Chapter 29

35.9K 468 7
                                    

Angel POV

"Anong ini-isip mo dyan?". Kinalabit ako ni Red, tahimik lang ako at nakatingin sa labas ng bintana. Na-badtrip talaga ako sa Megan na yun, ang kapal ng mukha.

"Red may tanong ako, anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo?". Tiningnan ko sya.

"Honestly Gel hindi ko pa alam dahil hindi pa naman ako nagkakaroon ng seryosong relasyon. Pero if ever dumating yun sa akin i think magagawa ko lahat para sa kanya as long as mahal namin ang isat-isa. Ikaw ba?". Balik naman nyang tanong sa akin.

"Well agree naman ako sa sinabi mo, pero para sa akin kahit na siguro sabihin nya na hindi na nya ako mahal i will still fight for my love. Gagawin ko rin ang lahat para hindi sya maagaw sa akin kahit may masaktan pang iba!!!". Ditermenado kong wika. Seryoso naman ako sa sinabi ko kung kelangan may masaktan gagawin ko para ipamukha sa kung sino man ang gustong umagaw kay Max sa akin na ako ang nagmamayari dito.

"You're crazy Gel!". Komento naman ni Nika na kanina pa nakikinig sa amin.

"Siguro nga at wala na akong magagawa dun!". Ngumiti lang ako sa kanila at napailing-iling naman ang mga kaibigan ko.

Sakto naman ang pagdating ng prof namin kaya umupo narin kami ng maayos. After 3 subjects natapos rin ang klase ko. Nakatanggap naman ako ng text kay Max na sa cafeteria na lang sya maghihintay. Hindi ko ito nereplayan, may kelangan pa kase akong  gawin.

"Guys una na ako at favor naman if Maxwell ask kung nasan ako bahala na kayo mag-isip ng dahilan basta yung paniniwalaan nya!". Sabi ko at nagpaalam na. Nagtaka naman sila pero hindi ko na pinansin at naglakad na papunta sa building nila Megan.

Nang makarating ako sa building nila Megan ay hinanap ko kaagad ito. Nakita ko kaagad sya sa may locker at nag-aayos ng mga gamit nito.

"Can we talk!". Diretso kong sabi dito. Napatingin sya sa akin at kumunot ang noo.

"Oh Angel. Bakit?". Nakangiti naman nitong tanong. Plastik! Tsss..

"Gusto ko lang sanang makipag-usap yung tayo lang dalawa.". Plastik ko ring ngiti sa kanya.

"S-sure. Halika sa room na lang tayo". Sumunod ako sa kanya sa isang classroom, nakalabas na rin lahat ng studyante.

"So anong gusto mong pag-usapan?". Nakahalukip nitong tanong.

"Dideretsohin na kita Megan. May gusto ka ba kay Maxwell?!". Walang patumpik-tumpik kong tanong. Umupo rin ako paharap dito at tinaasan ko sya ng kilay.

Tumawa na man ito ng mahina "What makes you think na gusto ko sya?!". Mataray nitong tanong at hindi naman sya nagpatalo tinaasan rin nya ako ng kilay. See? Lumabas din ang totoo nitong ugali, nagpapanggap sya sa harap ni Maxwell na isang mabait na kaibigan pero ang totoo may balak talaga itong iba. Kilala ko ang mga katulad nya!

"Your so obvious my dear, titig mo pa lang at ngiti alam ko nang may pagnanasa ka sa kanya!". I said and she just smirked. Tumayo naman ito at lumapit sa akin.

"Really? So anong gagawin mo? Sasabihin mo sa kanya?".

Tumayo na rin ako "Hindi naman ako tanga para padaliin ang pagko-confess mo sa kanya. Tsaka hindi rin ako makakapayag na landiin mo sya!". Matigas kong saad dito.

"Bakit? Paano mo ako pipigilan? As far as i know wala kayong relasyon at single sya. So kung ako sayo wag kang haharang sa plano ko dahil hindi mo pa ako kilala. Mahal ko si Maxwell at sya lang ang dahilan kung bakit ako umuwi dito sa pilipinas! Gagawin ko ang lahat makuha lang sya!". Prankang sabi nito sa mukha ko. Nakuyom ko ang palad ko, pigil na pigil ko ang paghinga. Nakipaglaban rin sya ng titigan sa akin gusto ko ng sumabog at sabihin sa kanya na girlfriend ko si Max pero hindi pwede,hindi pa ito ang panahon. Uggghhh!!!

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now