Chapter 71

28.7K 377 14
                                    

Max POV

Mag-isa lang akong sumundo kina sir Alfred at maam Amanda dito sa airport. Ayaw kaseng sumama ni Angel dahil may pupuntahan sila ng mga kaibigan nya. Si Julia naman kasama rin si Megan kaya heto solo ako ngayon. Hay!

"Maxwell!" Napalingon agad ako ng marinig ko ang boses ni Sir.

"Sir..Maam". Lumapit ako sa kanila at nakipag-beso.

"Kumusta? Saan si Angelica?" Tanong ni Maam Amanda habang papunta kami sa sasakyan.

"Kasama po nya sina Bruno ngayon. May pupuntahan ata!" Kinuha ko ang maliit na bag na dala nila at nilagay sa likod ng kotse.

"Si Jessy kasama ba nila?"

"Opo."

Magkatabi kami ni Sir Alfred sa unahan at nasa likod naman si maam.

"Sir akala po namin next week pa kayo dito?" Tanong ko at pinaandar na ang kotse.

"Yeah. Actually si Miguel sana ang pupunta dito kaya lang may mas importante syang appointment. I have decided na ako na lang para rin makausap kita at mabisita ang bahay. Alam ko kase pareho kayong busy ni Angel at nasa condo rin kayo nakatira."

"Oo nga po. Hindi na rin po kami nakakapunta sa bahay nyo!"

"Sasama nga rin sana si Rafael dahil andito si Jessy pero hindi ko na pinasama. Sigurado rin akong hindi na naman aalis sa tabi ng girlfriend yun!"

Natawa naman kami ni Maam Amanda sa sinabi ni Sir. "Yeah Maxwell it's true. Kung nakita mo lang si Rafael at Lorenzo na halos hindi na umalis sa tabi ng mga girlfriend nila. Hay naku talaga!" Nakangiting saad ng ina nila.

Bigla naman akong naguilty ng marinig ko ang pangalan ni Lorenzo. Hay!

"I don't know kung kanino sila nagmana!" Nagkatinginan kami ni sir at napangiti ako sa sinabi nya.

"Kanino pa ba eh di sayo!" Tukso ng asawa nito.

"No honey hindi ako ganun. Hindi naman ako masyadong possessive pagdating sayo ah."

"Don't deny it Alfred. Lahat yata ng anak mo nagmana sayo sa pagiging strict at seloso."

Tahimik at nakangiti lang akong nakikinig sa kanila.

"Seloso? I'm not Amanda! Sige nga kapag may lumapit na babae sa akin hindi ka ba magagalit?"

"Depende naman sa sitwasyon Alfred."

"Yeah right!"

So kay Sir pala nagmana ang nga anak nya? Lalong lalo na ang love ko walang duda! Tsk..

"By the way Maxwell gusto kong magdinner tayong lahat sa bahay kaya tawagan mo si Angel. Si Lorenzo naman ako na ang tatawag sa kanya."

"O-ok po Sir!"

Napalunok ako ng laway. Shit! Paano ko sasabihin mamaya kung kasama namin sina Lorenzo? Baka galit parin yun hanggang ngayon sa akin!

Pagkarating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ng katiwala nila. Nagpaiwan naman ako sa kotse upang tawagan si Angel.

"Hello love? Saan kayo?"

"Andito sa isang botique baby. Dumating na ba sila dad?"

"Oo. Andito na nga kami sa bahay nyo. Aahmm love sabi ng dad mo gusto daw nyang makasabay tayong magdinner".

"Ha? Oh sige... di na lang ako sasama sa kanila mamaya. Sunduin mo na ako dito!"

"Ok. Saan ba yan?"

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now