Chapter 68

28K 371 13
                                    

Max POV

"Come on iuuwi na kita Meg!" Sabi ko kay Megan na nakayuko ang ulo sa mesa. Pag-kaalis ko sa condo agad ko syang tinawagan dahil gusto kong maki-usap sa kanya na balikan si Lorenzo. Hindi ko akalaing ganito ang madadatnan ko dito sa bar, 11am palang. She's so wasted! Lasing at iyak pa ng iyak. Tsk.

"B-babe please i-i wanna go home!" Umiiyak nitong pakiusap.

"Oo Meg iuuwi na kita kay Lorenzo!"

"Nooo! G-gusto ko ng umuwi sa pilipinas!" Tumangga ulit ito ng alak.

"Tama na yan Megan!" Inagaw ko ang bote sa kamay nito.

"M-max listen to me!" Kinulong ng dalawang kamay nito ang mukha ko. "Wala na kami ni Lorenzo, sinabi ko na sa kanya lahat!"

"I know Meg! Kaya nga ako nandito para sabihin sayong mali ang desisyon mo. Mahal na mahal ka nya Megan, sana naman mag-usap kayo ng maayos. Itatapon mo na lang ba ng ganun-ganun lang ang tatlong taong pinagsamahan nyo?" Binaba ko ang kamay nito at pinainom sya ng tubig.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Nagi-guilty ako Max! Sobra! Mahal ko sya pero hindi talaga kami pwede."

"Meg kelangan mong pag-isipan ng paulit-ulit kung tama ba ang desisyon mo. Naniniwala parin akong hindi naman talaga higit pa sa kaibigan ang pagmamahal mo sa akin."

"P-paano mo naman nasabi Max? Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko!"

"Tama ka hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo Meg pero believe me kung itutuon mo lang lahat ng pagmamahal mo kay Lorenzo im sure magiging ok ang lahat."

"No! I don't think so!" Giit nito.

"Meg makinig ka sa akin." Hinawakan ko ang kamay nito. "Please balikan mo si Lorenzo. Mahal na mahal ka nya!"

"I don't know Max gulong-gulo ang isip ko. Bakit ba hindi kita makalimutan?" Umiiyak parin ito at yumakap sa akin.

"Megan sa tingin ko nagiging sobrang attach ka lang sa akin." Mahinahon kong saad at hindi pinansin ang sinabi nya.

"Max.... i-i don't know! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin."

Hinawakan ko ang balikat nya at nilayo kunti. "Meg ayaw kong pag-sisihan mo sa huli ang mga desisyon mo!Si Lorenzo ang totoong nagmamahal sayo at sinisigurado kong magiging ok ang lahat kapag nag-usap kayo ng maayos."

"Just give me some time Max. Hindi to madali sa akin."

Pinunasan ko ang luha nya at tinulungang tumayo. "Halika umalis na tayo dito. Mag-stay kana lang muna sa ibang hotel."

"Thank you Max!"

After naming makalabas sa bar hinatid ko sya sa isang hotel na malayo sa hotel nila ni Lorenzo dati.

"Dito ka muna Meg. Don't worry magiging ok rin ang lahat!" Nakaupo kami sa sofa dito sa loob ng kwarto.

"Bakit kaba ganyan kabait sa akin Max? Nakakainis!" Kumapit ito sa braso ko sabay sandal ng ulo sa balikat ko.

"Kahit anong mangyari Meg bestfriend parin kita. Kunti na nga lang ang mga kaibigan ko tapos mawawala kapa!"

"Bestfriend lang talaga babe? Pwede bang more than bestfriend?" Tumawa ito ng mahina.

"Gusto mo na naman ba akong masampal ni Angel ha? Alam mo bang nalaman nyang nag-uusap tayo."

"Talaga?" Tumingin ito sa akin. "Paano nya nalaman?"

"Sinabi ni Lorenzo kanina!"

"Sorry! Ewan ko ba kung bakit ganito ako sayo Max".

"Megan naman kase kalimutan mo na lang yang mga nararamdaman mo. Maniwala ka sa akin mahal din kita pero hindi lang katulad ng pagmamahal ko kay Angelica. Lahat ng sinabi mo sa akin hindi ko binibigyan ng kahulugan. Mahalaga parin ang pagkakaibigan natin Meg!"

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now