Chapter 60

27.1K 367 24
                                    

Max POV

Kinapa ko ang cellphone ko sa side table. Si Mark tumatawag. "Hello. Bakit?" Sinulyapan ko naman si Angel na mahimbing ang tulog at nakapatong ang isang hita sa hita ko.

"Pumunta ka dito sa bar bro. Si Megan lasing na lasing!" Dahan-dahan akong bumangon at umupo. Kakapikit ko palang eh, hayy 2:20 am pa.

"Bakit ako ang tinawagan mo Mark? Ihatid mo na lang, hindi ako pwedeng umalis baka magalit si Angel!"

"Lasing rin si Julia bro. Nagsusuka nga oh, dalian mo na hihintayin ka namin." Napakamot na lang ako ng ulo. Hayy! Tinatamad akong bumangon at nagsuot ng damit.

Hinalikan ko muna ang labi ni Angel bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Tinext ni Mark ang address ng bar. Nakasalubong ko naman si Lorenzo sa may gate at parang nakainom. "Saan ka galing? Ok ka lang ba?" Natutumba pa itong kumapit sa akin.

"Y-yeah im fine dude! Guess what?" Parang aso itong ngumiti at niyakap pa ako.

"Ang bigat mo. Umayos ka nga!" Sinandal ko sya sa kotse.

"Hey hey im fine. Don't worry dude! Im cool"  Tinaas nito ang dalawang kamay.

"Ewan ko sayo. Mabuti nakapagdrive kapa. Sige aalis na'ko, pumasok kana dun!" Umikot ako para puntahan ang kotse ko. Pero bago ako makapasok nagsalita ulit si Lorenzo.

"Kami na." Napatigil ako at nilingon sya.

"Ha? Anong kayo na?" Nakakunot noo kong tanong.

Ngumisi naman ito. "Kami na ni Megan." Parang proud na proud nitong saad.

"Teka. Totoo ba to? Sinagot kana nya?" Lumapit ako. "Wow Enz congrats!" Nagyakapan kaming dalawa, masaya ako para sa kanya. "Kelan pa?"

"Thanks. Actually kanina lang, pero may kunti akong problema Max!" Malungkot itong tumingin sa akin.

"Ano yun?"

"Nakita nyang naghahalikan kami ni Melissa. But i swear dude hindi ko sinasadya yun bigla na lang nya akong hinalikan habang nasa dance floor kami." Nakita ko ang sinseredad sa mga mata nito.

"Kaya pala lasing na lasing si Megan ngayon? Alam mo pupuntahan ko muna sila. Don't worry akong bahala sayo pero ipangako mo Enz na hindi mo na uulitin to!"

"Pangako Max. Seryoso ako sa kanya, kaya nga umuwi rin ako dito dahil alam kong dito ka sa bahay matutulog. I want you to help me but i guess tumawag na ang kaibigan mo!"

"Oo. Sige aalis na ako, syanga pala Enz pag-nagising si Angel pakisabing babalik rin ako agad. Baka sakaling hanapin nya ako!"

Sumaludo lang si Lorenzo kaya umalis narin ako.

"Julia grabeh ka naman. Makakatayo kapa ba?" Bungad ko sa kanila pagkapasok ko dito sa isang vip room. Natatawa ako sa itsura nito kalat na kalat ang make up. Tssskk!

"Pak yu! K-ya ko pa nooooh!" Nagpupumilit parin itong sumagot. Hayy! Natawa na lang kami ni Mark ang pangit kase ng itsura nito ngayon.

Nakita ko naman si Megan na nakasandal sa upuan at nakapikit ang mata.

"Meg? Kaya mo pa bang tumayo?" Inalog-alog ko ang balikat nito.

"Hmmmm!" Ungol lang ang sinagot nito. Hay wala akong choice kundi buhatin sya palabas. "Mark una na kami, ikaw na ang bahala dyan make sure ipapasok mo yan sa kwarto nya baka magkalat pa sa labas."

Binuhat ko si Megan hanggang sa parking lot. Agad ko syang pinasok sa loob ng sasakyan.

"I hate you." Sabi ni Megan pero nakapikit naman ang mata. Tsskk! Masaya ako para sa kanilang dalawa ni Lorenzo, sa wakas matatahimik na rin si Angel sa pagdududa sa amin. Hayy!

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now