Chapter 14

58.9K 744 30
                                    

Max POV

"Good evening po sir". Bati ko kay sir Alfred sa labas ng sasakyan. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Hi dad". Bati rin ni Angel na lumabas na ng sasakyan. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nahihiya ako. Hindi ko na-control ang sarili ko ng dumikit ang labi nya sa labi ko, para akong hayop na gutom na gutom. Shit!

"Bakit kayo nandito sa labas at hindi pumasok sa loob?". Nagtatakang tanong ni Sir sa amin.

"Ah hinatid ko lang po si Angel kase medyo sumama ang pakiramdam nito".

"Yeah dad sumakit kase ang ulo ko kanina". Kumapit si Angel sa braso ng Ama.

"Ganun ba. Thank you sa paghatid sa kanya Maxwell". Nkangiti nyang saad. " Ipapahatid na lang kita sa driver bukas princess". Baling naman nito kay Angel dahil naiwan ang kotse nya sa school.

"Ok dad"

"Sige po mauna na ako sa inyo". Ngumiti ako at sinulyapan muna si Angel. Pulang pula ang mga labi nito. Tumango naman sya sa akin and bit her lower lips.

Fuck!

Habang nag dadrive ako ay tumunog ang phone ko.

"Drive safely. Thank you sa paghatid :*". Text galing kay Angel. Binaba ko muna ang phone. Mamaya na lang ako mag rereply pag nakarating na ako.

Nilapag ko muna ang mga gamit ko at nagtungo sa banyo upang maligo. Gusto kong mawala ang init na nararamdaman ng katawan ko na hindi parin nawawala.

Umaagos ang tubig sa hubad kong katawan at hindi ko maiwasan na di balikan ang nangyari kanina sa amin ni Angel. Hayyy!

Angel! Bakit hindi ako umiwas?. Shit! Hindi ko maintindihan ang sarili ko at lalong hindi ko maintindihan si Angel kung bakit nya nagawa yun kanina. Lasing pa ba sya? Sinamantala ko ba sya?. Naguguluhan na ang utak ko anong gagawin ko!

Pagkatapos kong mag research sa aking laptop ay humiga na ako. Di na rin ako bumaba para kumain dahil busog pa naman ako. Naalala ko ang cellphone ko dali-dali ko itong hinanap. Shit di pa pala ako nakapag reply kanina.

5 msgs..

"Nakauwi ka na ba?" - 7:15

"Max? Busy ka ba?" - 7:30

"Kumain ka nah. Ako busog pa kanina kaya di na ako nag dinner" - 8:10

"Galit ka ba?" - 8:35

"Fine!!! kung ayaw mong may umistorbo sayo sabihin mo lang. Nag aalala lang naman ako kung baka na pano kana! I hate you!!!!!!!!" - 9:05

10pm nah!

Naman ooohhhh! Nakalimutan ko.
Dali dali ko syang tinawagan.

Ringggg rinngggg ...

"What?!!" . Inis na sagot ni Angel sa kabilang linya.

"S-sorry Angel may ginawa kase akong assignment kaya nakalimutan ko magreply kanina". Paliwanag ko.

"No worries..alam ko rin naman na yan ang idadahilan mo!"

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now