Chapter 18

46.7K 586 16
                                    

Max POV




Tok.. tok.. tok.. Narining kong katok sa labas ng kwarto ko. Inaantok pa ako, pagtingin ko sa orasan 7:30 pa. Haayy! Hindi ko naman kelangan magising ng maaga ngayon dahil magkakaroon lang kami ng meeting mamayang hapon para sa outreach program namin. Pupungas akong bumangon at binuksan ang pinto.

"Ma bakit po? Mamaya pa po ako pupunta sa school". Humihikab ko pang saad kay mama.

"Naku sorry anak may naghahanap kase sayo sa baba sabi nia kaklase mo daw sya nung high school. Eh sabi nya gusto ka raw nyang surpresahin". Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni mama. Kaklase sa high school?sino kaya yun.

"Oh sige ma susunod na ako maghihilamos lang ako". Ngumiti ako kay mama.

Bumaba na ako para makita ang bisita na sinasabi ni Mama, nakatalikod syang nakaupo sa sala kaya di ko kaagad nakita ang mukha nya.

"Oh ayan na pala si Maxwell". Sabi ni mama at tumayo na rin. Lumingon ang babae at nagtaka ako, wala akong natatandaan na kaklase ko nung high school na ganito ka ganda. I mean maganda naman si Julia at tsaka yung muse namin sa school noon pero iba ang ganda nito parang katulad ni Liza Soberano kung ngumiti na mahahawa ka at mapapa'ngiti na rin kahit walang rason.

"A-ah miss sorry kaklase ba talaga kita nung high school?". Tanong ko at napakamot ako sa noo. "Wag mong mamasamain ah di lang talaga kita matandaan". Ngumiti ako ng tipid kase nahihiya ako.

"Naku ito talagang si Maxwell pagpasensyahan mo na hija ha. Sige ipaghahanda ko lang kayo ng almusal". Paalam naman ni Mama at iniwan kaming dalawa.

"No its ok hindi naman ako na offend sa sinabi mo na di mo ako matandaan. Medyo nagtatampo lang". Nakangiti nitong sabi at lumabas ang pantay nitong mga ngipin. Napatitig ako sa kanya, parang familiar yung mata nya di ko lang talaga matandaan kung sino sya. Umupo ako sa tabi nya pero malaki parin ang space namin, tahimik lang ako.

"Ahmm Max do you still remember yung babae na pinagtanggol mo nung may nang-bubully sa kanya sa school? That girl with curly hair big eye glasses wearing long sleeves ang boots? Naalala ko nagkaroon ka pa nga ng black eye nun dahil di ka tinulungan ni Mark at ikaw lang mag-isa ang nakipag suntukan dun sa apat na mga lalake!". Tumingin sya sa mga mata ko habang nag-sasalita. Ni recall ko ang mga sinabi nya, oo may natatandaan akong babae na bago lang sa school namin at pinagtritripan nila Sandro yung number 1 bully sa school. Nakita namin sya ni Mark na hinihila ang bag tapos pinagpapasahan ng mga barkada ni Sandro,naawa ako kaya tinulungan namin ay mali ako lang pala kase tumakbo si Mark para tawagin yung guard sa school. Pinagalitan pa ako nun ni Papa kase unang beses nya akong makita na may pasa sa mukha at blackeye. Hayyy! Babae parin daw ako kaya dapat hindi nakikipag suntukan.

"Oo natatandaan ko yun. Kaya lang bigla rin syang nawala pagka 3rd year namin. Bakit kilala mo ba sya?". May kung anong excitement akong naramdaman sa puso ko, naging matalik rin kaming magkaibigan nun. Kung hindi nga sya umalis baka mag-bestfriends na kami ngayon.

"Ofcourse kilalang kilala Max. Alam mo ba hindi ka nawala sa isip at puso nya. Ikaw rin ang dahilan kung bakit nagbalik sya, and--- here i am in front of you Max. Ako yung babaeng yun umalis lang ako dahil kelangan mag-migrate ng family namin sa states pero im back now at magkakasama ulit tayo". Masaya nitong sabi at niyakap ako.

Parang hindi naman kaagad pumasok sa utak ko ang huling sinabi nya. Siya daw yun?. "I-ikaw si Megan Aquino? Di ka ba nag bibiro?". Di ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin "Silly ofcourse not. Ako talaga to, siguro nagbago ang itsura ko pero hindi ang puso ko Max. Ginawa ko ang lahat to look good para pag'nagkita ulit tayo hindi na ako maiilang na sumama sayo at mag-alala na baka mapa'away ka na naman dahil sa akin". Hinawakan nya ang kamay ko.
"Max i don't want to be just a shadow gusto kong mag'enjoy kasama ka hindi gaya ng dati na kaylangan mo pa akong samahan kahit bibili lang ng food sa cafeteria". Napangiti naman ako sa sinabi nya, para kaming mga tanga noon minsan nga nakikita kong nilalagyan ang upuan nya ng bubblegum kaya nakikipag palit ako ng upuan sa kanya. Ayaw ko namang komprontahin yung mga nangtitrip sa kanya dahil nangako ako kay papa na di na makikipag'away.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now