Chapter 72

31.5K 416 36
                                    

Angel POV

"Sige na, madami pa kayong drama eh!" Pagtataboy ko sa mga kaibigan ko. Ngayon kase sila uuwi sa pilipinas at andito kami ni Max sa airport para ihatid silang lahat.

"Wala ka talagang kasweetan sa katawan Gel!" Singhal ni Jessy. Tahimik lang sina Bruno,Nika at Red habang nakaupo.

"Para naman kase tayong hindi na magkikita nyan!"

"Guys mag-iingat kayo ha!" Singit naman ni Max at niyakap sila isa-isa.

"Ikaw rin Max mag-iingat ka dito!" Bilin naman ni Julia.

"OA!" Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Lumingon ito sa akin. Wow ang talas ng pandinig ha.

"May narinig ka ba Julia?" Inosenti kong tanong at ngumiti ng plastik sa kanya.

Umirap lang ito sa akin. "Anyway Max mamimiss kita sobra!"

"Me too Jul. Sabihin mo kay Mark pumunta naman dito minsan!"

"Yes i will!"

"Guys mauna na kami sa inyo pwede? Kelangan ko pang pumunta sa school." Paalam ko sa kanila sabay kapit sa braso ni Max.

"Oo na! Lumayas kana dito!" Taboy ni Jessy.

"Sige guys ingat na lang kayo ha."

"Ok Max. Bye!"

Nakipag-beso muna kami sa kanila bago umalis ng airport.

"Mamimiss ko sila love!" Sabi nito habang nagmamaneho.

"Me too. Baby maligo naman tayo sa beach, miss ko ng magbabad sa dagat eh!" Paglalambing ko.

"Kelan mo ba gusto love?"

"Kelan ka ba pwede baby?"

"Bukas pwede tayong pumunta love kase mamayang gabi naman ang pasok ko sa hospital!"

"Sure ka baby? Wala kapang tulog nun eh."

"Ok lang love, makakapag-pahinga rin naman ako dun."

"Thanks baby. I love you!" Madiin kong hinalikan ang kanyang pisnge.

Pinark ni Max ang kotse sa dulo ng isang ice cream parlor, parang natutuyo daw kase ang lalamunan nito kaya gusto nyang kumain ng malamig.

"Dito ka na lang love. Ako na lang ang bibili".

"Sige. Chocolate akin ha."

"Alam ko!" Nakangiti nitong saad sabay halik sa labi ko bago bumaba ng kotse.

Kinuha ko ang cellphone ni Max at nag-selfie dito. Ang ganda ko talaga!

"Love oh!" Abot nito sa isang cone ng chocolate ice cream.

"Bilis mo naman yata?" Binalik ko muna ang phone nya bago tanggapin ang ice cream.

"Wala naman kase masyadong tao love."

"Sarap baby!" Dinilaan ko ng paulit-ulit ang ice cream, ang sarap talaga!

"Ui natutunaw na yang ice cream mo Max!" Pukaw ko sa kanya, nakatulala kase itong nakatingin sa ice cream ko.

"H-ha? Oo nga pala!" Agad naman itong umiwas ng tingin sa akin.

Sarap na sarap kami pareho sa ice cream kaya wala rin kaming imikan habang kumakain.

"Baby bumili kapa dun gusto ko pa." Ubos na rin ang kay Max, nakakabitin naman kase ang isa.

"Mamaya na love."

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang