"Stop judging me!" Sigaw ni Lanz tsaka lumayas.

Grabe noh? Parang kahapon lang, secret crush palang ni Alex si Lanz, at si Lanz may girlfriend na pooritang gold digger. Tapos parang five minutes ago, bumalik si Josh at inagaw si Alex. Tapos parang ten seconds ago nagkabalikan silang dalawa. Ang bilis lang talaga ng panahon eh noh? Andaming nagbago. But looking back on what happened to them, tatawanan mo nalang yun.

Pero, sabi nga nila, time flies when you're having fun.

"Xavier, utang na loob tigilan mo na yang kakaselfie mo sa cellphone ko! Pag yan nagka-virus, piprituhin kita ng buhay!" Sita ni Shaem sabay agaw ng cellphone nya mula kay Xavier.

"Ba't ba ang kj mo? Ayaw mo nun, ikaw lang ang kaisa-isang babae na napalad na magkaroon ng sandamakmak na pictures ko sa cellphone nya. You should be thankful." sagot ni Xavier tapos salamin naman ang napagdiskitahan.

Inagaw iyon ni Shaem mula sa kanya, "Nakakasawa na." Emotionless na saad nya.

"Tsk. Kainis." Mahinang saad ni Xave pero masyadong malakas pa para marinig ni Shaem.

"Ah ganun?! O ayan! Saksak mo sa baga mo! Punyeta." Sigaw ni Shaem tsaka sinampal kay Xave ang salamin at cellphone nya.

Tumingin ng masama si Xave sa repleksyon nya sa salamin habang nagasasalita ng kung anong lenggwahe na hindi ko maintindihan. Tsaka nadako ang paningin nya sakin.

"Judgemental!" Sigaw nya tsaka umalis.

Grabe rin tong dalawang to oh. Grabe lang na nakayang i-forgive ni Xave si Shaem despite sa ginawa nito sa kanya.

Kahit na sabihing walang nangyari kina Shaem at Lanz, iba parin syempre yung thought na muntik nang may mangyari sa pagitan ng bestfriend mo at girlfriend mo.

Pero, sabi nga nila, forgive and forget.

"Skye ko, sorry na kasi." Pacut na sabi ni Toffer habang sinusundan si Skye.

"Sorry din." Sagot ni Skye tsaka niyakap si Toffer.

"Lex, eto na pagkain mo oh. Sorry na please." Sabi ni Lanz na may bitbit na dalawang plastic ng pagkain.

"Okay. Sorry din ah?" Sagot ni Alex tsaka sabay silang kumain ni Lanz.

"Shaem babes ko, sorry na okay?" Sabi ni Xavier habang nakaluhod sa harap ni Shaem.

"Sorry din, napag-initan kita." Sagot ni Shaem tsaka sya hinalikan ni Xavier sa noo.

Haay nako. Ang lalaswa ng mga kaibigan ko! Lakas ng loob na maglandian sa bahay ko! Not to mention, sa harap ko pa!

Mga walang galang--

"Aray!" Sigaw ko sabay sabunot kay Ken. Ikaw ba naman kagatin bigla diba?!

"Aray! Sorry na! Sorry na!!" Sigaw nya habang pilit na kinakalas ang hawak ko sa buhok nya. Tinulak ko sya pahiga sa sofa tsaka ako pumaibabaw sa kanya at hinampas hampas sya habang nakaharang naman ang mga kamay nya sa mukha nya.

"Ice ko! Suko na ako! Suko na akoooo!" Sigaw nya habang pilit paring tinatakpan ang mukha nya.

Nahuli nya ang dalawang kamay ko and next thing I know, sya na ang nakapaibabaw sakin.

"Geh, alis na kami." rinig kong sabi ni Xavier tsaka sila umalis kaya naiwan kaming dalawa ni Ken sa awkward na posisyon na to.

Pagkasara na pagkasara ng pinto, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Ken at agad akong hinalikan. Sinabayan ko ang galaw ng mga labi nya at nilalasap ko lang ang bawat segundo ng heaven na to.

Wala talaga sa plano ko dati na jowahin si Ken. Bestfriend ko sya eh. Parang kuya ang paningin ko sa kanya dati. Sya kasi ang sandalan ko, sya ang tagapagtanggol ko. Dati sinabi ko pa na si Ken ang magiging best man ko sa kasal ko. Di ko inexpect na sya pala ang pakakasalan ko.

"Grabe Ice ko, namiss kita, sobra." Sabi nya nung humiwalay sya sakin para habulin ang hininga.

"Namiss din naman kita eh." Sabi ko tsaka ko sya tinulak, "Habulin mo ako!"

"Ah ganun ah?!" Sabi nya tsaka kami naghabulan sa sala. Tawa lang kami ng tawa na parang mga tanga. Ang simple lang ng moment pero napakahalaga nito sakin. Ngayon, parang kaming dalawa lang ni Ken ang natitirang tao sa mundo at wala kaming kaproble-problema.

Lahat ng pinagdaanan namin, all of that is now in the past, ang mahalaga magkasama kami ngayon at masaya.

"Huli ka!" Nahuli nya ako at niyakap mula sa likod habang tawa parin kami ng tawa.

"I love you Ice ko."

"I love you too Ken ko."

Pero, sabi nga nila, may forever.

Proving ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon