Chapter 69

29K 402 114
                                    

Angel POV

"Love alis na'ko." Paalam nito at humalik sa labi ko.

"Umuwi ka kaagad baby ha." Sabi ko habang hinahalo ang spaghetti sauce. Actually pareho kaming walang pasok ngayon pero kelangan parin nyang pumunta sa hospital para bisitahin ang isa nilang pasyente.

"Opo!" Kumuha pa ito ng muffins bago tuluyang lumabas.

Naghahanda ako ng foods para sa mga bisita namin. Pupunta kase sina Bruno,Jessy,Nika,Red at Julia dito sa condo. Dito napili ng mga kaibigan kong magbakasyon dahil graduate na sila. Ewan ko ba kung bakit kasama nila si Julia. Hmmm

3 hours bago ko natapos lahat ng putahe."Sa wakas tapos na. Tama na siguro to". Hinubad ko ang apron at nagtungo sa banyo. Anytime darating na ang mga yun kaya kelangan ko ng maligo.

"Love bakit wala pa sila? Alam mo bang tumakas lang ako dun." Bungad ni Max pagkalabas ko ng banyo.

"Excited ka naman, im sure parating na sila."

"Hmmm ang tagal naman!"

"Magpalit ka nga muna ng damit." Hinagis ko ang tshirt at ripped jeans sa kanya. Agad naman itong naghubad at nagbihis.

Isa namang pink floral dress ang napili kong suotin. "Ok na ba ang suot ko Max?" Tanong ko habang naglalagay ng lipstick.

"Mas ok kung wala kang suot!" Pilya nitong sagot at tumatawa pa kaya napalingon ako bigla.

"Manyak!" Binato ko nga ng lipstick. Minsan talaga ang bastos nito!

"Joke lang love". Yumakap ito sa likod ko at pinugpog ng halik ang aking leeg.

"Buti na lang hindi lumalabas yang pagiging manyak mo kapag maraming tao"

"Syempre hindi talaga love kase hindi naman ako manyak noh. Aii pwera pala sayo love, ikaw kase ang sexy mo!" Bigla nyang kiniliti ang bewang ko kaya napahalakhak ako ng wala sa oras. Ang harot kainis!

"Tumigil ka nga..... Ano ba!" Tatawa-tawa parin ako habang iniiwasan ang kamay nito. Uggghh!

"Ayoko! Sinabihan mo akong manyak ah. Humanda ka matitikman mo ang pagiging manyak ko ngayon!" Kumindat pa ito bago kinabig ang bewang ko. Shit! Masisira ang ayos ko.

Pilit akong kumawala sa bisig nito. Akmang hahawakan ko na sana ang doorknob ng kwarto nang bigla nya akong hinablot at sinandal sa pinto."Tama na Max please. May bisita pa tayo mamaya!" Pakiusap ko.

"Nanggigigil ako sayo love. Hindi ko na to mapipigilan!" Nakangisi nitong saad. Gosh!

"Max mamayang gabi na lang. Not now please!? Promise i will do whatever you want!"

"Nope! Gusto ko ngayon!" Kinagat pa nito ang lower lip at kitang kita ko sa mga mata nito ang pagnanasa.

"Max ---" Mabilis at mapusok nitong sinakop ang labi ko. No way! Pilit kong tinutulak ang dibdib nito pero dahil mas malakas sya sa akin kaya wala na rin akong nagawa. Hinaplos nito ang hita ko pataas sa likod ng butt, kinawit ko naman ang braso ko sa batok nito. Napaka-rupok ko talaga pagdating kay Max. Damn!

Sana naman malate sila Red ng kunti kahit 20 minutes lang.

Bumaba ang halik ni Max sa leeg ko. "Hmmmm!" I bite my lower lip. Gosh!

What the!!! Bitin pa sa bitin! Masasapak ko talaga kung sino man ang tumatawag ngayon. Tumingin muna si Max sa akin bago kinuha ang phone ko sa table.

Hinila nya ang kamay ko at ginaya papuntang kama. "Sagutin mo muna!" Hinawakan nya ang bewang ko at pinakandong ako sa hita nito.

"Tssss!" Naiinis kong kinuha ang cellphone sa kamay nito.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now