Chapter 28

36.7K 460 19
                                    

Max POV




Napasuntok na lang ako sa hangin. Haayy! Ano na naman ba problema ni Angel. Ang saya-saya namin kanina eh. Naman oh!!!

"Babe? Ok ka lang?". Tanong ni Megan ng makalapit na ako sa kanya.

"Ok lang Meg. Tara!". Sabi ko na lang dito. Angel talaga oh. Bigla-bigla na lang nagagalit.

Pumasok na ako sa classroom na malungkot. Ang sarap pa naman ng feeling ko kagabi dahil nakasama ko sya ng matagal. Ngayon masungit na naman sa akin. Kakausapin ko na lang sya mamaya! Hayy..

Natapos na ang tatlong subject ko ngayong umaga kaya pupunta na ako ng cafeteria at dun na lang hihintayin si Angel. Tinext ko muna ito para malaman nya.

"Love papunta na ako ng cafeteria hintayin kita dun. I love you". Text ko.

Pagpasok ko ng cafeteria nakita ko kaagad ang mga kaibigan ko.. "Hi Jul, hi bro". Bati ko sa kanila.

"Hey hey. Kumusta kagabi ha?". Sabik na tanong ni Mark.

"Anong kagabi yun?". Nagtataka namang tanong ni Julia di ko kase sya sinabihan sa plano ko.

"A-ah wala. May pinuntahan lang kami ni Angel kagabi".

"Talaga? Saan naman?". Walang gana nitong tanong.

"Dyan lang sa tabi".

"Okay. Sabi mo eh. Basta mag-iingat ka sa babaeng yun ha, baka kase kagatin ka!".

"Alam mo bakit ba hindi na lang kayo magkasundo ni Angel para sa akin". Sabi ko.

"Nagpapatawa ka ba? Mabait naman ako ha kilala mo ako Max. Kaya sabihin mo yan sa girlfriend mong hilaw. Napaka maldita akala mo lahat ng tao kaya nyang kontrolin, including you!". Sabi nya na naiinis ang boses. Dinuro pa ako. Tsk!

"Tama na nga yan Juls di mo naman masisisi si Max kung mahal nya si Angel". Pagtatanggol ni Mark.

"Ok lang naman sa akin yun Mark, kaya lang sana ilagay nya sa tama ang pagka maldita nya na kahit si Max ina-under nya! Wala pa nga silang relasyon tapos kung maka-asta parang kung sino!". Mataray pa rin na sabi ni Julia. Paano ko ba sasabihin sa kanila na kami na. Ayaw ko naman na malaman ni Sir Alfred ang tungkol sa amin ng anak nya. Sigurado akong magagalit yun sa akin. Ang hirap!

"Just give her a chance Jul. Mahal ko siya alam mo yun noon pa at kaya kong tiisin lahat para sa kanya". Malungkot kong wika dito.

"Bahala ka na nga!". Sabi nito at kumain na. Ba't ang tagal ata ni Angel alam ko tapos na subject nya ngayong umaga di rin naman nagreply ng txt ko kanina.

Dumating na ang mga kaibigan nito pero hindi nila kasama si Angel.

Lumapit ako sa kanila "Hi guys nakita nyo ba si Angel?".

Nagkatinginan sila bago sumagot "Ha. Akala namin kasama mo kase nagmamadaling umalis pupuntahan ka daw nya". Sabi ni Red. Pupuntahan ako eh hindi nga nagrereply. Naman oh!

"Ok guys salamat. Tatawagan ko na lang". Umalis na ako para tawagan si Angel. Naka-two rings na pero hindi pa rin nya sinasagot. Hayy!

Rinnnggg... riinnnggg.. rinnngg... asan na ba yun. Tsk!

Inakbayan ako ni Mark "Anong problema?"

"Kanina ko pa tinatawagan si Angel hindi parin sumasagot". Dinial ko ulit ang number nya wala parin.

"Baka may kasamang iba!". Singit naman ni Julia kaya napatingin ako sa kanya.

Tiningnan ko sya ng masama "What?". Mataray nitong tanong.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon