Chapter 42

35.7K 437 13
                                    

Max POV

Parang masisiraan na talaga ako ng ulo, pabalik-balik lang ako ng lakad dito sa kwarto. Haayy! Iniisip ko parin kung ano ang magiging decision ni Angel bukas.

"Baka hindi sya pumayag na mag-aral ako dun o baka pumayag nga sya tapos makikipaghiwalay naman sa akin!". Kausap ko lang naman ang sarili habang kagat-kagat ang kuko. "Hayy naku naman!"..

Tinext ko sya kanina pero hanggang ngayon hindi parin nagrereply. Sigurado ako hindi pa yun tulog!

Kainis naman oh! Ginulo-gulo ko na lang ang buhok dahil sa inis. "Tawagan ko kaya? Hay wag na lang baka busy o kaya baka galit parin!". Bagsak balikat kong nilagay ang phone ko sa side table, matutulog na lang ako!



"Baby". Rinig kong bulong sa tenga ko.

"Baby gising na!". Napakalambing ng boses na bumubulong sa tenga ko.

"Hmmmm!". I open my eyes para makita kung sino. "L-love? Nananaginip parin ba ako?". Kinusot-kusot ko ang mata ko, ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"Nope! Nandito talaga ang Angel ng buhay mo!". Nakangiti nitong saad at yumakap sa akin.

Nagtataka naman ako sa kinikilos nito ngayon, parang kagabi lang galit na galit ito. "L-love are you ok?"

"Ofcourse baby! Come on maaga pa naman lets cuddle first. Namiss kita baby!". Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Tiningnan ko ang orasan, 7am pa. "Bakit ang aga mo ata love? Hindi pa ako nakakapag-hilamos oh!" Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya.

"Ano ngayon? Ikaw nga kahit wala pa akong hilamos wala kang pakialam di ba?". Tumingala sya sa akin at matamis na ngumiti.

"May sakit ka ba?". Biro ko. Iba talaga kase ang aura nya ngayon!

"Wala baby at wala ring makaka-sira ng masaya kong mood ngayon!". Nagkamali ba ko ng rinig? Ang ganda sa pandinig, so ibig sabihin hindi sya magsusungit sa akin ngayon!

"Talaga love? So hindi ka magsusungit?"

"Depende!". Napahawak na lang ako sa noo, wala pa ring takas! Tssk!

Shit!

Bigla nitong pinasok ang kamay sa sando ko at hinawakan ang tiyan ko.

"Baby gusto ko rin magka-abs. Be my personal trainor please?!". Napapikit ako ng mata, she traced my abs with her finger. Nakikiliti ako! Syete!

"S-sige!"

Nabigla ako ng umupo ito sa tiyan ko "Talaga?". Parang excited na excited nitong sabi. Lumunok ako ng laway, ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang suot nya.

"O-oo! Pero love bakit ang ikli naman ng short mo? Tsaka hindi ka ba papasok?"

Tinukod nito ang dalawa nyang kamay sa magkabila kong gilid at nilapit ang mukha. Shit na naman! Bakit ba pati damit nya ang sexy-sexy. Kita na ang cleavage nito kapag yumuko eh!

"Tayong dalawa ang hindi papasok baby!"

Napakunot noo ako sa sinabi nito. "Ha? Bakit naman?"

"Coz we have to plan for our first monthsary and your birthday. Dapat magkasama tayong dalawa sa mga araw na yun! At take note tayo lang dalawa wala ng iba pa!"

"Sorry love, dapat ako ang nagpa-plano nito lahat pero nadamay ka pa".

"Baby hindi naman ako yung babae na gusto ng surprise-surprise na ganyan. Mas gusto ko na tayong dalawa ang nagpa-plano para sa atin. You know as long as magkasama tayo sapat na!". She winked and give me a smack on my lips.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now