Chapter 57

28.6K 379 12
                                    

Angel POV

"Dad can we talk?" Salubong ko kay dad sa may swimming pool. Nagbabasa ito ng news paper kasama sina kuya Rafael at Lorenzo. Tumawag si dad sa akin kagabi na nasa bahay na sila, pero hindi naman sya nagalit ng sabihin kong kina Max ako matutulog.

Nagpahatid lang ako kay Max hindi ko na rin ito pinapasok pa. Kelangan kong makausap ng maayos si daddy. Pagkatapos nitong ikwento lahat kagabi ang nangyari noon at ang napagkasunduan nila ni dad ay hindi na ako nagkomento pa. Pinagdugtong-dugtong ko lahat, simula noong mga bata pa kami hanggang sa kung paano naging malapit si Max sa pamilya namin.

I can't believe it! Ang tagal nilang nilihim sa akin pero kahit pa ganun hindi ako pwedeng magalit kay Max. Sabi naman nito she only wants to keep her promise to kuya Alfonzo and dad.

"Yes princess, ano yun?" Binaba nito ang papel at tumabi naman ako sa kanya.

"Malapit na ang 18 birthday ko dad. I just want it to be simple, family and friends would be better. Ayaw ko ng maraming bisita besides malaki na ako dad di ba?"

"Princess alam mo naman na nag-iisa kitang babae. I want to invite my friends also para ipakita kung gaano kaganda ang baby girl ko. Im sorry pero i want it to be special. You will have your debut like other girls!" Malambing nitong saad at hinawakan ang kamay ko.

"Dad please gusto ko tayo-tayo lang!"

"Bakit ba kase Angelica? Ang arte mo na naman!" Singit ni kuya Lorenzo. Tsss!

"Yun ang gusto ko eh!" Humalukip ako sabay irap sa kanya.

"Arte!" Asar parin nito.

Hindi ko na lang sya pinansin at humawak sa braso ni dad. "Please dad?"

"Tell me what is the real reason Angel? Bakit mo naman naisipan yan? Akala ko ba you want a big party?"

"Hindi na ngayon dad!"

"Why?" Nakakunot noo nitong tanong.

"Because i have something to announce!" I smiled.

"And what is that?" Kuya Rafael asked.

"Hmmm actually its between me and Max! I want to propose to her---. I paused, bigla kaseng naibuga ni kuya Lorenzo ang iniinom nyang kape. "Yuck ano ba nakakadiri!"

"Whoa! What? Are you crazy? Magpo-propose ka?" Bulaslas nito habang pinupunasan ang bibig.

Umiiling-iling naman akong tiningnan ni dad. Gusto ko lang naman silang maging aware sa mangyayari, in case malaman na nila ang tungkol sa amin. I guess wala na talaga akong problema lalo na ngayong alam ko na ang lahat. Pwede ko nga silang sumbatan dahil naglihim sila sa amin ni mommy tungkol sa muntik ng pagkalunod nila kuya. Tsss!

Pero hindi ko yun gagawin, baka magalit lang sila kay Max pagnagkataon. Gusto kong planohin ang lahat, i want everything to fall in my hands.

"Im not crazy! Im serious!" Tiningnan ko sya ng masama.

"Enough! Iwanan nyo muna kaming dalawa." Seryoso nitong utos. Agad namang tumayo ang dalawa at umalis.
"Now tell me Angelica, ano naman tong kalokohan na iniisip mo?"

"Dad hindi ito kalokohan! Mahal ko sya at sigurado ako na mahal rin nya ako!" Ma-awtoridad kong pahayag.

Alam ko na ang lahat dad! You just want to test her kaya pinipigil mo syang magtapat sa akin. You fool us! I thought ako lang ang binigyan mo ng condition yun pala pareho kaming nagtitiis dahil lang ayaw mo kaming magkaroon ng relasyon. Yun ang hindi ko maintindihan!

"How can you be so sure that she loves you?" Umiwas ito ng tingin.

"Nararamdaman ko yun dad. I know mahal rin nya ako, please hayaan mo na akong sabihin sa kanya ang feelings ko. Malapit na rin naman akong mag-18 dad."

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now