Chapter 4

55.6K 772 17
                                    

Angel POV

'Kainis buti nalang nakapagpigil pa ako kanina. Tsss. Hirap rin itago ang nararamdaman ko.' Im talking to myself. Mababaliw na talaga ako sa pagpipigil.

Kinuha ko ang bagay na nag papaalala sa akin kung bakit nagkagusto ako kay Maxwell at minahal ko sya kung ano sya.. Buti nalang natago ko bago pa nia makita kanina. Hinawakan ko ito at niyakap.

*Flashback*

7 years ago

"Dad sama ako please" sabi ko kay daddy. Aalis kasi sya kasama ng mga kapatid kong lalaki. Mamimingwit sila sa may ilog malapit sa taniman ng mga mangga.

Andito kami sa province sa hacienda na pagmamay ari ng family ni Daddy. Ayaw nila akong isama kasi nga babae daw ako baka mapano pa daw ako kesyo baka magkapeklat daw ako at lagot sila kay mommy.

"Baby di pwedi ok. Pang boys lang yun. Maglaro ka nalang dito kasama si mommy. Kawawa naman si mommy walang kasama tapos may fever pa". Sabi ni daddy. I sit on his lap.

"Fine,parati nalang sila kuya sinasama mo. I don't like you anymore". Lumabi ako. Narinig ko naman ang mga kuya kong tumatawa ng mahina. Tsss kainis sila.

"I promise next time tayong dalawa lang ang mag bobonding. Kahit saan mo gustong pumunta dadalhin kita dun. Ok baby" sabi ni daddy at kiniss ako sa cheeks.

"Ok daddy promise mo yan ha" i kiss him also at bumaba na ako sa lap nya. Kiniss ko rin sila kuya at pumanhik na para puntahan si mommy.

"Mom can i play with ate Rita?" I ask mom. Si ate Rita yung anak ni Manang Silya pero 15 years old pa yun. Sya ang bunso sa mga anak ni Manang.

"Ok Angel, but don't go anywhere. Is that clear".. mommy said habang nakahiga sya sa bed kasi sumakit ang ulo nya kanina.

"Yes mom, thank you. I love you".. i kiss both of her cheeks bago umalis.

_____________________

"Ate bakit di po kayo nag aaral?" I ask ate Rita. Andito kami ngayon sa kubo nila malapit lang naman nasa likod lang ng mansion. Nagpaalam kasi sila kina lola na mag tayo ng kubo dito para malapit lang sa pinagsislbihan nila. May sakit kasi ang asawa ni manang kaya kelangan umuwi uwi sya para tingnan si Manong Ben.

"Ay nako kaw talaga senyorita kung ano anong tinatanong" ngiting sagot ni ate. Actually magaan ang loob ko sa kanya. Dun kasi sa maynila di ako nakikipaglaro sa mga neighboor namin sa subdivision. Puro plastik lang naman sila.

"Bakit nga po?" Kulit ko sa kanya.

"Eh kasi po medjo kulang po sa pera si nanay. May sakit si tatay at nag aaral pa sila kuya Rico. Nakatapos na naman ako ng high school kaya ok lang sa susunod na pasukan nalang siguro" sabi ni ate na gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata. I feel sad also. Im still lucky to have my family. Thank God!

"Rita pumunta ka muna sa manggahan at ihatid mo tong pagkain kina Ramon sabihin mo ngayon lang nakaluto ang asawa nya." Biglang dumating si Manang Silya at inutusan si ate. May naisip ako.

"Ok po nay" agad naman kinuha ni ate ang baonan. Umalis kaagad si manang pagkaabot sa baon.

"Senyorita alis po muna ako ha. Babalik din po ako kaagad" paalam ni ate sa akin.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now