Chapter 48

29.6K 418 10
                                    

Max POV

Pinagsisipa ko ang gulong ng kotse ko. Haayyy! Andito ako ngayon sa park, dito ko nilabas lahat ng sama ng loob ko baka kase kapag umuwi ako sa bahay marinig pa ako nila mama. Nakaka-gago lang kase si Angel! Hindi naman talaga ako galit sa kanya dahil sa pagsisinungaling nia tungkol sa pagpunta sa bar. Pero ang makita sya na kasama ni James at ganun pa kadikit? Sinong hindi magseselos dun kulang na lang maghalikan sila sa sobrang lapit. Hindi ko alam kasama pala sya, kung hindi ko pa sinet ang gps hindi ko pa malalaman kung nasaan sila. Haay!

Panay ang tunog ng phone ko. Si Angel walang tigil sa pagtawag at pagtext! Pinunasan ko ang luha ko at pumasok sa sasakyan.

"Baby Im sorry. I love you!"

"Mahal na mahal kita. Please sagutin mo ang phone o kahit text ko man lang"

"Sorry na. Di ko kaya baby!"

"Iyak ako ng iyak ngayon baby. Miss na miss kita!"

"Max please don't ignore me!"

"God Max. Sabihin mo anong gusto mong gawin ko para kausapin mo lang ako?"

"I love you baby!"

"Magtitino na ako baby. Please just talk to me!"

Ilan lang yun sa mga text ni Angel. Binaba ko na muna ang phone at pinaandar ang sasakyan para makauwi. Gusto kong magpahinga!

Pagkarating ko sa bahay agad akong naglinis ng katawan, wala rin akong ganang kumain.

"Hindi ka ba kakain anak?". Tanong ni mama ng makapasok sa kwarto.

"Busog pa'ko ma!" Pagdadahilan ko kahit ang totoo hindi rin ako kumain ng lunch.

"Oh sige pero kapag nagutom ka bumaba ka na lang. Ipag-tatabi kita!"

"Opo ma! Salamat po" Ngumiti lang si mama at tumalikod na.

Pagka-alis ni mama humiga na rin ako para matulog. Hindi ko na rin tiningnan ang phone ko, bukas na lang.

Nagising ako ng madaling araw dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at parang natuyuan ng tubig ang lalamunan ko.

"Ang lamig!". Nanginginig ang katawan ko. Hinila ko ang kumot at nagtalokbong, ang lamig nga pero pinagpapawisan naman ako.

Pinilit kong bumangon at inabot ang gamot sa kabinet. Dali-dali ko itong sinubo at ininom ang mineral water na binili ko kanina. Humiga ulit ako para subukang matulog. Sakit ng katawan ko! Tsk!

"Maxwell anak gising na!" Naalimpungatan ako ng madinig ang boses sa labas ng kwarto ko. Pagtingin ko sa orasan 8am na pala. Dahan-dahan kong ginalaw ang katawan ko, ang bigat ng pakiramdam ko!

"Opo ma!" Sagot ko kay mama sa kalmadong boses. Ayaw kong mag-alala sila sa akin, mawawala rin to basta uminom lang ako ng gamot.

"May bisita ka anak papasukin ko na dito ha. Aalis na kami ng papa mo!" Bumangon ako at tinungo ang pinto. Sakit talaga ng kasukasuan ko!

"Sino po yan ma?" Binuksan ko ang pinto. Isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin. Si Megan!

"M-meg? Ang aga mo dito ah?" Bungad ko sa kanya. Nilinga ko si mama pero wala na sya umalis na ata.

"Teka ok ka lang ba? Parang namumutla ka babe ah!" Nag-aalala nitong sabi at sinalat ang noo ko "Ang init mo! Sabi ko na nga ba hindi kapa ok kahapon! Tara pupunasan kita parang di mo kase kayang gumalaw."

"Meg di mo na naman kelangan gawin to. Ako na ang bahala, malakas pa ako may sinat lang pero magiging----"

"Ah basta aalagaan kita ngayon. Wag ng matigas ang ulo please? We're friends right?" Tinulak nya ako ng mahina at pumasok na sa kwarto ko.  "Humiga ka muna dun ikukuha lang kita ng pagkain may dala kase ako para sana sabay tayong mag-almusal. Kukuha na rin ako ng maligamgam na tubig para punasan ka". Sabi nya sabay labas ng kwarto. Hayy! Hahayaan ko na lang dahil wala rin akong lakas para makipagtalo pa.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now