Chapter 63

29.4K 424 11
                                    

Angel POV

"I don't care!" Matigas kong saad kay Max.

"Napaka-tigas talaga ng ulo mo Angelica! Wala ka talagang awa sa'kin. Pag-ako hindi nakapag-pigil ---" Agad akong napatayo. Gosh!

"Ano? Anong gagawin mo?!" Sigaw ko.

Hindi ito sumagot at mabilis akong tinalikuran. Tssss!

Ayoko period! Ako ang masusunod sa aming dalawa period parin! Ano ako tanga?!

Birthday ng isa nyang kaklase kaya nagpapa-alam sya sa akin kung pwede daw sumama kase libre naman daw ang byahe. Sa hawaii pa sila pupunta, ayoko nga puro pa naman mga babae ang kasama nya. Including yung maharot na si Georgina! May tiwala naman ako sa baby ko pero sa mga malalanding yun wala! Bahala syang magalit sa akin basta hindi ako papayag. Mabuti na yung galit nga sya pero kasama ko naman kesa nag-eenjoy nga sya pero ako naman ang napa-paranoid dito.

"Love pumayag kana kase. 2 days lang naman kami dun, gabi andito na ako promise". Pangungulit parin nya sa akin habang nag-aapply ako ng lotion.

"Isang beses mo pa yang banggitin sa akin at hindi ako mag-dadalawang isip na tawagan si dad". Banta ko sa kanya.

Inirapan nya lang ako at tumalikod ng higa. Manigas ka!

Takot na talaga sya kay dad simula ng mahuli nya kami. Hindi naman ako artista pero magaling lang talaga akong umarte. Siguro kung makakabuntis lang si Max matagal ko na syang pinikot. Tsss!

Sabi nga ni dad malaki na kami at bahala na daw kami sa buhay namin total andito na to wala na syang magagawa. Pero iniwan nya kami ng mga salitang 'wag na wag nyo akong idadamay sa mga problema nyo!'

"Baby hindi mo ba ako yayakapin?" Malambing kong tanong sabay yakap sa likod nito.

Hindi parin ito sumasagot kaya mas lalo lang akong sumiksik sa batok nya.

"Baby?" Hinaplos ko ang braso nya.

"Hmmmm ano?". Nagtatampo pa ata ah.

"Kaya mo ba akong iwan dito baby? Hindi mo ba naisip na mag-isa lang ako dito habang nag-eenjoy ka dun. Mas gugustuhin mo pa silang kasama kesa sa akin?"

"Hindi naman sa ganun love". Humarap sya sa akin at pinaunan ako sa braso nya. "Syempre mas priority parin kita kesa sa kanila. Kaya lang love nakakahiya rin namang tumanggi, anak sya ni Mr. Smith malaki rin ang utang na loob ko sa kanya kaya natanggap ako sa scholarship".

"Ah basta hindi ka aalis. May exam pa naman ako tapos pababayaan mo lang na bumagsak ako?"

"Magre-review naman tayo bago ako umalis ---"

"Sinabi ko ng hindi ka aalis Max. Wag mo ng ipilit, ano bang konek kung anak sya ni Mr. Smith na yun? Please matulog na tayo!"

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito. "Good night." Hinalikan nito ang noo ko kaya sumilay ang ngiti sa labi ko.

"I love you baby." Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Nakakagigil ka talaga love. Hay naku kung hindi lang kita mahal. Nakuu talaga!" Kinurot nya ang pisnge ko.

"Oucchh! Masakit ah." Tinabig ko ang kamay nya. "Ang sabihin mo Maxwell naiinis ka lang kase hindi ka nakalusot sa akin."

"Kunti! Love naman kase bakit ba? Hindi naman ako magtatagal dun eh".

"Kahit pa isang oras ka lang mawala hindi parin ako papayag!" Possessive kong saad.

"Kung pwede lang kitang isama gagawin ko love pero di pwede kase---"

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now