"Salamat Mich bait mo talaga. Hahaha sige bye". Kausap nya si Mich isa rin sa scholar at kaklase nya.

"Tara hatid na kita. Pakuha na lang natin kotse mo mamaya sa driver nyo". Nkasmile nyang sabi at inakay ako palabas ng room.

"Baka napipilitan ka lang. Wag na baka may gagawin ka pang importante". Pakipot ko pa sa kanya. Feel ko mag inarte ngayon.

"Hay naku tigilan mo ako Angel! Syempre mas mahalaga ka sa kahit anong importanteng gagawin ko. Ok?".

"I know right" maarte kong sagot at kumapit sa braso nya.

"Yung bag mo pala?"

"Hayaan mo na im sure dinala na ni Jessy yun".

Kotse nya ang gagamitin namin. Pinagbuksan nya ako. Gentleman talaga. :)

"Sure ka di magagalit daddy mo ha. Masakit pa ba ulo mo?". Malungkot nitong tanong.

"Masakit pa". I know masama magsinungaling pero its too late para bawiin.

_________________________

Pagkarating namin sa bahay pinapasok ko muna sya sa loob.

"Hey Max what are you doing here?" Bati ni kuya Alfonzo ng mkapasok kami. Hindi pa pala sya pumunta sa office.

"Ah hinatid ko lang si Angel bigla kasing sumakit ang ulo". Sumulyap naman si kuya sa akin na parang tinitingnan kung nagsasabi ako ng totoo. Tssss!

"Ah ganun ba. Well Angelica uminom ka kaagad ng gamot at magpahinga". Sabi ni kuya sa akin at tumingin sya kay Maxwell. "Sige Max una na ako sa inyo". Paalam nito kay Maxwell at ngumiti ng tipid.

Close ang mga kapatid ko kay Maxwell lalong lalo na sina kuya Rafael at Lorenzo. I really don't know what really happen basta one day nakita ko nalang sila na naglalaro sa labas ng mansion noong nasa province pa kami para magbakasyon.

Nabigla ako ng makita ko sya noon at alam ko ganun rin ang reaksyon nito. Nalaman rin nya na kapatid ko ang apat na itlog. Ang sabi nila nagkakilala silang apat sa hacienda habang sumasama kina daddy at lolo.

"Angel tara hatid na kita sa room mo para maka pagpahinga ka na. Ako nalang kukuha ng meds kay Manang". Sabi ni Max.

"Ahmmmm sige". Nauna na akong pumanhik at sumunod sya sa akin.

Nasa tapat na kami ng room ko "kunin ko lang ang gamot pumasok ka na". Bumaba na naman ito. Bless talaga ako kay Maxwell sobrang maalaga. Hindi ako nagsisisi na sya ang napili ko para mahalin.

"Maxwell". Bulong ko sa hangin at humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Angel heto na uminom ka muna ng gamot". Hinayaan ko lang syang magsalita. Nakapikit pa rin ako. Gusto kong madaman ang pag -aalala nya sa akin.

"Angel? Hayy nakatulog na ata. Sobra sigurong sakit ng ulo". Sabi nito na kausap ang sarili..I want to smile pero pinigil ko.

Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. Hinawakan nya ang aking noo at hinilot ng marahan.

Maxwell!

"My Angel". Narinig kong bulong nito. I want to open my eyes kaya lang baka masira ang moment. I always dream of her touching me.

Nadama ko ang mainiti nitong hininga sa aking mukha. Wait? Bigla akong naalarma. Teka magkalapit na ba ang mukha namin? Gosh! Is she going to kiss me?

Pigil ko ang hininga baka mahalata nyang gising talaga ako. My god!

Shock kong iminulat ang mata ko ng maramdaman ko ang mainit at malambot nitong labi. Magkadikit ang mga labi namin. Nakapikit si Max na parang dinadaman ang sandali.

Gumalaw ang mga labi nito, pumikit na rin ako dahil nadadala na talaga ako sa matamis nitong halik.

Shit Maxwell you always make me weak!

"Aaahmmm". I moan..Wtf! Nasa batok na pala nito ang mga kamay ko.

Di parin tumitigil si Max sa paghalik sa akin. She holds my waist at lalong diniinan ang halik nito. Biglang uminit ang pakiramdam ko ng pinisil ni Max ang balakang ko.

Max!

"Max!" Tawag ko sa kanya ng iwan nya ang labi ko. Bigla naman itong natauhan at tumayo.

"I-i- im sorry Angel. I did'nt mean it". Napa facepalm ito na parang nahihiya sa nangyari. Ayaw nya ba? Hindi naman ako galit eh.

"No no no. Hindi ako galit nabigla lang ako Max". Bumangon na rin ako at hinarap sya. Umiwas sya ng tingin na parang takot na takot.

"Ahmmmm i think you should rest. Alis na ako may klase pa akong hahabulin". Dali dali naman itong umalis. Iniwan na nya ako!

Nanghihina ang mga tuhod ko, umupo ako sa gilid ng kama. Fuck! What to do.

Hirap na hirap na ako. Kung pwedi lang hilahin ko ang buwan at araw para birthday ko na. Gusto ko ng maging 18. Desperado na talaga ako! 5 months pa ang dapat kong tiisin. Damn!

Hindi naman talaga masakit ang ulo ko kanina pero ngayon sobrang sakit na. Karma talaga! Ininom ko ang gamot at natulog muna.




☆★☆★☆★☆★☆★☆

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon