Chapter 20

49.1K 589 8
                                    

Max POV


Magkayakap parin kami ngayon dito sa hotel. Nakaunan sya sa braso ko at hinahalik-halikan ko ang ulo nito. Gusto ko lang naman sana syang takotin kase naman napaka-sungit,  kaya lang pagpasok namin sa loob ng kwarto bigla akong nag-init. Ang sexy nya talaga sa dress nyang nalalantad ang makinis at maputing legs! We made love again and again hanggang sa mapagod kami. Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko. Hindi ko na talaga kayang kontrolin ang sarili ko pag kami lang dalawa. I love her so much.

"Baby hindi pa ba tayo uuwi? Sa bahay ka matulog ha". Tumingin sya sa akin at hinawakan ang leeg ko. 9:00 pm na pala. Hayy!

"Ok ka na ba? Love pasensya na di talaga pwede eh hindi ako nakapag paalam kay mama. Promise bukas susunduin kita ng maaga tapos sabay tayong mag-almusal". Sabi ko saka hinalikan ang labi nya.

"Ano pa ba magagawa ko? Sige na nga. Basta sunduin mo ako bukas ha. Patay ka talaga sa akin pag-di ka pumunta ng maaga. Ikaw narin gumising sa akin". Malambing pero nanakot nitong sabi.

"Opo miss sungit kong girlfriend na sobrang ganda at bango ng leeg". Pacute kong sabi. Ouch kinurot nya ang tagiliran ko. Haayyy!

"Bola!".

"Hilig mo talagang manakit sa akin love. Tara na bihis na tayo baka nandun na mga kuya mo sa bahay nyo di pa ako makauwi kaagad".

Bumangon na ako at hinanap ang mga damit namin, kung saan na kase natapon dahil sa pagmamadali ko,  nanggigigil talaga ako sa kanya. Haayy! Hindi na rin ako nag-abala na takpan ang hubad kong katawan, may abs naman rin ako dahil sa paglalaro ko ng volleyball kaya confident ako sa katawan ko at tsaka wala na rin akong itatago kay Angel nakita na nya lahat.

Nakarating na kami sa bahay nila, gusto nya akong papasukin pero tumaggi na ako dahil gabi na rin masyado at kelangan na naming magpahinga. Parang lowbat na lowbat ang pakiramdam ko ngayon, I really need some sleep.

"Maaga ka bukas baby ha. I love you, gusto ko ng matulog. Hayy". Sabi ni Angel na humihikab pa.

"Promise love, kaya pumasok ka na". Hinalikan ko sya sa labi at lumabas para pagbuksan ng pinto.

Pagkarating ko ng bahay ay dali dali kong sinara ang gate at pinto, i really want to rest! After taking a quick shower ay pagod akong sumampa sa kama. Sinet ko muna ang alarm para maaga akong magising..


_________


Nagising ako ng 6:30, inaantok pa ako pero pinilit kong bumangon para maligo at masundo si Angel.

"Good morning!". Nakangiting bungad ni Megan sa akin paglabas ko ng gate. Tiningnan ko ang relo ko 7:10 pa, ang aga ata nya pumunta dito?

"Good morning din Meg. Aga mo ata ah?". Nakangiti ko ring sabi sa kanya.

"Yeah. I know kase na maaga kang nagigising at tsaka nagdala ako ng food sabay na tayong mag'breakfast nila tita marami naman to, wala kase akong kasama sa condo eh!"

Napahawak ako sa batok ko "A-ah talaga nagdala ka? Salamat Meg ha pero wala rin kase sila mama eh may pinuntahan". Naiilang kong ngiti sa kanya. Hayy paano ba to. "Ahhmm at tsaka pupunta ako kina Angel susunduin ko sya".

Nawala naman ang ngiti nito "Ganun ba. Ang aga mo naman ata syang sunduin, your really sweet Max ang swerte ni Angel".

"Hindi naman, sweet rin naman ako kay Julia di lang sa kanya". Depensa ko sa sinabi nya, ayoko naman mag mukhang guilty pero sinabi ko na lang totoo rin naman yun. Baka makahalata pa sya sa amin. Haayyy

Lumabi naman ito. "Sayang naman to. Nag-effort pa naman ako". Malungkot nitong saad. Nakonsensya naman ako kase nag punta pa talaga sya ng maaga dito at nagluto pa.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now