Magnitude X : XXXVII

287 42 0
                                    


Bigla na lamang may humablot sa akin sa likod at marahas na ginuyod palayo. Ang sakit. Pinalambot ko naman agad ang lupa at naging putik gamit ang kapangyarihan at pinalubog sila pababa.

Apat silang pirata na pinagtutulungan ako subalit tuluyan na silang nilamon ng lupa. Nakalaya naman ako sa mga kamay nila subalit may mga pirata pang dumating. Sobrang dami nila. Hindi maubos-ubos.

"Tulungan mo si Sivan." utos ni Maureen na gumagawa pa din ng apoy ngayon upang magsilbing liwanag.

Lumapit na si Sivan sa akin at gumawa ng malakas na hangin at itinapon sa mga pirata. Mabilis silang nakaiwas at nagtago ang ilan sa puno habang ang iba ay walang takot na lumusob sa aming tatlo.

"We have to cover Maureen. Dapat walang makalapit sa kanya." utos ni Hub at lumusob na din sa mga pirata. Malalakas na nga ngayon ang mga pirata hindi tulad ng dati.

Napatingin ako sa taas ng biglang may tumalon galing sa tuktok ng puno at sinakal si Maureen sanhi upang mawala ang gawa niyang apoy at tuluyang dumilim ang paligid. Mautak ang mga kalaban.

"Sivan!" sigaw ng dalawa. Pinakiramdaman ko naman ang lupa at nagsilbing mata sa paligid. Wala na akong maisip pa na paraan at pinalambot na lamang ulit ang lupa at naging putik, pinalubog ang lahat maging ako. Lahat ng mga pirata ay nahulog sa aking patibong.

"Get off me. You sh*t!" sigaw ni Maureen sa malapitan at mukhang pinaslang na niya ang kalabang sumakal sa kanya.

Bigla ulit umapoy gawa ng kapangyarihan ni Maureen na nagsilbing liwanag ulit sa paligid.

Hanggang tuhod ang lalim ng putik na bumaon sa aming lahat. Tanaw ko si Hub sa malayo at pinagpapaslang ang mga piratang pilit na lumalapit sa kanya kahit na baon na ang mga iyon sa putik.

"Kill them all Sivan." sigaw ni Maureen.

Maya maya ay unti unti kong pinalubog ang mga pirata sa ilalim at nilamon na ng lupa. Pinalutang ko sila Maureen at Hub pataas at tuluyang pinatigas ang malambot na lupa sa dati nitong anyo. Naiwan sa ilalim ang lahat ng pirata.

Pagkatapos ang masaklap na laban ay biglang lumiwanag sa paligid dulot ng singaw ng araw sa taas.

"Paano nila napapatigil ang araw?" tanong ni Maureen.

"Hindi ko alam." mabilis na sagot ni Hub. Bakas sa mukha ang pagtataka maging ako sa sarili.

"Hayaan nalang natin yan. Ang kailangan natin gawin ngayon ay hanapin si Marga." sabi ko at tuluyang tumakbo kasabay sila sa masukal na daan ng kagubatan.

"Sivan!"

"Alyza!"

Buti at nahagilap namin sila. Masigla namin silang niyakap lahat subalit parang may kulang. Tatlo lamang sila at para silang mga basang sisiw sa kanilang postura.

"Nasaan si Clifford at Mark?" tanong ni Hub.

"Hindi namin sila naligtas. May biglang umatake sa amin at sobrang lakas nila." sagot ni Alyza na naghahabol ngayon ng hininga.

"Bakit basa kayo? Anong meron?" tanong ko.

"Nahanap na namin ang dagat. Nahanap na namin ang Magnitude Arena." biglang sagot ni Diego, bakas sa damit ang mga sugat na natamo. Mga dugong nagkalat at pinaghalong tubig ng dagat.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Okay na. Nakita na kita eh." mabilis nitong sagot sabay kindat sakin. Napangiti nalang ako ng patago at tiningnan siya ng masama.

"Nasaan si Marga. Bakit hindi niyo siya kasama?" biglang tanong ni Jose sa amin.

"Nadakip din sila ng mga kalaban, ng mga pirata." sagot ko na ikinalungkot ng kanyang mukha.

"Tama na ang maraming satsat. Kailangan na natin silang hanapin baka maging huli ang lahat." anunsyo ni Maureen at agad na kaming tumakbo lahat sa kung saan nandoon ang Magnitude Arena.

Kami na lamang anim ang natira habang ang tatlo ay nadakip ng mga kalaban. Sana ay okay lang si Clifford. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya, maging sila Kiara, Andie at ang kambal na sina JJ at GG. Ang aking platoon.

"Sandali. Nararamdaman niyo ba iyon." bulalas ni Alyza. Napahinto naman kaming anim at maiging pinagmasdan ang paligid.

Pakiramdam ko ay may mga paang tumatakbo palapit sa amin.

"Dapa!" mabilis na sigaw ni Alyza ng biglang may nagpaulan ng baril sa direksyon namin.

"Jose!" sigaw ni Maureen ng matamaan si Jose ng bala sa likod.

"Alyza help him." utos ko at agad naman siyang kumilos. Gumapang ng mabilis at nilapitan si Jose.

Biglang nagpaulan ng maraming papel si Maureen gamit ang kanyang kapangyarihan. Walang takot na tumayo at ginawang depensa ang kanyang mahiwagang papel na ginawang barrier upang hindi makalusot ang mga bala sa amin. Pinaikot niya ito at ginawang mala-tornado na naging shield upang hindi kami tamaan.

"Nice Maureen." sabi ni Diego. Mabilis na tumayo at agad na lumapit kay Jose. Lumapit din naman kami ni Hub at tiningnan ang kanyang lagay.

"This is not an ordinary gun bullet." bungad ni Hub sa amin ng mahawakan ang balang tumama kay Jose.

"It's Magno's injection." dagdag ni Hub ng mapansing may kakaibang likido sa loob ng baril.

Ilang saglit ay biglang nagising si Jose at sinuntok si Alyza. Kumilos naman agad si Diego at kinulong ito sa kanyang mga kamay patalikod.

"F*ck! What happened to this guy?" malutong na bigkas ni Diego. Marahas na kinulong sa kanyang mga braso subalit mapilit si Jose at agad na nakawala at sinuntok si Diego ng malakas sanhi upang matumba siya sa lupa.

"He's now manipulated by the Magno." sabi ni Hub sa lahat. Bigla namang ginamit ni Alyza ang kanyang kapangyarihan at pinalakad ang mga ugat ng puno. Marahas na ginapos si Jose at kinulong ng biglang sumigaw si Maureen.

"F*ck! We're gonna die!"

••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon