Chapter 54

28K 395 17
                                    

Max POV

Nakapikit akong sumandal sa loob ng elevator. Kuyom-kuyom ko ang dalawa kong palad at sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para maglakad palayo sa kanila.

Nagmamadali kong tinungo ang pinto ng kwarto pagkabukas ng elevator. Kelangan kong kumalma! Masakit makita si Angel at James na magkalapat ang mga labi. Di ko alam ang iisipin,gulong-gulo ang utak ko. Shit! Anong ginagawa nya dito? Bakit alam nya kung nasaan kami? Naglilihim ba si Angel sa akin?

Nanghihina ang tuhod kong umupo sa kama. Gustong-gusto kong paduguin ang bibig ng lalaking yun pero hindi ko magawa. Ayaw kong mag-eskandalo at baka maghinala pa si James sa amin, wala paring nakakaalam sa relasyon naming dalawa! Nakakainis talagang isipin!

"Baby? Ok ka lang ba't ang tahimik mo? May problema ba?" Nagtataka nitong tanong habang kumakain.

"Wala" Tipid kong sagot at nakatingin lang sa pagkain.

"Ayaw mo ba ng food? Gusto mo sa baba tayo kumain or magpaluto ako ng bago?" Malambing nitong saad.

Ginagago ba nya ako? Bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina sa kanila ni James. Parang wala rin itong balak sabihin na nandito ang lalaking yun. Napatiim bagang ako ng maisip ulit ang nangyari kanina, gusto kong komprontahin sya pero hindi ko alam kung paano.

"Pwede bang bumalik na lang tayo sa Pilipinas?" Diretso kong saad.

"What? Why? Hindi ka ba nag-eenjoy?" Nakakunot noo nitong tanong at parang naiinis.

"Hindi naman sa ganun!" Uminom ako ng tubig, nawalan na ako ng gana.

"Then what? Tell me?"

"Gusto ko lang mapanatag ang loob ko!" Seryoso akong tumingin sa mga mata nito.

"Mapanatag? What do you mean?"

"Basta gusto ko ng umuwi, ako na lang ang bibili ng ticket natin pabalik. May savings pa naman ako!" Tumayo na ako at kinuha ang maliit kong bag.

"Ano? Seryoso ka ba Max? Ano bang problema mo?" Bakas ang pagtataka sa boses nito. Pinikit ko ang mga mata ko, pinipigil ko ang sarili at baka masigawan ko lang sya.

"Seryoso ako. Uuwi tayo, magpapa-book ako ng flight ngayon din!" Kinuha ko ang cellphone ko, kelangan kong humingi ng tulong kay Celine ang sekretarya ni sir Alfred. Babayaran ko na lang ito pagnakauwi kami.

"Bakit ka ba nagdi-desisyon kaagad? Akala ko ba mag-eenjoy tayo? Di ba excited kapa ngang pumunta dito?"

Hindi ko sya sinagot at dinial ang number ni Celine. Mabuti na lang hindi ko nakalimutan ipa-roaming ang number ko.

"Hello?"

"Oh Maxwell bakit napatawag ka ng ganito kaaga?"

"Sorry talaga Maam, kelangan ko lang talaga ng tulong nyo. Pwede po bang i-book nyo kami ni Angel ng flight pabalik dyan? Ngayon din po sana wag po kayong mag-alala babayaran ko po kayo pagnakauwi kami!" Sinulyapan ko si Angel, nakaawang ang bibig nito na parang hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"Why so sudden? May problema ba kayo?"

"Wala naman po!"

"Are sure?

"Opo maam wag po kayong mag-alala wala pong nangyaring masama sa amin dito"

"Ok Max. I'll just text you if ok na. Take care!" Binaba ko na ang phone at kinuha ang bag para mag-ayos ng gamit.

"Ano yun? Bakit ikaw lang ang nagdi-desisyon dito?" Reklamo parin nito. Patuloy lang ako sa pag-aayos ng mga gamit. Kinuha ko na rin ang mga gamit nya at inayos ang maleta nito.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon