"Ok na ba talaga tong suot ko baby?". Pang-apat na beses ko na atang tanong sa kanya to. Baka kase over na ang suot ko or napaka-simply lang.

"Love kahit wala ka ngang suot ok lang sa akin!". Biro nito at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Gosh!

"Sira! Pervert! Ang family mo ang tinutukoy ko kung ok nato sa kanila!"

"Kanina kapa kase eh. Sabi ko naman di ba sobrang ganda mo kahit ano pang isuot mo love!"

"Sabi mo yan ah!". Ngumiti ito sa akin at pinaandar na ang sasakyan.




"Mabuti at nandito na kayo mga anak!". Sinalubong kami ng papa ni Max sa may pinto.

"Pa hindi pa nga kami nakakapasok eh!".

"Good evening po sir!". Magalang na bati ko kay tito at nagmano na rin ako.

"Oh halika na kayo. Kanina pa nakaluto ang mama nyo!". Aya nito sa amin at humawak ako sa braso ni Max. Feeling ko talaga part of the family na ako. Hmmm

"Good evening po tita". Nagmano rin ako kay tita.

"Naku ang ganda-ganda mo talaga senyorita! Oh upo na kayo. Maxwell!". Nahihiya akong ngumiti kay tita. Tsss! Iba ang feeling ko ngayon. Ewan ko ba hindi ko ma-explain!

Ang daming pagkain sa mesa. Pinagsalin naman ako ni Max ng adobo at kanin. "Wala pa po si ate ma? Angel ito gusto mo?" Alok nito ng chopsuy, tumango na lang ako.

"Yun nga tumawag ang ate mo kanina, mali-late daw sya ng uwi dahil may pinapa-asikaso pa ang boss nya!".

"Paano po yan? Alam na po ba nya?". Napasulyap ako sa kanya. Anong alam na?

"Oo alam na nya sinabi naman agad namin ng papa mo ang tungkol dun. Sabi pa nga ng ate mo kung saan ka masaya at mapapabuti eh dapat suportahan ka namin!".

Hindi na ako nakatiis. "Ano pala yun Max?". Nagtataka kong tanong.

Uminom muna ito at bumuntong hininga "Angel may offer kase ang daddy mo sa akin na scholarship para ipagpatuloy ang medicine course----".

"Wow! That's great!". Masayang sabi ko at ngumiti rin ang mga magulang ni Max.

"Mabuti naman hija at suportado mo rin si Maxwell! Alam ko napakalayo ng America pero wala kaming magagawa kung dun talaga ang kapalaran nya at siyempre matutupad na rin ang gusto nya ang maging doctor balang araw!". Malapad ang ngiti ng ama nito habang nagsasalita.

Binaba ko ang kutsara at tinidor ko at tumingin kay Max. "H-hindi ko maintindihan. Anong America?"

"Angel kase sa Warton University ang school na offer ng dad mo sa akin. Nasabi na rin ito ng daddy mo sa parents ko. Kaya inimbita kita dito para sabihin sayo ang plano ko. Hindi pa naman ako nakakapag----".

Pinutol ko na ang sasabihin nya "Sorry ako na lang pala ang hindi nakakaalam?". Kinuyom ko ang palad ko sa ibaba ng lamesa. Shit! Kaya ba sa harap ng parents nya gustong sabihin ang tungkol dito para hindi ko sya masigawan?

"Mga anak ubusin na muna ninyo ang pagkain bago kayo mag-usap tungkol dyan!". Mahinahon na wika ng ina ni Max. Nawala na ang gana ko pero ayaw ko namang maging bastos kaya inubos ko na rin ang pagkain ko.

Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain, ramdam ko ang mga mata ni Max na sumusulyap sa akin. Tsss!

"Tita,Tito sorry po biglang sumama ang pakiramdam ko. Uuwi na po sana ako. I need to rest!". Andito na kami sa sala nila ngayon at kumakain ng dessert. Nag-aalala akong tiningnan ni tita.

"Naku Maxwell ihatid mo na si Angelica. Baka lalo pang sumama ang pakiramdam nito. Uminom ka kaagad ng gamot hija pagdating mo sa bahay nyo!" Hinawakan nya ang kamay ko.

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now