Chapter 40

34.7K 451 22
                                    

Max POV

"Best di ba birthday mo na next friday? Saan tayo?". Sabi ni Julia. Magkasama kami ngayon dito sa library dahil nagpapatulong sya sa kanyang research paper.

Napabaling ang ulo ko sa kanya.  Tama birthday ko na pala next friday. Tsskk! Bakit ko ba nakalimutan yun.

"Hey don't tell me nakalimutan mo ang birthday mo? Wow!". Manghang-mangha naman syang tumingin sa akin.

Nag-aalangan naman akong napangiti "Hindi ko naman nakalimutan. Busy lang kaya wala akong naging plano". Sabi ko at bumalik na sa pagsusulat.

"Ok. Since wala ka pang plano, ako na ang bahala sa birthday mo! Gift ko na rin sayo dahil tinulungan mo ako dito!". Excited nitong sabi at tinaas pa ang mga papel na hawak nya.

Hinarap ko sya at napailing-iling "Jul hindi na kelangan. Tsaka sigurado ako magluluto si Mama kaya buti pa wag kanang mag-abala. Ok?".

"Eh kainis ka naman! Sige na please?! Sa resort na lang tayo mag-celebrate?". Pangungumbinsi parin nito. She cupped my face habang nagpapacute naman sya ng mata. Hayy!

"Jul pag-iisipan ko promise. Alam mo naman si Mama gusto nun magluto di ba".

"Ano ba Max 19 kana noh!"

Naku naman! Bakit ko ba nakalimutan ang birthday ko. Paano naman kase sa mga nakaraang linggo parati na kaming magkasama ni Angel. Aaminin ko nawala talaga sa isip ko! Si Angel kaya natatandaan nya? Baka may plano yun o baka rin nakalimutan nya. Mamaya na lang siguro sa dinner isisingit ko kung anong magandang plano sa birtday ko.

Shit! Monthsary na rin pala namin next week. Kung sinuswerte ka nga naman sa thursday na pala yun kasunod lang ang birthday ko. Double celebration dapat, pero paano naman di pa kami open sa parents namin at mga kaibigan. Tssk!

"Anong iniisip mo? Para kang sira bigla-biglang nalulungkot yang mukha mo!"

"Ha? W-wala" iwas tingin ko sa kanya at kinuha ko ang isang libro "Bilisan na natin may klase pa ako!"

After 30 minutes natapos din kami buti hindi na nya ako kinukulit. Pagkatapos naming maibalik ang mga books ay naghiwalay na rin kami ng daan.

Nag-iisip ako ngayon kung paano sasabihin kay Angel mamaya sa dinner ang tungkol sa scholarship na offer ng daddy nia. Ano kaya ang magiging reaction nya? Im sure hindi yun papayag. Hayy! Hindi ko naman kelangan problemahin sila mama at papa dahil alam na nila ang tungkol dito.

Naputol naman ako sa pag-iisip ng makita ko si Red na tumatakbo papunta sa akin.

"Red? Ok ka lang? Bakit ka tumatakbo?". Tanong ko sa kanya dahil hingal na hingal ito at parang nagmamadali.

"S-si Angel. Tingnan mo to dali!". Inabot nya sa akin ang isang cellphone.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. Bakit ganito? Si Angel at Alexis nag-aaway. Sinasabunutan ni Alexis si Angel habang nagmamakaawa naman ito. Damn!

Natataranta akong tumingin sa kanya "B-bakit sila nag-aaway? Saan mo nakuha to? Nasan si Angel ngayon?". Sunod-sunod na tanong ko habang  hawak parin ang cellphone. Narinig ko pa ang pagmamakaawa ni Angel kay Alexis. Shit!

"Kinunan ko sila ng video, nakita ko kase si Angel na papunta sa building nila Alexis. Narinig ko pang sabi ni Angel na gusto nyang makipag-kaibigan kay Alexis at ayaw nya ng gulo. Pero ginigiit parin ni Alexis na mahal mo sya at dapat tigilan na ni Angel ang paglapit sayo! Nakita mo naman di ba, sinaktan nya si Angel Max!". Napatiim bagang ako sa narinig hindi ko akalain na magagawa ni Alexis ito. Napamahal na rin sya sa akin bilang kapatid pero ang saktan nya si Angel nang walang mabigat na rason ay hinding-hindi ko papalampasin.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon