Chapter 67

27.3K 375 56
                                    

Angel POV

Nagising ako ng wala si Max sa tabi ko!

"Max?" Tawag ko dito habang nakadapa sa kama.

Kagabi yata ang pinaka-romantic na make love namin. Finally malapit na akong maging Angelica Lopez San Jose. Parang kisap matang nawala ang galit ko kay Max pero hindi nangangahulugang nakalimutan ko na ang lahat ng nangyari, inaamin ko nagpapakatanga na naman ako pero ganun talaga siguro ang nagmamahal you just have to keep on believing na may forever sa inyong dalawa!

Gusto ko ring ipamukha kay Megan na mali talaga ang kalabanin ako. Napagtanto kong hindi talaga sya nararapat sa kuya ko at maging miyembro ng pamilya namin. Sobrang kati nya!

Narinig ko ang lagaslas ng tubig kaya bumangon na ako at nagtungo sa banyo. "Baby?" Tawag ko kay Max pagkabukas ko ng pinto, hindi na rin ako nag-abala pang takpan ang hubad kong katawan.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang abala naman ito sa pagsasabon ng katawan.

"Shit ---" Gulat na gulat itong napatalon dahil dinakma ko ang dalawang pisnge na kanyang pwetan. "God aatakihin ako sa puso love!"

Tatawa-tawa naman akong yumakap sa kanya. "Sorry baby ang sexy mo kase!" Pilya kong kinagat ang lower lip ko ng maramdaman ko ang pagtama ng dibdib naming dalawa.

"Mas sexy ka love tsaka sobrang ganda pa!" Hinapit nito ang bewang ko kaya mas lalo lang nagdikit ang dibdib namin.

Gosh! She's my fiance now right? Ang hot lang ng feeling ko ngayon kahit pa umaagos ang tubig sa katawan namin.

"I love you! I can't wait to marry you love."

"Me too baby. Kelan natin sasabihin sa parents ko?" Niyakap ko ang braso ko sa batok nito.

"Soon. Just leave it to me ok? Ako ang kakausap sa parents mo." Nakangiti nitong nilapit ang mukha sa akin. "Pero ngayon gusto ko munang masolo ang fiance ko!"

"Hindi ka ba magsasawa sa akin?"

"Nope!" She kissed the tip of my nose. "Hinding-hindi love, habang buhay kitang mamahalin at kahit araw-araw ka pang sumpungin ng kasungitan mo hindi parin kita ipagpapalit."

"Talaga baby? Baka naman may makilala ka lang na mabait at hindi ka susungitan maisipan mo agad na iwan ako!"

"Love kahit anghel pa ang makilala ko hindi parin kita ipagpapalit. Masaya kaya yung kahit devil ang kasama ko pero feeling ko naman nasa heaven ako lagi pagkapiling kita."

Yeah right!

"So devil talaga ako sa paningin mo?" Nagtatampo kong tanong.

"Biro lang. Bagay kaya ang pangalan mo sayo love 'Angel'." Alam ko naman ng aasar na naman ito. Tsss!

"Nang-iinis kana naman eh! Anyway may pupuntahan ako mamaya pagkatapos ng last period ko baby kaya wag mo na akong sunduin tsaka mauna kana lang umuwi."

Inabot ni Max ang liquid soap at naglagay sa palad nya. "Saan ka naman pupunta?" Tanong nito habang nakayakap parin ako sa kanya at sinasabonan ang likod at bewang ko.

"May bibilhin lang."

"Ano nga? Wala naman akong gagawin pagkatapos ko sa hospital kaya sasamahan na kita."

"Wag na baby. Alam ko pagod ka kaya magpahinga kana lang mamaya tsaka mabilis lang ako promise!"

"Are you sure?" Paninigurado nito. Agad akong umiwas ng tingin dahil baka makahalata pa ito na nagsisinungaling ako.

"Y-yeah!"

"Angel baka naman pupuntahan mo lang si M ---" Pinutol ko agad ng halik ang sasabihin nya.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now