Chapter 53

30.1K 402 75
                                    

Angel POV

Maaga akong gumising, 5am pa lang pero gising na ako. Ayaw kong malate sa flight namin gusto kong ready na lahat at walang magiging problema.

"Good morning. Baby don't be late dito kana mag-breakfast ha. I love you!" Text ko kay Max. Im so excited pero maaga pa naman. Mamaya ko na lang tatawagan ng 6 baka natutulog pa yun, bumaba na lang muna ako para magluto ng almusal.

Shit! 6:15 na hindi ko man lang napansin ang oras. After kong mahanda ang pagkain ay dali-dali akong bumalik sa kwarto para tawagan si Max.

"Bakit hindi nya sinasagot?" Naka dalawang tawag na ako pero hindi parin sumasagot. Uggghh! Binaba ko ang phone, maliligo na lang muna ako.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok kaya mabilis akong lumabas ng banyo. "Wait!" Sigaw ko and I open the door.

"Bakit hindi ka na lang agad pumasok?" Tanong ko kay Max na nasa labas ng kwarto at nakangiti pa. Tsss!

"Wala. Trip ko lng!" Nakangiti nitong sagot sabay pasok sa loob. Tinalikuran ko sya at nagtungo sa closet. Basang-basa pa ang buhok ko. Tsss!

"Ah ganun pinagtitripan mo pa ako!"

"Masaya lang ako love at tsaka excited" Umupo ito sa kama "Gusto mo ba ng tulong love?"

Nilingon ko sya "Max aalis pa tayo ha. Wag mo akong simulan baka malate tayo! Tumalikod ka nga" Utos ko sa kanya pero hindi man lang natinag at kumindat pa.

"Biro lang love. Sige magbihis kana, kompleto na ba ang dadalhin mo?" Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Yes po!" Nakangiti kong sagot.

Nakatingin lang ito habang nagbibihis ako, behave yata ngayon ah! Tsss..

"Halika na kumain na tayo Max. Baka ma-traffic pa tayo" Sabi ko matapos makapag-bihis. Agad naman syang tumalima at dinala ang maliit kong maleta.

"Hi dad goodmorning" Bati ko kay daddy na uminom ng kape.

"Oh mabuti at ready na kayo"

"Good morning po Sir!" Bati ni Max at umupo na rin.

"Magandang umaga din Maxwell. I hope mag-enjoy kayo dun. Don't worry about the expenses binigay ko na kay Angel ang gagamitin nyo!" Pinagsalin ko ng niluto kong pagkain si daddy at Max.

"Salamat po sir" Magalang namang sagot nito.

"Your welcome. I just hope bantayan mo ng mabuti itong si Angelica" Biro nito at tumingin si dad sa akin.

"Wala po kayong magiging problema sir."

After naming nagbreakfast ay nagpaalam na kami kay dad. Hinatid kami ng driver namin sa airport, mabuti na lang at hindi pa traffic.

"Are you ok baby?" Andito na kami sa loob ng eroplano.

"Oo love! Excited lang ako" Hinawakan nya ang kamay ko.

"Kung gusto mo matulog ka muna baby, 4 hrs pa naman ang byahe eh!"

"No its ok! Syanga pala nasabi ko na kina Julia at Mark yung tungkol sa scholarship love"

"Talaga? So anong sabi nila?"

"Sumuporta naman sila sa akin. Tsaka may mga bahay naman sila sa America kaya sigurado ako magkikita parin kami"

"Baka naman sumunod na rin sila sa atin doon ha!?". May himig inis kong saad. Tsss! Naiinis akong isipin.

"Wala naman silang sinabi love!"

"Mabuti kung ganun baby!"

Nanghanda na kami sa paglipad. Matapos kaming maging komportable sa byahe ay nagkwentuhan na lang kami ng kung ano-ano kasama na ang mga plano namin kapag nasa ibang bansa na kaming dalawa. I hope hindi naman sumunod sina Mark at Julia sa america, gusto ko lang naman pagtuonan ni Max ang pag-aaral nia at syempre ang relasyon namin. I also want to concentrate on my studies, ayaw ko naman mapahiya kay dad at kay Max. I want them to be proud of me!

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now