Chapter 31

37.3K 443 6
                                    

Angel POV

Three weeks na kami ni Max kaya isang linggo na lang monthsary na namin. Im so happy! Yeeeiii! She really complete me wala na akong mahihiling pa sa buhay.

Andito ako sa isang coffee shop kasama ang mga kaibigan ko.

"Guys one week ng hindi pumapasok si Megan pansin nyo ba?". Nagtatakang tanong ni Jessy. Mabuti at napansin nya pa yun kahit dalawang beses lang naming nagiging kaklase si Megan sa isang linggo.

"Oo nga. Hindi ko rin sya nakita sa school!". Sigunda rin ni Nika. Tsss!

"Pabayaan nyo na nga yung tao!". Saway ko sa kanila. Naiinis ako kapag naririnig ko ang pangalan ni Megan. Malanding yun!

"Whoa! High blood ka na naman Gel. Hindi ka ba concern? Di ba kaibigan yun ni Max?". Sabi ng bakla, para namang gusto kong matawa sa sinabi nya. Tsss! Ako pa talaga ang tinanong!

"Ofcourse.. Hindi!". Nang-aasar kong sabi.

"Wala ka talagang puso!"

"May puso ako pero para kay Max lang!". Ngumiti ako ng matamis sa kanila.

"Corny!". Komento naman ni Red na busy sa pagtetxt. Hmmm

"Wala kang paki!!!". Singhal ko sa kanya.

"Gel ito ha. What if what if lang naman hindi kayo magkatuluyan ni Max anong gagawin mo?". Tanong ni Nika, napatingin ako ng seryoso sa kanya.

"Hmmm i don't know. Pero im sure may dahilan kung bakit kami hindi magkakatuluyan at yun ang hindi ko hahayaan na mangyari. Sabi ko nga sa inyo gagawin ko ang lahat para sa kanya kaya i don't think iiwan nya pa ako or maghahanap sya ng iba. Gagawin kong impyerno ang buhay nila.. if ever lang naman may nagbabalak ng masama sa amin!" Kibit balikat kong sabi.

"Pero what if hindi babae ang dahilan. I mean kung si Max mismo ang aayaw sayo?". Tanong na rin ni Jessy.

"Bakit naman sya aayaw sa akin? She loves me so much ramdam ko yun kahit na hindi pa kami pero i know sa akin rin sya babagsak!". Kelangan ko parin magpanggap na wala pa kaming relasyon ni Max. Tsss!

"Aaminin ko girl ah. Ang swerte mo talaga sa kanya. Isipin mo ha, na kaya nya ang ugali mo? Gosh kung iba siguro yun tumakbo na sa takot kase para kang may regla parati eh. Pero infairness ang tibay ng sikmura ni Max sayo ha! Feeling prinsesa ka naman kung makaasta sa kanya. Hay naku!". Sabi ni Bruno with matching wagayway pa ng kamay. Natawa naman sila Nika sa sinabi nya. Eh sa gusto kong tratuhin nya ako ng prinsesa!

"Sana nga rin hindi sya magsawa sa kakaintindi sayo Gel!". Sabi ni Red.

Natahimik naman ako sa sinabi nya. Posible bang magsawa si Max sa akin? No way!

"Hindi yun mangyayari Red!". Sagot ko sa kanya, nangako si Max sa akin na kahit anong mangyari hindi nya ako iiwan.

Nagpaalam muna ako dahil kelangan kong mag-cr. Tiningnan ko ang phone ko kung nagtxt si Max pero wala. Binalik ko na ang phone nya 3 days ago dahil nasigurado ko naman na hindi na nagpaparamdam si Megan sa kanya at tumatawag rin ang iba nyang kaklase.

"Hey Gel. Andito ka pala?". Sabi ng nakasalubong ko palabas ng cr. Si Alexis kasama ni Max sa volleyball at isa sa mga pinagdududahan ko.

"Yeah kita mo naman di ba!". Tamad kong sabi dito. Nginitian lang naman nya ako. Tsss! Plastik rin!

"Bakit hindi ka pala tumingin ng practice game namin kanina? Sobra talagang galing ni Max kaya plano nga ni coach gawin syang captain kaya lang hindi nya tinanggap kase baka makadagdag lang daw sa responsibility nya. Sayang nga!". Sabi nito na malungkot ang mukha. May practice sila bakit hindi nya sinabi sa akin. Hmp

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now