Chapter 33

35.7K 501 18
                                    

Angel POV




Naiirita akong sumunod kay Max sa labas. Uggghh! Kanina pa ako naghihintay sa kanya dito at para na akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang ginagawa nila ng Megan na yun.

"Mag-seatbelt ka!". Utos ni Max sa akin at pinaandar ang sasakyan.

"Anong sabi ni Sir na masakit ang ulo mo kanina?". Tanong nya na nakatingin lang sa harap ng daan.

"Y-yeah! At dahil yun sayo!". Diing sabi ko kaya napatingin sya bigla sa akin.

"Ako? Bakit anong ginawa ko?". Nakakunot noo nitong tanong.

"Hindi mo talaga alam? Well hindi mo lang naman sinabi sa akin na may practice kayo tapos hinatid mo pa ang malanding yun!". Mataray kong saad at inirapan sya. Kainis!

"Love hindi ko nasabi sayo dahil kahit ako nakalimot. Sinabi lang sa akin ni Alexis na may practice kami!". Explain pa nito. Tsss!

"Speaking of Alexis nakita ko sya sa coffee shop at sya rin ang nagsabi sa akin about sa practice nyo pati na rin ang pagpapakilala mo kay Megan sa kanya!". Naiirita kong sabi. Hindi naman ito sumagot at patuloy lang sa pagdadrive.

Nakarating kami sa isang ktv bar. Teka ano namang gagawin namin dito? Kakanta? .. May kinausap si Max na lalake na mukhang familiar pero hindi ko alam ang pangalan, dinala nya kami sa isang private room. Medyo madilim sa loob at may videoke.

"Anong gagawin natin dito?". Tanong ko pagkaupo namin.

"Mag-uusap!". Sabi nya pero nakatingin naman sa isang malaking booklet na puno ng mga kanta.

"Eh bakit dito tayo mag-uusap?".

"Wala. Namiss kong kumanta!". Baliwala nitong sabi at tumitingin lang sa listahan ng mga kanta. Humalukip na lang ako ng upo at tiningnan sya. Nakakainis talaga sya kung minsan!

May kumatok naman at pumasok ang isang waiter na may dalang chips, fries at 2 na bote ng san mig light at isang coke can. Iinom kami? Akala ko ba ayaw nya ang umiinom?. Kinakabahan tuloy ako kase di ko mabasa ang iniisip nito.

"Salamat Roy". Sabi nito sa waiter at nag-thumbs up lang sya kay Max.

"Kumain ka love pero wag kang iinom ng alak yung coke lang ang sayo!". Tumingin sya sa akin at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.

"Bakit ka iinom?". Nagtataka kong tanong. Hindi naman sya sumagot at bigla nya akong hinalikan sa labi ng madiin. Humawak ako sa mukha nya at gumanti na rin ng halik. Gumalaw ang dila nya indekasyon na gusto nyang pumasok sa bibig ko hindi naman ako nagpakipot pa at sinalubong ko ang dila nya ng dila ko. Gosh! Oh Max! Hinila nya ako at pinakandong sa kanya.

"Love nagkamali yata ako ng pinuntahan". Sabi nya ng maghiwalay ang labi namin. Tinulak ko ng mahina ang noo nya kase naman parang sira at ang likot pa ng isang kamay na nakapasok na pala sa loob ng damit ko.

"Bakit? Saan mo ba dapat ako dinala?". Tanong ko habang yakap nya ang bewang ko.

"Sa motel!". Nakangisi nitong sagot. Pilit akong kumawala sa pagkakayakap nya, ang manyak kase ng isip nito ngayon. Pinagtawanan lang naman nya ako at alam kong namumula na ang mukha ko sa kilig at hiya.

"Makaalis na nga dito. Nakakainis ka!". Sabi ko para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko. Hinigpitan naman nya ang yakap sa bewang ko at panay pa rin ang tawa nito. Tsss!

"Nagbibiro lang naman love. Seryoso talaga nito!". Di ko sya pinansin at kinuha ko ang isang bote ng alak.

"Oopsss sabi ko wag kang iinom. Yan sayo!". Agaw nya sa bote at binigay nya ang coke sa akin. Tsss!

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon