Chapter 24

42.2K 513 11
                                    

Max POV




Andito kami ngayon sa isang restaurant kung saan gustong kumain ni Angel. Masaya ako dahil nagkaintindihan na kami ng mahal ko. Hindi ko alam na nagseselos pala sya kay Megan, minsan ang manhid ko rin talaga pero hindi naman kase ako madaling maghusga sa isang tao. Isang matalik na kaibigan lang ang turing ko kay Megan at hindi yun magbabago.

"Baby gutom ka pa ba? Mag'order pa tayo!". Lambing ni Angel sa akin habang sinusubuan ako. May ilang tao na tumitingin sa amin at hindi ko maiwasan ang di mailang. Alam ko naman kung ano ang iniisip nila at wala akong magagawa doon. Hayyy!

"Tahimik mo atah baby? Iniisip mo pa ba yung nangyari kanina? Please kalimutan na natin yun. I promise sa iyo lang ako makikinig at susubukan kong kaibiganin si Megan, kung gusto mo pati na rin si Ara. Smile ka na baby ko please!". Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan sa labi, napaatras ang mukha ko bigla. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nito.

"Why?". Nawala ang ngiti nito at tinaasan nya ako ng kilay.

"A-ah ano kase love nasa labas tayo alam mo na baka may makakita sa atin na kaibigan ng dad mo. Di ba sabi mo di ka pa ready sabihin sa kanya ang tungkol sa atin!". Cool pa rin na sabi ko sa kanya. Ayaw kong mahalata nya na naiilang ako dahil ramdam kong pinagtitinginan kami ng ibang tao.

"Y-yeah naiintindihan ko. Sorry nakalimutan ko". Umayos naman ito ng upo at pinagpatuloy namin ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na akong ihatid si Angel.

"Love hatid na kita ah. Gabi na rin". Sabi ko pagpasok namin ng sasakyan.

"Ayaw mo na ba akong makasama? Maaga pa naman ah 7 pa oh. I miss your touch baby!". Lumapit sya sa akin at hinawakan ang hita ko. Tiningnan ko ang mata nyang nang-aakit at kinagat pa ang ibabang labi nito. Shit!

Umiwas ako ng tingin "Ehemm l-love w-wala pa ba si s-sir Alfred?". Nauutal kong tanong dahil pinasok nya ang isang kamay nito sa t-shirt ko.

"I don't know". Sagot lang nito at kumandong paharap sa akin. Tinanggal nya ang isang kamay sa loob ng damit ko at kumawit sa batok ko.

"L-love nandito tayo sa parking lot". Pigil ko dahil hinahalik-halikan na nya ang leeg ko at nilalaro ang zipper ng pants ko. Bigla akong pinawisan sa ginagawa nya. Syete!

"Then umalis tayo dito. Dalhin mo ako kahit saan baby". Nang-aakit nitong bulong sa tenga ko.

"L-love gabi na baka umuwi na ang parents mo at hanapin ka pa". Padabog itong umalis sa lap ko at humalukip pa.

"Ang sabihin mo galit ka parin sa akin kaya ayaw mo akong makasama!!!". Naiinis nitong wika. Hayyy bakit iba na naman ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko.

"Love hindi naman sa ganun, hindi rin ako galit sayo. Ayaw ko lang na pagalitan ka, baka hanapin ka rin ng mga kuya mo". Lumapit ako sa kanya. Hindi na ito umimik at napakataray ng mukha.

"Hatid na kita ok?". Sabi ko pero hindi na ito sumagot. Haayy bipolar talaga kung minsan. Umayos na rin ako ng upo at nagdrive.

"Love ko?". Lambing kong tawag pero nakatingin lang ito sa phone nya at nagtetxt.

"Sino katext mo love?"

"Si James". Walang gana nitong sagot. Umahon naman bigla ang selos sa dibdib ko.

"A-ah bakit sya nagtxt?".

"Namiss nya daw ako". Baliwala pa rin nitong sagot. Humigpit ang hawak ko sa manibela.

"G-ganun ba. Mabuti!". Sumikip ang dibdib ko pero di ko na lang pinansin ayaw kong mag-isip ng kung ano.

"Pwede ba ihatid mo na lang ako sa Steak Restaurant alam mo naman yun di ba?". Sabi nito.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें