Chapter 26

40.1K 509 5
                                    

Max POV


"Hi Max!" Nakangiting bati ni Megan sa tapat ng classroom namin. Hinatid ko muna si Angel sa building nila kanina.

"Oh Meg bakit ka nandito?". Tanong ko wala pa namang masyadong tao sa room kaya inaya ko sya sa loob para maupo.

"Ahhmmm di kase kita nakita sa cafeteria kanina eh kaya pumunta ako dito para tingnan ka". Nag-aalala nitong saad. Hayyy oo nga pala paano ko sasabihin yung txt kanina, bakit naman nya ako tinawag na babe tapos pag minamalas ka talaga si Angel pa ang nakabasa. Sumasakit ang ulo ko minsan pag sumisigaw si Angel.

"A-ah kase ano nagpasama yung isa kong kaibigan may importante lang na pinuntahan kaya sa labas na lang kami naglunch". Sabi ko dito.

"Mabuti naman nag lunch kana akala ko hindi ka pa kumakain. Aahhhmmm Max nabasa mo ba yung text ko?" Nahihiya nitong tanong at nakayuko pa.

"Ha? Oo sorry kung hindi ako nakareply". Nag-angat naman ito ng tingin pero mukhang nahihiya parin.

"It's ok. You know kase bukas uuwi na ang parents ko tapos mamayang gabi magdi-dinner kami sa labas. If wala ka sanang gagawin can i invite you, gusto ka rin sanang makilala ng parents ko". Nakikiusap ang mga mata nito habang nagsasalita. Hayy paano ko ba sasabihin na may lakad na ako kasama si Angel at kahit na wala kaming lakad hindi pa rin ako pwedeng sumama sa kanya dahil pinagseselosan sya nito.

Ewan ko ba bakit mainit ang dugo nya kina Ara at Megan eh wala naman akong nakikitang masama sa pakikipag-kaibigan sa kanila. Tsk! Minsan talaga paranoid yun akala nya lahat ng tao may gusto sa akin. Hayy!

"Ano kase Megan gusto ko sana kaya lang may lakad na ako mamaya eh. Tsaka nahihiya rin ako sa parents mo". Napakamot na lang ako sa noo ko.

"Ah ganun ba sayang naman Max". Malungkot nitong wika "pero its ok kung hindi ka makakasama pwede humingi na lang ako ng favor? Aahhmm Can i call you babe na lang Max? Please?". Pacute pa nito.

"H-ha? B-bakit naman babe?"

"Wala lang. I just want to call you babe parang endearment natin, ayaw kase kitang tawaging Max lang. Your special to me Max". Shit! Napamura ako sa loob ko. Ano sasabihin ko?

"H-ha ano kase kuwan baka. Ahmm". Di ako makahanap ng tamang salita para tanggihan sya "b-baka ano kaseng isipin ng manliligaw mo tama mga manliligaw mo. Hindi naman kase lingid ang sexuality ko dito sa school Meg baka magalit lang sila sa akin alam mo na!". Whew buti na lang nakapag isip ako.

"Wala akong manliligaw noh. Binasted ko na lahat dahil may mahal na ako!". Lumaki ang mata ko. Siya may mahal na? Di ko atah alam yun. Tama nga ako, minsan talaga maling hinala talaga to si Angel pinagselosan pa si Megan. Tsk!

"Talaga? Wow pakilala mo naman para mabalatan. I mean para makilatis. Hahaha". Biro ko sa kanya at natawa naman ito.

"Sira ka talaga. Basta one day malalaman mo rin babe. Yan babe na ang tawag ko sayo ha. Single ka naman di ba so walang magagalit sayo". Matamis syang ngumiti kaya nahawa na rin ako. Nasabi ko bang nakakahawa ang ngiti nya? ang cute lang.

Hindi naman siguro magagalit si Angel explain ko na lang sa kanya na may mahal na si Meg at talagang lambing kaibigan lang yung tawag nya sa akin. Balang araw sasabihin ko rin ang tungkol sa amin ng Love ko sa kanila! Hayyy!

"Ok kaw bahala. Basta pag may sumuntok bigla sa akin dito ikaw ang may kasalan ah. Elilibre mo talaga ako ng isang buwan ng lunch". Tawa naman sya ng tawa sa sinabi ko. Magaan na ang loob ko dahil wala naman talagang malisya sa akin to eh.

"Sure. Sige una na ako baka malate pa ako. Bye babe!". Masaya nitong wika. Hinatid ko sya sa pinto at umalis na ito.

Natapos na ang last period namin kaya nagready na ako lumabas ng room. Inayos ko ang mga books ko ang dami kase ang bigat kaya iiwan ko na muna sa locker.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now