Chapter 12

48K 643 17
                                    

Max POV


Pagkarating ko sa school ay hindi na ako pumasok sa klase at dali-dali kong tinungo ang soccer field at sumilong sa puno ng acacia. Ilang beses kong pinagsusuntok ang damohan sa gilid  ko.

Isa ka talagang gago Maxwell. Nahuli ka nyang hinahalikan siya. Kastigo ko sa aking sarili. Nakakahiya! Bakit ko kasi di napigilan na halikan si Angel. Ito ang pang apat na ninakawan ko sya ng halik at nahuli nya ako. Shit!
Paano pag nalaman tu ni Sir Alfred? Baka hindi na nya ako payagang makalapit sa anak nito.

Aaaahhhhhh! Ang sarap mong suntukin alam mo ba yun. Isa kang tanga! Alam ko wala akong kasing tanga! Gusto kong umiyak. Fuck!

**

'Maxwell what are you doing outside? Bakit hindi ka pumasok?'. Tanong ni Sir Alfred sa akin at bumaba ng sasakyan nito. Andito ako sa labas ng bahay nila dito sa Maynila. Naging malapit na ako sa kanila dahil na rin sa pagbigay nito ng trabaho sa Papa at Mama ko.

'Ah Sir kakarating ko lang naman po. Andyan po ba si Angel?'. Nahihiya akong tumingin dito.

'Pasok ka muna at mag-merienda Maxwell'. Akay nya sa akin sabay na rin kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay.

'Lorenzo asan si Angel? Pababain mo at sabihin na andito si Maxwell'. Utos ng Ama nito kay Lorenzo na naglalaro ng video game sa sala.

'Yes dad. Hey Max join me here laro tayo'. Nilagay nya ang kanyang braso sa aking leeg at niyakap.

'Oo mamaya. Alisin mo nga yang kamay mo nasasakal ako. Tawagin mo na si Angel dali'. Taboy ko sa kanya. Feeling talaga na tropa nya ako.

'So Max anong kelangan mo kay Angel?'. Tinabihan naman ako ni Sir Alfred.

'Ah Sir ano kase. Ahhmmm'. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. ' ahmmm birthday ko na po kase sa sabado gusto ko po sana syang imbitahin na manood ng sine kung ok lang?' Kuyom kuyom ko ang aking mga kamay na namamawis na sa kaba. Ewan ko ba bakit bigla na lang akong kinabahan ng ganito.

'Tama nga pala 15 kana sa sabado. Dalaga kana talaga'. Biro nito at hinimas pa ang aking ulo. 'Anong gusto mong gift bibilyan kita'..

'Ah wala po Sir wag na kayong mag abala. Nakakahiya rin po kase malaki na ako di na kelangan ng regalo'. Sabi ko. 'Yun nga po sana kung pwedeng imbitahin si Angel na lumabas?'

'Bakit?'. Napatingin ako sa kanya dahil biglang sumeryoso ang tono ng boses nito.

'Wala po sir. Gusto ko lang syang makasamang manood kase palabas na yung paborito nyang loveteam sa tv sabi nya po kase gusto nyang manood ng pelikula nila'. Totoo naman yung sinabi ko paborito kase ni Angel si Daniel at Kathryn at palabas na ang pelikula nilang she's dating the gangster.

'Dad wala po si Angel baka sumama kay Kuya Alfonzo sa Mall'. Bigla namang singit ni Lorenzo.

'Ganun ba. Pwede ba Lorenzo iwan mo muna kami ni Maxwell dito may paguusapan lang kaming mahalaga'. Utos nito kay Lorenzo na agad namang tumalima at umalis.

'Ano po yun Sir?'. Kabado kong tanong.

'You can call me tito naman Maxwell drop that Sir'.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon