Chapter 1

131K 1.3K 107
                                    

Max POV

"Salamat lord sa blessings na darating ngayong araw at patnubayan mo po sana ako sa mga gagawin ko po.. Amen." Sabay sign of the cross , papasok na ako sa school ngayon. Pumasok na ako sa sasakyan na ibinigay ng dalawa kong bestfriend, para naman daw may serbes ako papasok sa skul. Di naman masyadong magara yung binigay nilang kotse dahil galing lang yun sa mga ipon nila.

Tamang tama naman kase na binibinta ni Mang Gustin yung kotse nyang honda kaya ayun binili na nila para daw sa akin at para birthday gift na rin kasi dalaga na ako. Hahaha sosyal talaga nila noh kase kotse reneregalo lang. Haayy ayaw ko sanang tanggapin kasi nakakahiya pero mapilit eh. Tsaka sino ba naman ako para tumaggi sa grasya.

Pagka park ko sa sasakyan tenext ko muna si Julia para hintayin nia ako sa may waiting shed. Alam ko kasi nauna na yun sa akin dahil sinusundan niya yung boyfriend nia. Teka ex boyfriend pala. Ewan ko ba sa kanila, maghihiwalay tapos magbabalikan din. Tskk

Kaya ako hanggang crush nalang muna sa dyosa na si Angelica Lopez.. hayyy buhay. Pero totoo inlove talaga ako sa kanya eh. May mga dapat talaga munang unahin bago lovelife.

"-Bilisan mo naman best. Bahala ka pagdi mo binilisan di mo makikita si Devil ayy i mean Angel pala. Hahaha - Julia

Asar di naman sya devil ah masungit lang talaga. Minsan nga naririnig ko pa sa ibang studyante bitch pa daw sya. Bahala sila sya gusto ko eh. Tssk!

"- Dito na po ako sa likod nyo. -Me

Pero kaka baba ko palang talaga ng kotse. Pagkatapos kung masure na nalock ko na ang sasakyan dalidali na akong tumakbo papuntang shed. At ayon si Julia nakakunot ang noo.

"Wow layo palang ah kita na yang kunot mong noo" sabi ko sabay akbay sa kanya. Lambing ko lang talaga sa kanya.

"Liar" umirap ito sabay tulak sa akin.

"Asan ang baby ko?" I smile. Di ko pinansin ang pagsusungit nia. Sanay na ako.

"Yung baby mong kulang nalang bumuga ng apoy? Yung baby mong pinaglihi sa sama ng loob? Ayun oh nagtitrip na naman sa mga bago" Bigla ako napatayo at tumingin sa tinuro ni Julia. Hayy ayun nga sya tinatapon ang bag ng kawawang babae, kasama ni Angel ang mga kaibigan nia. Ano na naman ba kasalan nun sa kanya. Naman oohhh. Tsk. Kunti nalang ah mababawasan na ng 1% yung love ko sa kanya.hayy

Lumakad ako papunta sa kanila. Bahala na kung magalit na naman sya sa akin.

"EHEMM" tumikhim ako sabay kuha ng bag sa kamay ni Jessy yung isa sa mga alipores nya.

Biglang tumingin si Angel sa akin at binigyan ako ng nakakamatay na tingin. Aist naman yang mata na yan eh. Pero di pwede kawawa naman yung babae. Im sure kanina pa sya nahihiya sa mga tao. Hayyy

"WOW TAPANG MO SAN JOSE AH" Grabeh parang gusto kong tumakbo sa lakas na sigaw ni Angelica. Asarrr naman!

"Di naman sa g-ganun Angel k-kaya lang kase first d-day ata nya sa s-skul kawawa na-naman" utal utal kong sabi sa harap ni Angel. Ikaw ba naman hindi mautal eh hinawakan nia ang tenga ko at aktong pipingoten.

"Ah ganun, so sinasabi mo na hayaan ko nalang sya sa pag dumi nia sa bago kong shoes"? hindi naman nia ako piningot. Pinagpag pa nga nia ang gilid ng damit ko eh.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now