Chapter 62

29.9K 400 46
                                    

Max POV

"Baby pwedeng hindi muna ako pumasok mamaya? Nahihilo na'ko sa mga numbers eh. Araw-araw na lang!" Naka-crossed arms na reklamo ni Angel. Andito kami ngayon sa library, nagrereview ako para sa quiz namin mamaya.

Two weeks na ng magsimula ang pasukan. Sobrang laki ng ginawa kong pag-aadjust dito sa school. Ibang-iba sa pilipinas, halos wala kaseng pakialam ang mga studyante dito. Pagalingan at pasikatan lang ang nakikita ko! Wala akong magagawa kundi sumabay sa kanila ayaw ko namang maapektuhan ang pag-aaral ko. Hayy!

"Tinatamad ka na naman kakasimula palang nga ng klase Angel." Mahinang sermon ko sa kanya.

"Hindi naman ako tinatamad eh. Naiinis lang ako sa prof namin parang ako lang ang nakikita palagi. Tsss!"

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Paano kase ako lang ang tinatawag parati!"

Natawa naman ako. "Ayaw mo nun? Challenge yun sa sarili mo love, mas mabuti ngang tinatanong ka para matandaan mo talaga ang tinuturo nya." Inakbayan ko sya. "O baka naman nakikita ng prof mo na hindi ka nakikinig kaya tinatawag ka parati?"

"Hindi noh! Nakikinig kaya ako Max, epal lang talaga yun. Mabuti pa si prof Lozano dalawang beses lang ako tinatawag sa klase."

"Sige na sige na, mamayang gabi magrereview tayo ng subjects mo." Matamis akong ngumiti.

"Thank you baby. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka." She kissed my cheeks. Nailang naman ako bigla para kaseng may nakatingin sa amin. Pasimple kong nilibot ang mata ko sa mga tao sa loob.

Hindi nga ako nagkamali, dalawang pares ng mata ang nahuli kong nakatingin sa gawin namin. Pamilyar sya sa akin dahil isa rin syang Med student. Parang natauhan naman ito ng magtama ang mga mata namin kaya mabilis syang umiwas at kunwari nagbabasa. Tssskk! Bakit kaya? Hindi naman ako nababahala kung malaman ng mga tao ang relasyon namin ni Angel dito sa school. Besides malayo naman kami kina sir Alfred.

"Tara kain muna tayo love." Aya ko. Masigla namang kumapit si Angel sa braso ko.

Habang papunta kami ng cafeteria panay lang ang harutan namin.

"Hi." Humarang ang dalawang babae sa harap namin.

Napatigil naman ako habang tumaas ang kilay ni Angel. Masama to! Teka sya yung nahuli kong babae na nakatingin sa amin sa library ah.

"Ahmm yeah?" Nagtataka ko silang tiningnan. Alam ko yung isang kasama nya ay purong kano pero sya parang mestiza ang mukha.

"This is my friend Alexandra." Pakilala nya sa kasama nito. "And im Georgina." Nakipagkamay sila sa amin ni Angel.

"Ahmm Maxwell." Pakilala ko rin. Parang wala namang balak si Angel magpakilala kaya ako na lang ang nagsalita. "This is Angelica my fr----"

"Girlfriend!" Sabat nito sabay ngiti. Hay!

Nagkatinginan naman ang dalawang babae sa harap namin.

"Oh i see." Sabi ni Georgina sabay ngiti sa akin. "Actually I already know you Maxwell, we're classmates in our major subject!" Napakunot noo ako sa sinabi nya. Magkaklase pala kami hindi ko ata sya napansin.

"Aahh ok." Alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Ahhm im just wondering if your available tonight?". Maarte nyang sabi.

"Ahmmm." Tiningnan ko muna si Angel. Tinaasan naman nya ako ng kilay at sya na rin ang nagsalita.

"Im sorry she's not available. And if you excuse us we have to go. There are more important things we have to do!" Kumapit sya sa braso ko.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now