Chapter 37

34.1K 433 10
                                    

Angel POV



"Ang sama ng tingin ni Megan sayo kanina Gel ah!". Sabi ni Nika na katabi ko. Andito kami ngayon sa next subject namin.

"I don't know! Baka may sumapi siguro!". Walang gana kong sagot, paki ko naman sa babaeng yun.

"Mukha nga. Parang gusto kang patayin sa mga tingin nya eh!". Sabi nito at mahinang tumawa.

"Kahit naman anong gawin nya wala akong pakialam. She's still a loser!". Nababagot na ako dito. Gusto ko ng makasamang maglunch ang baby ko. Tsss! Ang sarap ng feeling ko kaninang umaga nagka-oras pa kaming mag'lambingan. Haha

"Maldita mo talaga!". Sabi pa nito sabay tulak ng mahina sa balikat ko. Natahimik naman agad kami dahil dumating na si prof. Tsss!

Blah blah blah. Kunti lang talaga ang pumapasok sa utak ko pag numbers na ang kaharap ko. Kung hindi lang dahil kay dad di ko talaga kukunin tong course nato. Ugghh!

"Miss Lopez nakikinig ka ba?". Tawag ni prof sa akin at pasimple naman akong siniko ni Nika.

"Y-yes prof. Sorry!". Walang gana kong sagot. Nakakainis! Kung ano-ano na lang ang sinusulat ko sa notebook ko para mawala ang boredom na nararamdaman ko.

After 2 hours tapos na rin kami, ang sakit ng pwet ko. Shit! Nauna na akong lumabas sa kanila. Kinuha ko kaagad ang phone ko at tinawagan si Max.

"Hello baby, saan ka? Kakatapos lang ng klase namin!". Bungad kong sabi kay Max pagkasagot nito ng tawag ko.

"Andito pa ako sa library love. Wait mo na lang ako sa parking area, ibabalik ko lang tong mga libro".

"Ok bilisan mo ah. Gutom nako!"

"Opo mahal na prinsesa!" Sabi nito kaya napangiti ako at binaba ko na ang phone.


Sumandal muna ako sa gilid ng kotse ni Max habang hinihintay ito. Napapatingin naman ang ibang studyante sa akin pero hindi ko sila pinapansin wala talaga akong pakialam sa paligid ko. Tsss! Sinisipat ko ang mga kuko ko ng may nahagilap bigla ang mata ko. Si Alexis! Mukha syang pokpok sa suot nya ngayon, ano naman kayang pakulo nito.

"Angelica! Pwede ba tayong mag-usap?!". Nakapameywang nyang tanong sa akin. Tumingin naman ako diretso sa mga mata nito, ang tapang ata nya ngayon!!!

"Ok. Make sure na may sense ang sasabihin mo!". I cross my arms at tumayo ng tuwid.

"Well....Nagkiss kami ni Max kanina. And im sure nagustuhan nya ang halik ko! I told her everything about my feelings, mahal ko sya Angel kaya katulad mo gagawin ko rin ang lahat para maging akin sya ng tuluyan!". Pranka nitong saad. Napatiim bagang ako sa sinabi nya na parang nawala ang dugo ko sa mukha at ang lakas ng pintig ng puso ko. Masama ko syang tinignan sa mata!

"Pakiulit? Nakipag halikan si Max sayo?!!!". Yun lang ang tumatak sa utak ko sa lahat ng sinabi nya. May humalik sa pag-aari ko? Damn!

"Yes darling. Nasarapan nga sya eh!". She smirked at dinilaan pa ang labi nito.

Hinawakan ko bigla ang braso nito ng mahigpit! "Alam mo Alexis wag na wag kang gagawa ng kwento dahil pagnalaman kong hindi totoo ang sinasabi mo papakainin ko yang bibig mo ng putik!!!". Matigas at madiin kong wika sa kanya. Napangiwi naman ito sa higpit ng pagkakahawak ko sa braso nya.

"B-bitiwan mo nga ako!". Sigaw nito kaya pabalang kong binitiwan ang braso nito. Naiinis ako sa sinabi nya! Gusto ko munang makasigurado sa sinabi nya baka tamang hinala na naman ako at mag-away lang kami ni Max.

"Angel! Alexis!". Naniningkit ang mata kong tiningnan ang tumawag sa amin. Si Max! Tsss!

"A-anong nangyayari dito?!". Lumapit sya sa amin. Nakita ko naman ang pag-iwas nya sa mata ko.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now