Chapter 22

38K 516 17
                                    

Max POV

Talaga naman oh! Na-flat pa ang gulong ko. Hayy minamalas ka nga naman! Andito pa ako malapit sa hotel kung saan ko hinatid si Megan kase tumawag ang parents nito na umuwi sila bigla dahil may kailangan asikasuhin pero babalik rin sa states with in two days. Naiwan ko pa naman ang phone ko sa locker dahil nilagay ko sa bag, bat ba kase di ko na lang dinala ang bag ko. Akala ko naman kase makakabalik agad ako sa school. Naman oh baka kanina pa naghihintay si Angel sa akin. Tskk!

Pumara ako ng taxi at iniwan muna ang kotse ko babalikan ko na lang mamaya isasama ko na rin si Mark.

"Amarelio Cruz University po Manong". Sabi ko sa driver ng taxi,kelangan kong balikan si Angel baka gutom na yun. Sungit sungit pa naman kanina. Hayy!

Pagdating sa school ay agad akong tumakbo sa cafeteria im sure nandun sila Angel at mga kaibigan nya.

"Guys saan si Angel?". Agad na tanong ko ng makita ko ang mga friends nya pero wala si Angel at Red.

"Ha? Umalis bago lang kasama si Red". Si Nika.

"Saan daw nagpunta?".

"Hindi namin alam". Hay naku saan kaya yun.

"Sige salamat".

Nakita ko naman si Julia at Mark.

"Oh saan ka galing kanina ka pa hinahanap ng love of my life mo". Saad ni Mark.

"Eh hinatid ko pa kase si Megan sa hotel dahil dumating parents nya biglaan". Kawawa naman ang love ko baka gutom na yun, nagpromise pa naman ako sa kanya.

"Alam mo parang di maipinta ang mukha ni Angel kanina parang kakain ng tao". Komento naman ni Julia.

"Sige kunin ko muna ang bag ko tatawagan ko na lang sya". Di ko na sila pinansin at tinakbo ang building namin.

"Okie goodluck!"

Agad kong kinuha ang phone ko pagkabukas ko ng locker. 5 missedcall galing kay Angel.

Riinngggg rinngggg..

"Hello asan ka?!!!!". Galit na sigaw ni Angel sa kabilang linya.

"A-andito sa school love. Ikaw asan?". Kinalma ko ang boses ko halata na galit na galit ito.

"Bwesit ka! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ha!!!Sobrang busy ka naman ata dyan at kasama mo pa ang babaeng yun. Walang hiya kayo!!" Nilayo ko ang phone ko ang lakas ng sigaw nito.

"Love naman pwede ba sabihin mo kung nasan ka pupuntahan kita"

"Sa impyerno!!!". Sasagot pa sana ako kaya lang bigla akong pinatayan ng phone. Syete naman oh! Di man lang ako binigyan ng pagkakataon magpaliwanag.

Napasuklay na lang ako sa buhok ko at napabuntong hininga. Kainis! Bakit na naman ba nagkaka-ganun yun.

Wala akong choice kundi bumalik sa cafeteria baka kase pumunta rin si Angel dun.

Lumapit ako kina Bruno. "Guys wala bang sinabi kung saan sila pupunta?". Tanong ko sa kanila.

"Wala Max eh. Basta parang tigre si Angel kanina hinahanap kapa nga". Tumaas baba naman ang kilay ni Jessy habang nagsasalita halatang nang aasar.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at ngumiti ng tipid sa kanila. Bumalik na lang rin ako sa table nila Julia. Hayyy! Saan na kaya---- napatigil ako sa pag iisip ng makita ko si Angel na papasok ng cafeteria. Naka poker face lang itong lumapit sa akin. Tumayo kaagad ako para salubungin sya.

"Angel saan ka ba nagpunta? Gutom ka na ba? Dito na lang tayo maglunch o sa labas na lang?". Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Pak! Di ako na kagalaw kaagad, sinampal nya ako. Wala sa sariling nahawakan ko ang pisnge ko.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now