Chapter 44

32.5K 408 9
                                    

Max POV

"Baby sige na please?". Pangungulit parin ni Angel sa akin. Ayaw ko kase syang payagan na mag'bar kasama ang mga kaibigan nya.

"Love naman eh, ang kulit mo. Tsaka paano pagnalaman to ng daddy mo?"

"Mag-papaalam ako sa kanya promise. Im sure papayag yun! Please payagan mo na ako baby?". Nagmamakaawa nitong saad at nagpuppy eyes pa. Hayy!

"Ba't ba naisipan mong mag'bar?"

"W-wala naman! Gusto ko lang makasama sila. Sige na baby ko? Please?".

"Sige na nga! Pero sasama ako, baka ano pang mangyari sayo dun!"

"Ha? Sasama ka?". Sigaw nito.

Napalingon ang ibang studyante sa amin. Tskk! Andito pa kami sa library ngayon dahil hindi sya pumasok sa kanyang klase at instead sinundan nya ako dito para kulitin. Hayy!

"Wag ka ngang sumigaw. Tsaka so what kung sumama ako? Ayaw mo ba?". Nakakunot noo kung tanong.

"H-hindi naman sa ganun! Baka ano, b-baka ma-o.p ka lang dun baby eh. Alam mo naman kasama ko ang mga kaibigan ko di ba. Please? Promise behave ako dun!"

"Kulit talaga! May magagawa pa ba ako. Sige na nga payag nako basta magpaalam ka sa daddy mo!".

We spend our weekend together, marami kaming pinasyalan na mga lugar na first time rin namin pinuntahan together.

"Talaga baby?". Parang di makapaniwala nitong tanong. Mukha ngang kumiskislap pa ang mata nito. Hayy!

"Oo na nga! Basta magtext ka pa lagi sa akin tapos pagtinawagan kita sagutin mo agad. Ayaw kong maglasing ka dun Angelica, lagot ka talaga sa akin!" Ma-awtoridad kong saad. Tiningnan ko sya sa mga mata para malaman nyang seryoso talaga ako. Tsk!

"Yes po baby ko! Thank you. Promise magbebehave ako tsaka hindi ako iinom ng marami!". Ang ganda ng ngiti nito, parang bata na pinayagang maligo sa ulan.

"Tatandaan ko yan love!". Sabi ko at pinagpatuloy na ang pagsusulat. Panay lang ang ngiti ni Angel sa tabi ko habang nagtetext.

"Hindi ka ba papasok sa next class mo? Tsaka wala ka bang dala na bag?". Tanong ko sa kanya dahil kanina pa sya dito.

"Nope! Iniwan ko kay Nika ang bag ko. Nagtext rin si Bruno wala daw si prof! Mamaya na ako dun".

"Totoo yan ah?". Paninigurado ko.

"Oo. If you want tawagan mo pa si Red!". Sabay abot nya ng phone sa akin.

"Ok naniniwala na ako!". Tumayo ako para kumuha pa ng libro.

"Sama ako Max!"

"Kukuha lang ako ng libro".

"Sasama nga ako!". Tumayo na rin sya at nauna ng lumakad, sumunod na lang ako sa kanya baka magsungit na naman.

Nakuha ko na ang hinahanap kong libro pero hindi ko na makita si Angel. "Saan na ba yun?". Malapit na ako sa last section ng library dahil sa paghahanap sa kanya.

"Andito ka lang pala. Anong ginagawa mo dyan?". Tanong ko sabay lapit sa kanya. Nakatayo lang sya sa dulo at parang hinihintay talaga ako.

"Ang tagal mo!"

"Teka sinabi ko bang maghintay ka dito?"

Hindi ito sumagot at yumakap kaagad sa bewang ko. "Kiss me baby! Lets make love here!"

Napaatras ako bigla sa sinabi nya. "A-ano? Dito? Angel naman eh!"

"Sige na. Subukan lang natin tsaka wala naman masyadong student baby eh!". Kinawit nya ang dalawang kamay sa batok ko at nang-aakit na kinagat ang lower lip. Napalunok ako bigla. Naman oh!

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now