Chapter 56

29.1K 366 14
                                    

Max POV

"Cortney?" Bulong ko. Di ako pwedeng magkamali sya talaga ang nakita kong dumaan.

Nilingon ko si Angel na busy sa pamimili ng bag dito sa mall. Pagkatapos ng last period namin agad kaming pumunta dito.

Marami syang tanong kaninang umaga tungkol daw sa narinig nyang pinag-usapan namin ng mga kuya nya. Muntik na talaga kami kanina! Wew! Panay naman ang iwas ko sa mga tanong nito, sinabi ko na lang na wag na lang nitong pansinin dahil nagbibiruan lang naman talaga kami kanina. Hindi ko alam kung naniwala ba sya pero hindi na rin naman ito nangulit pa!

"Love teka lang ha pupunta muna ako ng cr. Mabilis lang!" Paalam ko. Tumango lang ito at panay parin ang tingin sa mga bags.

Nagmamadali akong lumakad para sundan ang babaeng nakita ko. Cortney!

Pagdaan ko sa isang jewelry shop biglang nahagilap ng mata ko ang babaeng matagal ko ng di nakikita. Agad akong pumasok at pumwesto sa likod nito. I take a deep breath bago umabante at tumabi sa kanya.

"H-hi Miss!" Nag-aalangan kong sabi dito. Wala namang bakas na expression sa mukha nitong tumingin sa akin.

"Im sorry, i thought kase ikaw yung kakilala ko dati. Magkamukha kase kayo!" Nahihiya kong pahayag sabay kamot ng kilay ko. Syete!

"M-maxwell? Is that you?!!" Bakas ang pagkabigla sa boses nito. "Wow!" Parang di makapaniwala nitong saad.

"Ikaw ba talaga yan Cortney?" Nakangiti kong saad. Lalong lumabas ang ganda nya ngayon at bumagay pa ang color gold nitong buhok sa kutis nito.

"Yeah ako to!" Bigla itong yumakap sa akin. "I miss you! Dito pa talaga tayo nagkita ha."

Nilayo ko sya kunti para mapagmasdan ko ang mukha nito. "Hindi ako makapaniwala na nasa harap kita ngayon Cort. It's been 9 years mula ng iwan mo ako at pumunta sa ibang bansa! Grabeh ang tangkad mo na!" Halos pumantay na sya ng taas sa akin.

Hindi ito sumagot at hinila ako papunta sa isang malapit na restaurant.

"Anong gusto mong kainin forky?" Malambing na tanong ni Cortney.

"Forky? Di mo pa talaga nakakalimutan yun ah?" Sabi ko sabay gulo sa buhok nito.

"Syempre! Your my forky and im your spoon right?"

"Mga bata pa tayo nun Cort noh!" Natatawa kong saad. Naalala ko tuloy nung grade school kami ni Cortney, nagpalitan kami ng kutsara at tinidor binigay ko sa kanya ang tinidor ko dahil kumakain sya ng spaghetti at binigay naman ni Cortney ang kutsara nya sa akin dahil kumakain ako ng macaroni soup.

Magkaibigan at magkakaklase na kaming dalawa mula kindergarten kaya nung umalis sila ng ibang bansa sobra akong nalungkot. Mabuti na lang hindi ako iniwan ni Julia at Mark.

"Kahit na! Masayang masaya ako dahil nagkita ulit tayo. Akala ko nakalimutan mo na ako Max!"

"Bakit naman kita makakalimutan? Ikaw nga tong nang-iwan sa akin. Ang dami nating plano nun tapos bigla-bigla kana lang nang-iiwan!" Nagtatampo kong saad.

"Im sorry forky. Kelangan lang talaga, tsaka may pinadala kaya ako kay kuya na mga chocolates para sayo noon pero tumawag sya sa akin at sabi nya lumipat na daw kayo ng bahay!"

"Yeah. Simula ng lumipat si papa ng trabaho lumipat na rin kami ng ibang bahay!"

Bigla namang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna para sagutin. Si Angel! Shit muntik ko ng makalimutan! Hayy..

Tumayo ako. "Teka lang Cort sasagutin ko muna to!" Lumabas muna ako.

"Asan ka ba?" Alam ko di na maipinta ang mukha nito ngayon.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now