Magnitude X : XXXI

343 50 6
                                    


"Hayaan na muna natin ang dalawa. We should prioritze first your brother's recovery Sivan." saad ni Alyza. Nilapitan si Kuya at kanyang ginamit ang healing power sa mga malalang sugat nito.

"May CCTV ba dito? Baka makita tayo."

"This is a private room. So there's no CCTV's here." mabilis na sagot ni Clifford. Lumapit naman siya sakin at bahagyang sinuntok ako sa braso, hudyat na wala na itong kinikimkim na sama ng loob sakin, sana.

"Sorry Sivan. I should have act professional. Di dapat ako nag-iisip ng negatibo kasi alam kong buhay pa sila." sabi ni Clifford at niyakap ako ng mahigpit. Sinuntok ko din siya sa braso at nawala na din ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Yong dalawa. Mukhang ikaw pinag-uusapan." sabi ni Clifford na ang tinutukoy ay sila Hub at Diego.

"Bakit naman ako?"

"Sus deny pa. Pinag-aagawan ka ng mga iyon. Kung sana kasi naging babae ka lang eh. Liligawan kita, ang sarap mo siguro pag naging babae."

"Baliw." maikli kong sagot. Natatawa na lamang.

"Pero pwede naman natin ulit gawin 'yon diba. Yong ginawa natin dati sa kotse. Binitin mo kasi ako." bulong niya, tagos sa kaluluwa ko. Naalala ko naman bigla 'yong kaganapang iyon at sinuntok siya ulit sa braso para ma-divert ang topic. Ang lalakeng ito, isa ding temptasyon. Kailangan ko talagang magpigil.

"Malubha ang lagay ng kuya mo Sivan. Pero lumalaban siya, my healing power is absorbing fast in his body, it effectively cleaning his wounds and cuts." hirit ni Alyza. Natuwa naman ako at nilapitan siya, tiningnan si kuya na mahimbing pa ding natutulog.

"Thank you Alyza. I don't know how to pay you back."

"No worries. We're friends, sino pa bang magtutulungan kundi tayo diba."

"Oo nga. Sino pa bang magtutulungan diba babe." pabirong sabi ni Clifford sabay yakap sa likuran ni Alyza. Nagulat naman si Alyza at pinatigil sa kakulitan nito.

"Babe ka diyan. Umayos ka nga diyan Clifford." inis na sabi ni Alyza.

"Ikaw naman di na mabiro." sagot ni Clifford, pinipigil ang tawa.

Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa, di na siguro ako magugulat pag naging sila. Kaso ang babaero din nitong Clifford, baka di sila magtagal pero sana hindi mangyari iyon kasi bagay sila pareho.

Maganda si Alyza, simpleng babae at sobrang bait, kabaligtaran sa ugali ni Clifford na mainitin ang ulo. Pero di naman maipagkakailang sobrang matipuno at makisig siyang lalake.

"Guys, labas muna ako ah. Bibili lang ako makakain ni Kuya baka sakaling magising siya at gutumin." paalam ko sa dalawa at tinahak na ang labas.

Inaasahan kong makita ang dalawa sa waiting area pero di sila mahagilap ng aking mata.

"Saan kaya ang dalawang yon." bulong ko sa hangin na ang tinutukoy ay sila Diego at Hub.

Pinakiramdam ko ang semento sa baba at na track sila sa exit room. Curious pa din kasi ako sa anumang pinag-uusapan nila kaya minabuti kong tahakin ang exit room at tuluyang nasilayan ang dalawa sa hagdan.

Nag-uusap ng masinsinan.

Rinig ko ang pinag-uusapan nila dahil sa echo na umaalingasaw. Kaming tatlo lang ang nasa hagdan ngayon, kasama na ako na nagtatago.

"May gusto ka ba sa kanya?" rinig kong boses, at boses iyon ni Diego na mukhang tinatanong si Hub. Napapalunok na lamang ako ng laway at pinakinggan ang usapan ng dalawa.

"Espesyal siya sakin." sagot ni Hub.

"Kayo na ba?"

"Hindi pero papunta na."

"Ano? Hindi pwede. Hindi kayo bagay. Di ka naman tao diba."

"Bakit ba? eh sa importante siya sakin eh. Nagseselos ka ba?"

"Oo, at sana layuan mo na siya. Akin lang siya."

"Paano kung di ko gagawin ang nais mo?"

"Ganito nalang, papipiliin natin siya sating dalawa. Kung sino ang pipiliin niya ay siyang aangkin sa kanya."

"Paano kung di siya papayag?"

"Edi magtutuos tayo. Kung sino mananalo ay mapapasakanya."

"Deal."

Umalis nako at di na hinintay pang matapos ang usapan nila. Sapat na iyong mga narinig ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang tumatakbo palayo.

Tama ba ang mga narinig ko. Assuming ko naman masyado kung ako nga yong pinag-uusapan nila, pero pwede namang ako. Kung ako man, ay di ako makapaniwalang pinag-aagawan ako ng dalawang matitipunong lalake. Di ko alam kung kikiligin ako, maiinis, matutuwa o magagalit sa nakuhang impormasyon ng dalawang tenga kong lihim na nakikinig.

Natigil ako sa pagtakbo at naglakad na lamang ng marating ang canteen. Hinihingal. Bumili na lang ako ng makakain at madaming junk foods sabay panhik doon sa room ni Kuya.

Sa aking paglalakad, di sadyang tumama ang mata ko sa babaeng sobrang pamilyar ng mukha, ng buhok at ng tindig sa kabilang linya.

"Kiara!"

••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now