Chapter 47

28.7K 443 17
                                    

Angel POV

"Sira ka talaga! Gagawin mo na naman akong sinungaling eh!". Reklamo agad ni Red sa akin. Tss! Ang plano magdadahilan kami sa parents ko na may project na gagawin at sa condo nila Red kami magkikita para makasama ako sa bar.

"Ayaw mo talaga? Sige madali naman akong kausap eh. Pwede ko naman kausapin si Max tungkol kay Ju----".

"Wag mong itutuloy. Oo na sige na! Ugggh!". Natawa na lang ako sa mukha ni Red. Haha

"Good. Tara nah!". Nauna na akong lumabas ng kotse.

Nadatnan ko naman si Mommy sa may sala. "Hi mom. Masama parin ba ang pakiramdam mo?".

"Medyo baby. Pero uminom na ako ng gamot!". Humalik ako sa pisnge nya.

"Hi po tita!". Bati naman ni Red na kakapasok lang ng bahay.

"Oh Red. Upo ka!". Nakangiting sabi ni mommy.

"Wag na po tita. Ah hinihintay ko lang po si Angel dahil sasabay raw po sya sa akin".

"Saan kayo pupunta?"

"Kase mom may gagawin po kaming mga paperworks. Kelangan na po kaseng maipasa bukas, i really need to go there. Sa condo kase kami nila Red magkikita ng mga groupmates ko!". Pinalungkot ko ang boses ko para hindi makatanggi si mom.

"Ok kung kelangan talaga. Mag-iingat ka!"

"Thank you mom! Pakisabi na lang po kay dad!"

"Ok baby. Sige na para maaga kayong matapos!"

I kissed her cheeks bago umalis. Hinila ko naman ang kamay ni Red paakyat sa kwarto.

"Yes!" Bulalas ko pagkapasok namin sa room ko. Kinuha ko ang bag ko na may laman na damit at shoe,dun na lang ako magme-makeup.

"Ready ka talaga ha!"

"Shut up kana lang! Lets go!".

Excited na ako! Last time akong nag-bar nung 16 pa ako, tumakas rin lang ako dati kasama sila Red dahil nga wala pa ako sa tamang edad. Galit na galit si daddy sa'kin nun, nagpromise pa nga ako na di na uulit. Pero i can't help it tsaka pangako last na to, gusto ko lang makasama ang mga kaibigan ko lalo't iiwan ko na sila. Hmmm

"Paano si Max? Baka mabisto ka nun Gel basta pag-nagkataon labas ako dito ah!". Nagdadrive na sabi ni Red.

"Ako na ang bahala sa kanya!". Isa pa pala yun. Sana naman hindi nya malaman tong pagsisinungaling ko. Patay talaga ako pag-nagkataon. Tsss!

"Sabi mo eh!"

Pagdating namin sa condo ay agad akong nag-ayos. Hindi naman masyadong sexy ang red dress tube na suot ko na pinarisan ko ng black stiletto shoes.

"Lets go Red!". Excited kong tawag sa kanya na tapos na ring magbihis.

Naghihintay na sina Bruno sa isang VIP room!

"Saan si Jessy?". Tanong ko pagkapasok sa room.

"Wow girl ganda mo ah!". Puri ni Bruno at nagbeso sa amin "Andun yung isa sumakit ata ang tiyan nag-cr!"

Umupo na rin ako at kinuha ang phone ko.

"Andito na ako sa bar baby! Don't worry behave ako promise. Please tatawagan na lang kita mamaya, i want to enjoy! I love you!". Text ko kay Max para hindi sya mag-alala at hindi muna ako kulitin.

Ipapasok ko na sana ang phone ko sa bag ng bigla itong mag-ring. Si Max! Tumayo muna ako at umupo sa dulo para di nila marinig.

"Umuwi ka na!". Napakunot noo agad ako sa sinabi ni Max sa kabilang linya.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Où les histoires vivent. Découvrez maintenant