#TheOneInTheOtherCar

399 15 1

Skye.

Ilang oras pagkatapos umuwi sina Alex at Josh ay may tumawag sakin at sinasabi na na-aksidente daw sina Alex at Josh at nasa isang ospital na medyo malapit sa kanila ni Ash daw sila.

Kasama ko si Toffer na pumunta dun, nang papunta kami sa kwarto ni Alex ay nakasalubong namin si tita Pearl, ang mama ni Lanz, tinanong namin sya kung anong ginagawa nya dun, at sinabi nya na naaksidente daw si Lanz at nasa E.R. sya ngayon. Nung pauwi na daw si Lanz, tumawag sya sa mama nya at sinabing babalik muna sya kina Ash kasi naiwan ang wallet nya.

Pagkatapos nun ay hinayaan na namin syang umalis at sabi namin ay pupuntahan nalang namin sya mamaya kasi may pupuntahan pa kami.

Pumunta kami kay Alex at nang dumating si Josh kasama si Vee, at sinabi nya na may nakabanggaan daw silang kotse, alam kong si Lanz na yun.

"Nasaan sya ngayon?" Tanong ni Alex nang matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari.

"Nasa E.R. daw sya sabi ni tita." Sagot ko, umalis naman kaming lima at pumunta sa E.R.

Saktong kakaalis lang din ng doktor nang dumating kami sa E.R.. Nilapitan ni Alex si tita Pearl.

"Tita." Tawag nya dito.

"Alex." Sabi ni tita tapos niyakap si Alex habang umiiyak sya. Humiwalay sila at nakita ni tita ang suot ni Alex na hospital gown.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni tita.

"Naaksidente po kami, at tingin ko po kami ang nagkabanggan ni Lanz, kamusta na po sya?" Tanong ni Alex.

"Naku, okay ka lang ba?" Tanong ni tita.

"Opo, okay lang po ako." Sagot naman ni Alex.

"Si Lanz," sabi ni tita, "Maraming dugo ang nawala sa kanya at kailangan nyang masalinan ng dugo, AB pa naman ang blood type nya, hindi rin naman ako makapag-donate kasi anemic ako." Malungkot na saad ni tita.

"AB po ang blood type ko, ako nalang po ang magdo-donate." Sabi naman ni Josh.

Dahil wala na ngang choice, si Josh na nga ang naging blood donor ni Lanz, pero patuloy paring inooperahan si Lanz dahil sa mga sugat nya.

"Salamat talaga, iho." Sabi ni tita kay Josh.

"Walang anuman po." Sagot naman ni Josh.

Bumalik kami sa kwarto ni Alex at nang okay na at mukhang wala nang problema, bumalik na kami nina Toffer at Vee sa bahay nina Ash.

Haay, hindi parin ako maka-get over na wala na sya.

May ilaw na nang makarating kami sa bahay nila at konti nalang ang natitirang mga tao dito sa sala, natulog na siguro ang iba, gabi narin kasi. Lumapit kami kina Xavier na naka-upo sa tabi ng natutulog na si Ken.

Tinignan ko si Ken, natutulog sya pero ang lungkot parin ng itsura nya. Nakakaawa talaga sya.

"Kamusta na sila?" Tanong ni Xavier.

"Okay na sina Alex at Josh, konting gasgas lang at fracture, si Lanz pala ang nakabanggaan nila." Sabi ni Toffer.

"Si Lanz? Paanong naging si Lanz?" Tanong ni Shaem.

"Bumalik daw kasi si Lanz kasi naiwan ang wallet nya, kaya ayun, nagkasalpukan." Sagot ko naman.

"Grabe talaga tong nangyayari satin, una nawala si Ash tapos ngayon naaksidente naman sina Alex at Lanz." Sabi ni Shaem, "Kamusta na nga pala si Lanz?"

"Kinailangan nyang salinan ng dugo at si Josh ang naging donor, sa ngayon ino-operahan sya pero mukhang magiging maayos naman na ang kalagayan nya." Sagot ni Toffer.

"Mabuti naman kung ganon." Sabi ni Shaem.

Pagkatapos nun, naging tahimik na ang lahat. Napatingin ako sa picture ni Ash na nasa harap ng parang lalagyan ng abo nya.

Haay. Parang nung isang araw lang, nagkakilala palang kami dahil sa Clash of Clans, tapos ngayon wala na sya.

Nagising na si Ken. Ang dali dali lang ng tulog nya. Haay kawawa talaga sya.

"Ken, mom wants to talk to you." Napatingin ako sa nagsalita at halos atakihin ako sa puso nang makita ko kung sino.

Tumango si Ken tapos umalis na. Napatingin yung tumawag kay Ken saming lahat na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Except kay Cris na baka kilala nya na to, at kina Vee at Aj na walang ideya kung anong nangyayari.

Si Xavier ang unang gumawa ng katangahan.

Tumayo sya habang hindi parin makapaniwalang tinitignan yung tao, tapos sinundot nya yung pisngi nung tao.

"Ah, the weird one, you must be Xavier?" Sabi nung tao at mas lalo namang nanlaki ang mga mata ni Xavier. Napatingin yung tao kay Toffer.

"You're the one with the expressionless eyes, Toffer, right?" Tapis tinuro nya si Shaem, "The flat chested one, Shaem, and the one with a round face, Skye."

OMG. Kilala nya kami?

"My sister told me a lot about you guys, she even wanted me to meet you guys this coming christmas when I was supposed to come here to clebrate with them because you guys didn't believe that she has a twin brother and thought that all our pictures were edited." Sabi nya tapos napatawa ng konti tapos napatingin sa picture ni Ash, "But I guess she can't introduce you guys to me anymore."

Wtf? Akala ko talaga niloloko lang kami nina Ken nang sinabi ni Ash na may kambal sya.

"By the way, she might have already told you about me but I wanted to properly introduce myself," sabi nya, "I'm Asher Fire Gil, Ashecka's twin brother."

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!