Magnitude X : XXXXIX

163 12 0
                                    


"Biro lang." dagdag niya sabay lapit sa akin at sinipsip ang aking balat kung saan nandoon nanggagaling ang kagat.

"Parang ahas ang mga alaga kong bubuyog, makamandag. Small but terrible." sabi niya sabay luwa ng mga likidong puti at mabilis na nilabas ang kanyang healing power.

"Bakit mo nga pala siya pinatay Alyza?" tanong ko habang naghihintay na humilom ang aking sugat.

"Pinatay niya si Clifford. Wala na siya."

"Pero ano iyong binigay mo sa akin?"

"It's a temporary life saver syrup Sivan. Miguel's power is uncureable. Hindi ko kayang galingin ang natamong sugat ni Clifford." sabi niya. Bakas sa mga mata ang kumikinang na butil na tubig at isang pikit nalang ng mata ay mahuhulog na ito.

"Mamamatay na siya Sivan. Hindi ko man lang nasabi ang nais kong sabihin sa kanya. I loved your friend Sivan. I loved Clifford kahit na minsan makulit, pasayaw at barumbado siya but he never failed to captured my heart." dagdag niya at tuluyan na ngang pumatak ang kanina niya pang luha sa kanyang mga mata. Niyakap ko nalang siya at hinagod ang kanyang likod.

"Huwag ka mawalan ng pag-asa. Mabubuhay pa siya."

"Mabubuhay? Baliw nalang ang maniniwala noon Sivan."

"Alyza." tangi ko nalang na tugon at niyakap siyang muli, hagod-hagod ang kanyang likuran. I know it's hard for her.

Marami na ang namatay na mga Man Havocs. Mga malalapit ko pang kaibigan. Sa ngayon ay tinatatagan ko nalang ang sarili ko kahit na alam kong masaklap na ang mga nangyayari sa amin.

"Sumuko na tayo Sivan. Sumuko na tayo sa mga kalaban." rinig kong bulong ni Alyza.

"Nahihibang ka na ba. Kaya pa natin ito."

"Ayoko na. Bawat paghinga ko ay katumbas ng mga karayom na tumutusok sa mismong puso ko. Hindi ko na kayang huminga pa lalo na at alam kong mawawala na sakin si Clifford."

"Alyza huwag kang magsalita ng ganyan. Kaya pa natin ito. Tiwala lang." pagpapatatag ko sa kanyang sarili upang hindi na siya mag-isip ng negatibo. Ilang saglit lang ay may sumigaw sa amin.

"Sivan! Alyza! We have to get out of here now!" rinig kong sigaw ni Kiara habang patuloy pa din sa pakikipaglaban.

"Alyza. Kaya mo pa ba?" tanong ko sa kanya subalit hindi siya sumagot at nakatingin lamang sa akin sa blanko niyang mukha.

"Kailangan na natin tapusin ito." wika niya sabay takbo papunta sa kalaban. Ni hindi na nagawang nagpaalam pa sa akin. Mabilis na tumakbo at sinampal ng malakas sa pisngi si Maureen.

Lalapitan ko na sana ang dalawa ng pigilan ako ni Kiara.

"Hayaan mo siya Sivan. Kaya na niya iyan." pagpigil niya sakin at tiningnan na lamang sila na nakikipaglaban ngayon.

After a while, Maureen strike a firing look and stretch her hands with a lot of papers flying around, a paper that's similar to a blade. Whoever touches it can be automatically cut and be killed into pieces.

Alyza was very competent and drastically moved forward, dodged all the attacks that was coming onto her and acted like a professional fighter and won. Within a second, she handle herself wisely and came onto Maureen quickly, grabbed her long hair and pulled it under.

Sakto ding nagpalutang ng maliit na gunting si Kiara patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Mabilis namang kumilos si Alyza, dinampot agad ang gunting at tinarak mismo sa leeg ni Maureen.

"Success." masiglang wika ni Kiara, napapatalon pa na animo nakakita ng isang libo sa sahig. Nangiti lang ako at natuwa sa biglang aksyon ni Alyza. Akala ko kung ano na ang gagawin niya.

"One down, two more to go." sabi ni Alyza at mabilis na tumakbo palayo at nagpalamon muli sa malaking usok. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Kiara sa narinig mula kay Alyza.

"What did she meant Sivan?" pagtatakang tanong ni Kiara.

"Wala na kasi si Jose. Pinatay niya -ang kanyang sarili at si..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang may sumabog na malakas sa kalagitnaan ng digmaan.

"Ano iyon?"

"Hindi ko alam." sabi ko. Sa tingin pa lang naming dalawa ay alam na namin ang gagawin kaya tumakbo na kami. Nakiusyoso at tinalasan ang paningin kung saan nanggagaling ang malakas na pagsingaw ng mga usok sa biglang pagsabog.

"Hub!" sigaw ko ng makitang nakahandusay si Hub at mabilis nga siyang nilapitan.

"Si Taller! Pinatay si Marga!" nauutal niyang saad.

"Anong sabi mo? Hindi maaari." gulat kong ulat at mabilis na nanindig ang mga balhibo.

In just a snap, someone dies and I can't manage it any longer.

"Kailangan na nating pabalikin muli ang dating takbo ng utak ni Taller baka kung ano pa ang gawin niya." seryosong sabi ni Hub sabay tayo subalit bigla nalang siya natumba sa dami ng kanyang pasa sa katawan.

"Diyan ka lang. Let me handle this." sabi ko at sinulyapan si Kiara. Binigyan ng makahulugang tingin at tuluyan na kaming tumakbong muli dalawa upang harapin si Taller.

Mukhang siya nalang ang natitirang kalaban na buhay pa. Buti nalang at naligtas pa namin si Maureen.

"Taller nasaan ka magpakita ka sa amin." sigaw ni Kiara subalit walang boses ang sumagot.

Sa aming pagmamasid ay naramdaman nalang namin ang init sa paligid at amoy ang natural na usok.

"Mukhang may sunog Sivan! Kailangan na nating umalis dito." biglang sabi ni Kiara sa akin at mukhang tama nga siya. May sunog sa paligid kahit na hindi na namin magawang masilayan pa ang lugar dahil sa usok na patuloy pa din sa pagdalong.

"We need to find everyone and get out of here!" utos ni Kiara ng bigla nalang may sumigaw ng malakas.

"Twin revolution power!" sigaw ng kambal at bigla nalang kaming naglahong lahat at dinala sa malalim na dagat.

"Hub!"

••••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now