#Who'sFault?

412 13 0

Shaem.

Kasabay ng pag-alis ni Xavier ay ang tuluyang pagkawasak ng puso ko.

"Serves you right, bitch." Sabi naman ni Ash tapos umalis na sila ni Ken, Skye, at Toffer.

Naiwan kaming dalawa ni Lanz dito.

Ang tanga tanga ko! Tama nga si Ash eh, tama lang sakin tong nangyaring to! Fuck, Shaem! Ang tanga tanga mo! Ang bobo bobo mo!

Pero wala namang nangyari eh! I swear!

"Aaahh.." hindi ko mapigilang hindi mapaungol dahil sa ginagawa nyang paglaro sa mga dibdib ko.

Pero gusto kong ako ang nasa itaas. Gusto ko ako ang dominant.

Pinagpalit ko ang pwesto naming dalawa, tsaka ko sya hinalikan. Nung una, hinahalikan nya rin ako pabalik, pero humiwalay ako nung tumigil sya. Nakatulog na pala ang gago. Tsk.

Hindi ko namalayan bumagsak narin pala ako sa ibabaw nya at nakatulog.

"Shaem, I'm sorry." Sabi ni Lanz habang pinapahiran ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata nya, "Kasalanan ko kung bakit kayo nagkahiwalay ni Xavier."

"Hindi, Lanz. Kasalanan ko rin naman eh." Sabi ko sa kanya.

"Ang gago gago ko kasi eh. Dinamay pa kita sa kagaguhan ko. Wala talaga akong kwenta." iyak nya habang sinasabunutan ang sarili. Nilapitan ko naman sya at niyakap.

"Wag ka ngang ganyan, Lanz. Wala namang may gusto na mangyari satin to eh." Sabi ko.

Isa lang naman ang ugat ng lahat ng to eh. Tsk.

Nung kumalma na si Lanz, umalis na ako at umuwi muna sa bahay para maligo at magbihis, tsaka ako pumunta sa bahay ni Xavier.

"Tao po?" Sabi ko habang kumakatok at pinagbuksan naman ako ng papa nya.

"Oh Shaem, napa-daan ka?" Tanong ng papa nya, "Pasok ka."

Pumasok naman ako, "Si Xavier po?" Tanong ko.

"Naku, si Xavier? Maaga pa yun umalis kanina eh." Sabi naman ng mama nya na kakalabas lang mula sa kusina.

"Ganun po ba? Sige po, hanapin ko nalang po sya. Salamat po." Sabi ko at umalis na.

Saan naman kaya nagpunta yung taong yun?

Sunod naman akong pumunta sa kanila ni Ken, habang naglalakad ako papunta dun, nakasalubong ko si Ash na may dalang plastic na puro tissue ang laman.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Si Xavier ba nandun kina Ken?" Tanong ko.

"Wala." Sagot nya tapos tinalikuran ako at nagsimula nang maglakad paalis, pero pinigilan ko sya.

"Ash naman, tulungan mo naman ako dito oh. Hindi ko naman yun sinasadya eh." Nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

"Shaem, I'm sorry pero mas makakabuti sa ngayon kung hindi muna kayo magkita ni Xavier." Sabi nya tapos tuluyan nang umalis.

Hindi ko na sya pinigilan, hinayaan ko nalang sya habang patuloy lang akong umiiyak na parang tanga.

At least alam ko na nasa mabuting kalagayan si Xavier.

Pinahiran ko ang luha ko at umalis na ako mula sa lugar na yun, tsaka ako pumunta sa malapit na Jollibee, nagugutom na ako. Wala pang laman ang tiyan ko.

Nag-order na ako at nag-hanap ng mauupuan nang may mahagip ang paningin ko.

Sina Josh at Alex na masayang kumakain at nagtatawanan.

Napaka-selfish nya. Habang sya nagpapakasaya, tatlong tao na ang nadurog nya.

Kasalanan nya tong lahat eh. Kung sana hindi nya hiniwalayan si Lanz para sa Josh na yan, edi sana hindi uminom si Lanz, hindi ko sya nakita nung gabing yun, at hindi magkaka-letse letse ang relasyon namin ni Xavier.

Sa sobrang galit ay nabitawan ko ang tray na hinahawakan ko.

"Shaem?" Rinig kong boses ni Skye na tumawag sakin mula sa likod, pero hindi ko sya pinansin at sa halip ay sinugod ko si Alex.

Josh.

"Ang kulet mo talaga!" Sabi ni Alex habang tumatawa.

Ang saya saya ko na nagkabalikan na kami ulet ni Alex. Mahal na mahal ko talaga sya. Pero minsan napapaisip parin ako kay Lanz. Alam ko ang sama ko dahil bigla nalang akong bumalik dito at inagaw si Alex mula sa kanya. Pero masisisi nyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Tsaka, hindi ko rin naman pinilit o pinuwersa si Alex na makipagbalikan sakin, kusa naman syang pumayag na maging akin ulet.

"Kasalanan mo to!"

Nagulat kami nang bigla nalang may sumigaw sabay ng pagsampal nya kay Alex.

Si Shaem pala. May lumapit naman agad sa kanya at pinigilan sya, sina Skye at Toffer. Nilapitan ko naman si Alex.

"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya, tumango naman sya at bumaling kay Shaem.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw nya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Kasalanan mo tong lahat eh! Napaka-makasarili mo kasi! Wala kang kwenta! Nagsisisi ako na nakilala pa kita!" Sigaw ni Shaem sa kanya.

"Maam, nakaka-abala na po kayo sa iba." Sabi ng guard.

"Sorry po, kuya. Ilalabas na po namin sya." Sabi ni Skye tapos tinanguan nya si Toffer. Binuhat naman agad ni Toffer si Shaem palabas.

"Kasalanan mo tong lahat!" Sigaw nya habang nagpupumiglas kay Toffer.

Napaupo si Alex nang tuluyan nang makalabas sina Shaem.

Tumabi naman ako sa kanya at inakbayan sya, "May nagawa ka ba sa kanya? Bakit ka nya sinisisi?"

"Ewan ko." Sagot nya habang umiiyak.

Hinagod hagod ko naman ang likod nya habang pilit syang pinapatahan.

"Kasalanan ko tong lahat, Alex eh. Kung sana hindi nalang ako bumalik, edi sana wala kayong problema." Sabi ko, hinarap nya naman ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Hindi, hindi mo kasalanan, okay? Desisyon ko na bumalik sayo. Hayaan mo lang sila, maiintindihan din nila yan." Sabi nya.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!