Chapter 46

31.1K 379 4
                                    

Max POV

"Ma wag na po kayong mag-abala sa birthday ko ha. Aalis po ako kasama si Angel". Paalam ko kay mama, nagdi-dinner kami ngayon dito sa bahay.

"Saan naman kayo pupunta anak?"

"Sa tagaytay po ma"

"Sama ako Max!". Singit naman ni ate.

"Wag na te. Promise papasalubungan kita". Ngumiti ako sa kanya.

"Eh ano naman ang mabibili mo dun?"

"Basta maghahanap ako!"

Tahimik lang din na kumakain si papa at nakikinig sa amin. Nagkwentuhan at nag-asaran lang kami nila ate, mabuti na lang hindi na sila tumutol tsaka malaki na rin naman ako.

Matapos ang dinner ay umakyat na'ko sa kwarto para ituloy ang pagrereview. Hayy! Iniisip ko parin kung ano ang magiging decision ni Angel tungkol sa scholarship. Bahala na!

Biglang nag-ring ang phone ko. Si Angel!

"Hi love!". Masaya kong sagot sa kanya.

"Busy ka ba?"

"Di naman masyado. Nagbabasa lang. Ikaw anong ginagawa mo?"

"Ito kakapasok lang sa room. Pinuntahan ko kase si mommy sa kwarto dahil medyo masama ang pakiramdam"

"Bakit anong nangyari?"

"Napagod lang naman baby! Syanga pala nakapag-paalam na'ko kay dad tungkol sa birthday mo at pumayag sya!"

"Talaga? Good! Mabuti pinayagan ka love! Ako rin nasabi ko na kina mama"

"So ok na lahat! Maaga mo akong sunduin sa thursday ha!"

"Naku love pwede mga 1pm na lang kita sunduin? May ipapasa pa kase ako sa school". Nag-aalangan kong sabi.

"Ano? Monthsary kaya natin yun!"

"Alam ko naman yun love. Kaya nga aabsent ako di ba, pero kelangan ko lang talaga na ma-ipasa to!"

"Kainis ka! Sige na nga. Bye! Matutulog na ako!"

"Galit ka ba?"

"Hindi. Mas importante naman talaga yang school kesa sa akin. Di ba? Sige na goodnight!". Nagdadrama na naman. Tsk!

"Hay naku! Mas importante ka sa'kin love alam mo yun!"

"Ok fine!". Halata ang inis sa boses nito.

"I love you!"

"Yeah. I love you too!"

"I miss you mahal ko!". Nilagay ko muna sa table ang libro para humiga sa kama.

"I miss you too! Basta baby dapat pagsundo mo sa'kin ready na lahat ng gamit mo para diretso na ang lakad natin"

"Opo! Basta wag ka ng magsungit sa'kin! Promise dadalian ko dun"

"Sabi mo yan ah. Excited na talaga ako baby! Im sure rin masu-surprise ka sa sasabihin ko!"

"Ano kaya yang surprise na yan? Excited na rin ako love!"

"Basta. I know you will like it and im sure you will love it also!"

"Nakakahiya naman love!". Sabi ko. Bukas bibili ako ng monthsary present para sa kanya, kumuha pa talaga ako sa savings ko para lang bigyan sya ng necklace. Sana magustuhan ni Angel!

"Hey don't say that. Basta magiging masaya tayong dalawa!". Nagtataka naman ako sa sinabi nia pero hindi ko na lang pinansin. Tama magiging masaya kaming dalawa sa araw na yun.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon