nahimatay dito."

"Nakakakilabot. Muntikan na akong matapilok."

Bulalas ng mga tao sa paligid. Medyo marami din kaming nandito, sobrang crowded.

Ilang minuto ay nahanap ng dalawang mata ko sina Clifford at Kiara na mukhang papalapit sa akin. Buti naman at ligtas sila.

"Ano bang pumasok diyan sa kukuti mo Sivan!" galit na bungad ni Clifford sakin sabay akmang susuntukin ako subalit napigilan siya ni Kiara. Nagulat naman ako sa inasta niya. Ngayon ko lang yata siya nakitaang ganoon kagalit sa akin, wala naman akong ginagawang masama. Loko 'tong lalaking 'to.

"Stop it Clifford. Di niya naman intensyong gawin iyon." pagdepensa ni Kiara na salungat sa emosyong pinapakita ni Clifford ngayon. Siya naman ay mukhang masaya pa sa nangyayari.

"Huh! Ano ibig mong sabihin Kiara?" pagtataka kong tanong.

"You are hell powerful Sivan. That's why I have no doubt for choosing you being part of our team." masaya niyang wika sabay yakap sakin. She congratulated me and I'm here still wondering why they acted the way that they're now.

"Sh*t! Now follow me!" bulalas ni Clifford na halos lumabas na ang ugat sa kanyang leeg.

Nagtataka man ay sinundan namin siya patungo sa isang bakanteng room kung saan walang anino ng tao sa paligid. Pagkapasok sa loob ay mabilis niyang sinara ng marahas ang pinto maging ang mga bintana.

"Huwag tayo dito. Delikado, baka lumindol ulit." pag-aalala ko.

"Lumindol! E ikaw nga itong may pakana nito eh." galit na bulalas ni Clifford. Medyo nasasaktan ako sa inaasal niya ngayon. Ibang Clifford yata ang kaharap ko.

My mind is trying to sink fast and kind of getting his unnecessary action. So maybe I'm the one who made the earth move?

"Oo Sivan ikaw nga. At kung magtatanong ka man kung bakit alam namin. Because of course I can visibly read minds and I know you made this mess. And never underestimate my sense of observation dahil lahat ng napapakiramdaman ko ay tama, hindi pumapalya." singit ni Kiara na walang permisong pinasok ang nilalaman ng utak ko at sinagot ang tanong sa aking isipan.

"Ibig sabihin ba noon ay kaya kung payanigin ang lupa anumang oras?"

"No, not really. It was just a sign that you are now improving. Ganoon ang mga nangyayari sa mga baguhan na di matukoy ang kapangyarihan na mayroon sila at ngayon ay tukoy mo na ang iyong kapangyarihan, at ito ay ang lupa." ngiting saad ni Kiara.

Naguguluhan man ay pumantig bigla ang puso ko sa balitang narinig. Nagagalak ako ngunit kabaligtaran iyon sa kinikilos ni Clifford na animo nakapatay ng alagang tuta. Hindi siya mapakali.

"Shit! This is a huge disaster." galit na ulat ni Clifford sabay suntok niya sa pader. Di pa siya nag-iibang anyo subalit medyo nag-leak na iyong semento. Lumalakas na nga siya ngayon.

"Anong nangyayari sayo Clifford? Huwag ka magkalat dito pwede." iritang saad ni Kiara.

"His power is very confidential Kiara. Others may track us because of what happened." seryosong sagot ni Clifford na ikinamulat ng dalawang mata ni Kiara, habang ako ay nasa state of curiosity pa din.

"Shit! Di ko naisip iyon." bulalas ni Kiara.

Ilang saglit lang ay biglang nag-iba ang kanyang paningin, tanaw ko ang mga ugat na lumalabas malapit sa kanyang noo at hudyat ito na ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan siya nakaharap at may bala na lumulutang malapit mismo sa aking mukha. Kaunting kadyot nalang ay matatamaan na ako sa ulo! Nice save but fvck! What's happening!

"Dapa!" sigaw ni Clifford. 

Sinunod namin siya at saktong dapa namin ay biglang pinaulanan ng mga bala ng baril sa loob ng kung sinumang sumasalakay samin ngayon. Napatakip ako ng aking tenga sa nakakabinging putok.

"Takpan niyo ilong niyo. Siguraduhing di maaamoy ang usok" sigaw ni Kiara. Nagtakip naman agad ako ng ilong habang nakadapa pa din. Umaalingasaw ngayon ang kulay berdeng usok sa paligid at medyo masakit sa balat pag dumidikit. The bullet guns became ashes and now creating a huge shallow. It's poisoning.

Binuksan ni Kiara ang mga bintana maging ang pinto using her mind upang malayang makalabas ang usok. Minabuti ko namang tumayo at magmasid sa labas umaasang may mahagilap ang aking mata subalit bigla nalang akong nahilo at tila umiikot na ang paningin.

"SIVAN!" Sabay na sigaw nina Clifford at Kiara.

Wala pang isang minuto ay bigla nalang ako nakaramdam ng pamamanhid. Nawalan nga ako ng balanse at natumba nalang. Sumalpok pa sa matigas na bagay ang ulo ko na mas lalong nagpatindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Puro usok lang ang nakikita ko sa paligid. Nakalanghap pa ako ng unti at naubo.

Nawawalan na ako ng lakas at limitado nalang ang aking galaw. Napapikit nalang ako ng maramdaman kung may dalawang kamay na pilit akong binubuhat.

"You're gonna die now." bulong ng boses lalakeng di pamilyar sa pandinig ko at tuluyan na nga ako nawalan ng malay.

•••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now