Chapter 25

42.8K 544 32
                                    

Angel POV



"Hi Megan!". Nakangiti kong bati dito. Magkaklase kami ngayon. Nakita ko naman na nakangiti ng pilya ang mga kaibigan ko. Alam ko na alam nila ang palabas ko. Sabi nga sa qoute "Make your friend close and your enemy closer". Plastik na kung plastik pero gusto ko lang makasiguro.

"Hello Angel". Nakangiti namang bati nito. Masaya yata ang bruha.

"Sabi ni Max dumating daw yung parents mo?". Wala naman talaga akong pakialam. Tssss!

"Yeah hinatid nga nya ako kahapon sa hotel. Gusto ko sana syang ipakilala sa parents ko kaya lang nagmamadali naman syang umalis. Maybe next time!". Ah ganun! Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya pero deep inside gusto ko syang sabunotan.

"Ok!". Sabi ko na lang at tumalikod na. Tumabi ako kay Bruno at Nika na alam kong naghihintay ng chismiss.

"Anong drama yun girl?". Bulong naman ni Bruno.

"Oo nga Gel may pa-smile smile ka pang nalalaman!". Nagbubulungan lang kami dito mahirap na baka may makarinig.

"Ssshhh! basta support na lang kayo sa akin!". Saway ko sa kanila. Tiningnan ko naman ang likod ni Megan na kausap ang isa pa naming kaklase. Hmmm

Tiningnan ko ang phone ko may text galing kay Max.

"Love baka hindi ako makasabay mag-lunch mamaya dahil may pupuntahan ako. Importante lang talaga promise babawi ako". Text nito.

"Saan ka naman pupunta? At sino ang kasama mo?". Reply ko dito.

"Si Ara at Mich. Sa hospital kelangan kasing makahabol ni Ara sa pagpasa ng papers nito".

"Sama ako!"

"Ha? Baka mabored ka lang dun love"

"Basta hintayin mo ako!!!"

"Ok love kaw bahala. Hintayin ka na lang namin sa parking area". Good!

Dumating na ang prof namin. Discuss dito discuss doon hayy. May two subjects pa ako bago maglunch. Nakikinig naman ako, minsan lang talaga hindi pumapasok sa utak ko eh. Kainis!

Salamat natapos rin gutom na ako.

"Guys una na ako". Paalam ko sa kanila at lumabas na ng classroom.

Nagmamadali akong pumunta ng parking area, bukod sa gutom na ako gusto ko na rin makita si Max. Ayun nakita ko silang tatlo na nag-uusap.

"Lets go!". sabi ko sa kanila, nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni Ara pero agad din itong nakabawi at inirapan ako. Ugghh maldita! Ngumiti lang din si Mich.

Pinagbuksan ako ni Max ng pinto sa tabi nya. Syempre nasa tabi nya ako dahil kung hindi pipingotin ko ang tenga nya.

"Max kumain muna tayo gutom na ako!". Sabi ko sa kanya na nakatuon lang ang paningin sa harap.

"Ok Angel pero pagkatapos na natin pumunta sa hospital, mabilis lang naman tayo dun". Sabi nito na di tumitingin sa akin.

"Sumama pa kase!". Narining kong bulong sa likod. Napatingin ako sa likod nakita ko si Mich na nagtitext at si Ara na nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ako binge kaya alam ko ang narinig ko.

"May sinasabi ka Ara?". Malumanay kong tanong sa kanya at pigil na pigil ang inis.

"May narinig ka ba?". Plastik pa nitong sabi sa akin na nakangiti.

"Wala naman! Siguro demonyo lang yung narinig kong nagsalita!". Umayos na ako ng upo. Ugghh!

"Angel!". Saway ni Max sa bibig ko.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now