Chapter 73

30.2K 397 25
                                    

Max POV

This is it! I'm so happy right now! Grabeh sobrang proud ako para sa girlfriend ko ngayon. Parang mas excited pa nga ako kesa sa kanya, i can't imagine na yung Angel na sobrang tamad at parating naiinis sa akin kapag tinuturuan ko eh graduate na ngayon! Wow!

"Love smile!" Masigla kong saad. Kakatapos lang ng graduation nila Angel. Mommy at daddy lang nya ang dumating dahil puro busy ang mga kapatid nya. Syempre andito rin ako sa tabi nya. Hindi ko pwedeng mamiss ang araw na to na pareho naming hinintay.

"Thanks baby." She kissed my lips sabay ngiti ng napakatamis.

"Angelica we have to go." Paalam ni sir Alfred sa amin habang may kausap sa cellphone.

"Dad, mom pwede kumain muna tayo bago kayo umalis?"

"Anak i'm sorry. Alam mo naman na may importante kaming investor na kelangan imeet." Sabi ng ina nito.

Actually dumaan lang talaga sila rito para sa graduation ni Angelica. Papunta talaga sila sa Mexico para sa isang business transaction. Kawawa naman ang love ko puro busy ang family nya.

"Hay...ok mom. May magagawa pa ba ako? Just take care!"

"We're very sorry princess. Babawi kami sayo, ok?" Niyakap ito ng ama. "Proud kaming lahat sayo Angelica."

"Thanks dad. Para sa inyo naman talaga to."

"No baby, para sayo lahat ang nakamit mo. Kampanti na kami ngayon ng daddy mo, you deserve the best anak." Yumakap narin ang ina nito. Hindi ko naman pinalampas ang pagkakataon para kunan silang tatlo ng litrato. Kahit naman hindi namin sila makakasama mamaya mag-celebrate masaya parin ako dahil nagpunta sila kahit napaka busy.

"Maxwell take care of my daughter. Ok?"

"Yeah sir. Don't worry ako po ang bahala!"

"Good. Kelangan na talaga namin umalis."

"Sige dad, mom mag-iingat po kayo!" Malungkot ang boses ni Angel. Alam ko disappointed sya ngayon pero wala rin naman syang magagawa pa. Hay!

Hinatid namin sila sa kotse at nagpaalam.

"Tara love!" Aya ko sa kanya dahil malungkot parin itong nakatayo kahit wala na ang sasakyan ng parents nya.

"Ok!" Umakbay ako sa kanya at ginaya ito papuntang kotse.

Tahimik lang si Angel sa tabi ko. Pauwi na kami ngayon para e-celebrate ang graduation nito.

"Love ok ka lang?" Nag-aalala kong tanong habang nagmamaneho.

"H-ha?" Lumingon ito sa akin. "Ahmmm.. oo baby."

"Wag mo ng isipin yun love, im sure gusto ka rin nilang makasama. Intindihin na lang muna natin sila love." I hold her hand. "Come on smile na ang love ko!" Ngumiti ako sabay kindat sa kanya.

"Yeah right. Mabuti na lang nandito ka sa tabi ko baby!"

"Of course love. Sabi ko naman di ba kahit anong mangyari hindi kita iiwan."

"Thank you Max. I love you!" Mabilis nyang hinalikan ang pisnge ko.

"I love you too love". I kissed her hand.

"Baby pwede bang sa condo na lang tayo kumain. Ipagluto mo na lang ako please?"

"Ha? Akala ko ba gusto mo sa labas tayo kumain?"

"Ayaw ko na baby. Nawalan na ako ng gana, akala ko kase makakasama natin sila mommy!"

"Hay... are you sure love?"

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now