#OnTheInside

370 10 1

Ash.

"Sigurado ka susunduin ka nya?" Tanong ni Cris.

"Oo naman. Mauna ka na kasi." Sabi ko sa kanya.

"Sigurado kang okay ka lang dito?" Tanong nya ulet.

"Oo, sigurado ako, sige na, go! Shoo!" Pabirong pagtataboy ko sa kanya.

"Geh." Sabi nya at umalis na.

Tsk. Umalis nga ang ugok.

30 minutes later, wala parin si Ken. Panay ang tingin ko sa cellphone ko baka mag-text sya pero wala. Tinatawagan ko rin sya pero unattended ang cellphone nya. Nasaan na ba yung lalaking yun?!

One hour later, napagdesisyonan ko na umuwi nalang mag-isa kasi nilalamok na ang beauty ko. Makakatikim talaga sakin yung walang hiyang yun.

Pagdating ko sa building namin ay dumiretso agad ako sa unit nya at pinaghahampas ko ang pinto nya.

"Hoy, Alexander Ken Billiones, lumabas ka dyan!" Sigaw ko. Hindi nga ako sure kung nandito sya pero it's worth a try.

"Pag hindi mo binuksan to pagbilang ko ng tatlo, malilintikan ka talaga sakin!" Sigaw ko habang hampas parin ng hampas sa pinto nya.

Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang galit na mukha ni Toffer. Bago pa man ako magsalita ay inunahan nya na ako.

"Ang lakas rin ng loob mong magpakita dito noh?" Sabi nya.

"Anong problema mo? Time of the month mo noh?" Tanong ko sa kanya, "Nasaan si Ken?"

"Ano bang paki mo sa kanya? Diba, nagkabalikan na kayo ni Cris mo? Grabe ka kung makapagsalita kay Alex pero ganun ka rin pala. Hindi kayo makuntento sa isa, ang lalandi nyo." Sabi nya bago pa man ako makapag-react, biglang sumulpot si Skye at sinampal si Toffer.

"Wala kang karapatan na pagsalitaan sya ng ganyan! Ni hindi mo nga alam ang buong storya eh!" bulyaw ni Skye sa kanya tapos lumapit sya sakin at hinila ako paalis.

"Ah ganun?! Sa kanya ka pa kumakampi, eh sya nga tong ginago ang kaibigan ko eh!" sigaw ni Toffer pero hindi lang sya pinansin ni Skye at pinasok nalang ako sa unit ko.

Isang malakas na kalabog na dulot ng padabog na pagsara ni Toffer ng pintuan ang gumising sakin sa reyalidad.

"Skye, hindi ko maintindihan, bakit nagkaganun si Toffer? Anong nangyari?" Tanong ko kay Skye. Gulong-gulo ako. Feeling ko bigla nalang akong binombahan ng isang libong calculus at trigonometry na problem solving.

"Totoo bang nagkabalikan na kayo ni Cris?" Tanong nya lang sakin.

"Hindi! I mean, oo na hindi!" Sabi ko.

"Ash, ang gulo mo, para kang calculus at trigonometry na problem solving!" Sabi nya. Yan din ang sinabi ko kanina diba?!

Umupo kaming dalawa sa sofa at pinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng nangyari sakin ngayong araw, simula nung nagising ako dahil sa nakakainis kong alarm clock hanggang sa pagkagat ng lamok sakin sa school na nag-udyok sakin na umuwi.

"Na-overheard nya na sabi daw ni Cris, paano na sya, sigurado daw magagalit sya tapos sabi mo raw, sabihin sa kanya ang totoo na okay na kayo ni Cris at maiintindihan naman yun ni Ken." Sabi ni Skye.

"He misinterpreted everything!" Napasabunot ako sa buhok ko.

"Iyak sya ng iyak dun at sa tingin ko, mas makakabuti kung hayaan mo muna sya kasi kung pupuntahan mo sya ngayon, hindi ka lang nun pakikinggan at masasaktan ka lang." Sabi nya.

Tama sya. Masyadong magulo pa ngayon at siguradong hindi nya man lang ako bibigyan ng chance na makapag-salita at i-explain ang sarili ko.

Napa-buntong hininga nalang ako at napatingin kay Skye. Tapos may naalala ako bigla.

"Sorry nga pala, nang dahil sakin nag-away kayo ni Toffer." Sabi ko at sya naman ang napabuntong hininga ngayon.

"Hayaan mo sya. Siguro stressed out lang sya masyado sa mga nangyayari. Kahit ako nga rin eh. Kasi naman sina Lanz at Alex, tapos sina Xavier at Shaem, tapos ngayon, kayo naman ni Ken." Sabi nya.

"Tapos ngayon, pati kayo ni Toffer." Dagdag ko at sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Kung bakit kasi nagkaganito pa ang lahat." Sabi ko naman at sabay kaming napabuntong hininga.

Tingin ko, malapit na akong maubusan ng buhok ng dahil sa stress na dulot ng mga kaganapan ngayon. Daig pa namin ang MMK sa drama.

Speaking of, isulat ko kaya to at ipadala kay Charo? Malay mo diba, maging sikat ang istorya namin. Si Liza Soberano ang gaganap sakin tapos si Enrique Gil naman si Ken. Tapos si Skye si Nadine Lustre at si Toffer si James Reid. Si Kathryn Bernardo si Shaem at si Daniel Padilla si Xavier. Tapos Julia Montes si Alex at si... sino ba ang partner ni Julia? Si Coco Martin? O yung sa Doble Kara na si Sam Milby? Si Coco nalang si Lanz.

Kumuha ako ng papel at ballpen mula sa bag ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Skye.

"Ipapadala ko sa MMK ang istorya natin, LizQuen kami ni Ken, JaDine kayo ni Toffer, KathNiel sina Shaem at Xavier, JuCo naman sina Alex at Lanz." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ay bet ko na JaDine kami!" Sabi ni Skye na pumapalakpak pa, "Pero ano ang JuCo?"

"Julia, Coco, JuCo." Sagot ko lang at napatawa naman si Skye.

Masaya ako na napapatawa ko sya, pero deep inside, ang sakit sakit na ng puso ko, I think I'm going to explode.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!