Chapter 43

33.3K 413 6
                                    

Angel POV



"Thats it!". Napasigaw agad ako sa naisip.

"A-ano yun love?". Halata parin ang pagkataranta ni Max tungkol sa nadatnan ng ate nya kanina. Nagpahatid kaagad ako dito sa bahay dahil pati ako kinakabahan sa magiging reaction ni Ate Ivory.

"S-sabihin mo na lang lasing ako tapos inakit kita! Im sure maniniwala yun Max, s-she knows naman na may pagka-flirt ako sayo di ba!"

"Love sure ka ba dyan? Paano naman maniniwala yun kung yan ang sasabihin ko, eh alam rin nya na patay na patay ako sayo dati pa kaya iisipin lang nun na pareho nating ginusto ang nangyari!"

"Eeiii ano ba yan! Baka magsumbong yun sa mama mo tapos tanungin ka nila kung may namamagitan na sa atin. Hindi ka pa naman marunong umarte baka madulas ka lang!"..

Ok lang naman sana sa akin kahit malaman pa ng buong mundo ang tungkol sa amin pero not now! Ayaw ko ng dagdagan pa ang pagsisinungaling ko kay dad. 3 more months pa bago ako mag-18 at para payagan na ako ni dad!

"Sige na pasok ka na love. Ako na ang bahala kay ate!". Malungkot ang boses nitong wika. Kawawa naman ang baby ko!

"Halika nga yakapin mo ako!". Binuka ko ang braso ko para salubungin ang yakap nito.

"Hmmmm i love you love! Wag kang mag-alala ipa-paintindi ko ng mabuti sa kanya ang tungkol sa atin. Kapatid ko yun kaya sigurado ako maiintidihan nya ako!". Sobrang sarap ng yakap nya at mas gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nito. Nawala tuloy ang kaba ko!

"I trust you baby! Basta sasabihin rin natin lahat sa kanila sa tamang panahon! I love you too!"

"Opo! Sige na pasok na mahal ko, baka matagalan akong gumising bukas ah wala naman pasok eh!"

"Ok baby. Ako rin gusto kong matulog ng matagal! I'll call you kapag gising na ako. Bye!". Nagpaalam na ako pero bago ako makalabas pinalo pa nya ng mahina ang pwet ko. Gosh!

10 am ang nakita ko sa clock pagdilat ko ng mata. Inaantok parin ako, agad kong kinapa ang cellphone ko sa side table. 3 text messages galing sa baby ko!

"Ngayon lang kami natapos mag-usap ni ate love. Goodnight I love you!". 12:30 na ng madaling araw? Ang tagal naman ata nilang mag-usap kagabi. Hmmm

"Love magkita tayo mamaya. May importante akong sasabihin!"

"Call me if you wake up! I miss you"

I immediately dialed her number!

"Goodmorning love. Sarap ba ng tulog mo?". Sagot agad nito sa kabilang linya.

"Opo! Ikaw ba baby? Anong oras ka nagising?"

"8 love. Pagkatapos kong mag-breakfast dumiretso na ako dito sa bahay niyo!" .Bahay namin?

"Teka nasa labas ka ba?" Bigla akong napabangon.

"Yeah. Andito ako sa labas ng gate nyo. Hindi na muna ako pumasok baka maka-isturbo ako sa tulog mo!"

"Sira ka talaga! Pumasok ka nga dito. Dali! Maliligo lang muna ako"

"Ok love ito oh papasok na"

"Ok. Maliligo muna ako. Bye!"

Pagkatapos kong mababa ang tawag ay dali-dali akong pumunta ng banyo para maligo. Minsan talaga napapaisip ako kung ano ba ang nagawa kong mabuti para bigyan ako ng katulad ni Max. I mean napakaswerte ko sa kanya!

"Baby?". Paglabas ko sa banyo agad kong nakita si Max na nakahiga sa kama at nakatakip ang isa nitong braso sa mata.

"Baby?". Tawag ko ulit dito at lumapit sa kama. Narinig ko pa ang mahina nitong hilik, hay naku halatang antok na antok pa sya!

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon