#TheSurprise

444 12 6

Alex.

"Tanong ko lang, ano ang score mo sa Hidden Identities?" Tanong ni Ash sakin.

Nagtataka man, sinagot ko parin ang tanong nya, "99, deserve naman nila diba? Malinis ang pagkakakanta ni Cris, flawless ang pagtugtog nina Vee, Aj at.." sandali akong napatigil, "Josh."

"Okay, eh ang sa Playmates?" Tanong nya ulit.

"80." Sagot ko naman.

"Binigyan mo ng 99 ang banda na isa lang ang kakilala mo, samantalang 80 sa mga taong naging kaibigan mo, at boyfriend mo pa ang isa!" sabi nya.

"It's nothing personal, ikaw na mismo nagsabi na walang kai-kaibigan dito. Maraming flats si Ken at may mga mali naman sina Toffer, Xavier at Lanz, let's admit it, they deserve it." Sagot ko naman.

"Excuse me, pero that was by far the most amazing performance of Playmates!" Sabi naman ni Skye.

"Yeah. Hindi dahil sa mga boyfriend namin sila kaya namin sila binigyan ng mataas na score, kundi dahil sa sila ang pinaka the best dun. Kahit tanungin mo pa ang mga tao dun." Sabi naman ni Shaem.

Ah so ngayon pinagtutulungan naman nila ako?

"You know what, Alex," paguumpisa ni Ash, "Screw you and your fucked up way of thinking." Tapos nag-walk out sya.

"Oh my gosh, she's being a bitch!" Hindi makapaniwalang saad ko.

Medyo matagal narin kaming magkaibigan ni Ash at masasabi ko na may mga moments talaga na sariling opinyon nya lang ang mahalaga para sa kanya, and this situation right here, is one of them.

"How could you say that?!" Tanong ni Skye.

"Well I'm sorry for stating the obvious!" Sagot ko naman.

"Tama na nga yan!" Sigaw ni Shaem samin at napatigil naman kami nang biglang may magsalita sa speaker.

"Attention, attention people."

Teka, boses yun ni Josh, ah?

"Hi, ako nga pala si Joselito Dimakutak. Alam ko ang panghi ng pangalan ko, kaya Josh nalang. I'm just an ordinary guy, living an ordinary life in this ordinary world. Until she came and made my world extra-ordinary." Sabi nya.

"Just for the record, nagawa na ni Toffer sakin dati yan." Sabi ni Skye at sinamaan ko naman sya ng tingin na sinasabing, 'shut up!'

"Nagkakilala kami nang dahil sa mapanghing pangalan ko. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko dahil dun at sya ang naging knight in shining skirt ko, pinagtanggol nya ako sa mga kaklase ko at for once nagpasalamat ako sa pangalan ko. Kasi naman, kung ordinaryo lang ang pangalan ko, hindi ako pagtatawanan at hindi nya ako ipagtatanggol, kaya hindi kami magkakakilala, diba?" Sabi nya.

"Pero lahat ng love story may kontrabida, para samin mga sariling magulang pa namin. For an unknown reason, magkaaway ang mga magulang namin at pinaghiwalay nila kaming dalawa. Fast forward, two years later, bumalik ako, inhopes that I could win back my girl and spend the rest of my life with her."

"Alexandria James Ledona, if you're hearing this, please come here to the music hall, like right now."

Hindi na ako nag-aksaya ng kahit isang segundo, agad akong tumakbo palabas ng building at papunta sa music hall, sina Skye at Shaem ay sinusundan ako.

In this past few months, na-realize ko na mahal ko parin talaga si Josh. Minahal ko naman si Lanz pero mas mahal ko lang kasi talaga si Josh eh, at ngayon naniniwala na ako sa kasabihang, "First love never dies."

Nang makarating ako sa music hall ay puno ito ng pink and white rose petals tapos may stage sa gitna na nadecorate ng sandamakmak na roses at heart balloons. Nakatayo si Josh sa gitna ng stage habang may hawak na microphone at ang isang kamay nya ay nasa likod nya.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!