#TerrifyingExperience

424 18 8

Ken.

Ilang araw ang lumipas pagkatapos naming ihatid si Ice sa huling hantungan, medyo naging okay na ako. Miss na miss ko parin si Ice at malungkot parin ako sa pagkawala nya, pero wala narin naman akong magagawa kundi tanggapin iyon.

"Hahaha wtf dude?!" Sigaw ni Xavier tapos binato ng unan si Vee. Nandito kami ngayon sa unit ko. Kumpleto kami nina Xavier, Lanz, Toffer, Skye, Shaem at Alex tsaka ang mga bagong sumali sa barkada na sina Vee, Aj at Cris.

Okay naman na sina Vee at Xavier, pati sina Aj at Toffer. Wala na kaming mga gulo. Maayos na ang lahat.

"Sorry naman diba?" Sagot ni Vee tapos nagtawanan kaming lahat.

"Teka, teka guys, tahimik nga muna kayo." Biglang sabi ni Cris kaya napatahimik naman kaming lahat.

"Bakit? Anong meron, dude?" Tanong ni Toffer.

Sinenyasan lang sya ni Cris na tumahimik tapos biglang kumanta si Taylor Swift.

"I used to think one day, we'd tell the story of us

How we met and sparks flew instantly

And people would say, "They're the lucky ones"

I used to know my place was a spot next to you

Now I'm searching the room for an empty seat

Cause lately I don't even know what page you're on."

Tumayo si Cris tapos naglakad papalapit sa dingding na ang opposite ay ang unit ni Ice, tsaka nya nilapit ang tenga nya dun.

"Oh, a simple complication, miscommunication, lead to fall-out

So many things that I wish you knew

So many walls up I can't break through."

"Nanggagaling dito." Sabi ni Cris sabay tingin samin.

Nagsitayuan naman bigla ang mga balahibo ko. Sino naman ang matinong tao na pupunta sa unit ni Ice at magpapatunog ng Taylor Swift?

Impossible naman na si tita kasi sumama sya muna kay Asher na bumalik sa New York.

"Now I'm standing alone, in a crowded room

And we're not speaking

And I'm trying to know, is it killing you, like it's killing me, yeah?

I don't know what to say, since the twist of faith

When it all broke down, now the sort of us

Looks a lot like a tragedy now, next chapter."

"Shit. Minumulto ba tayo ni Ash?" Tanong ni Alex.

"Baka nagagalit sya kasi nagpapakasaya tayo nang wala sya?" Tanong naman ni Shaem.

"Hindi naman ganun si Ash." Sabi ni Lanz.

"Eh kung puntahan kaya natin at tignan?" Tanong ni Aj. Tumango kaming lahat at lumabas ng unit ko para pumunta sa unit ni Ice.

Mas malakas ang music nang nasa harap na kami ng pintuan nya. Kinuha ko ang spare key na binigay nya sakin at bubuksan sana ang pinto, pero nagulat ako nang bukas na ito.

Ice naman, oh. Mahal kita pero alam mo namang matatakutin ako sa multo.

"How'd we end up this way

Seeming nervously pulling at my clothes and trying to look busy

And you're doing your best to avoid me

I'm starting to think one day, I'll tell the story of us

How I was loosing my mind when I saw you here

But you held your pride, like you should've held me."

Bukas ang lahat ng ilaw nang pumasok kami sa unit ni Ice. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan namin ang paligid. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang amoy ng pagkain.

"Oh, I'm scared to see the ending

Why are we pretending, this is nothing

I'd tell you I miss you but I don't know how

I've never heard silence quite this loud."

"Wtf? Sino yung sumasabay sa kanta?" mahina na bulong ni Skye habang nakakapit kay Toffer.

May isang tinig nga na sumabay sa part na yun ng kanta, mukhang nanggagaling sa kusina.

Lumapit ako sa component at pinatay ang music.

"Wtf?" Rinig kong may nagsabi, tapos bigla nalang namatay ang mga ilaw at isang nakakabinging sigaw ang narinig namin.

Tumakbo kami palabas sa hallway tapos ilang sandali pa ay bumalik na ang mga ilaw, nag-brown out pala at ngayon generator na ang gamit.

"Sino yung sumigaw?" Tanong ko sa mga babae, sigaw babae kasi yun kanina eh.

Sabay naman na umiling sina Shaem, Skye at Alex.

"Baka nagalit si Ash kasi pinatay mo yung music nya?" tanong ni Xavier.

Utang na loob naman, Ice oh! Muntik na akong maihi sa pantalon ko!

"Kailangan nating pumasok ulet, baka may tao lang sa loob." sabi ni Cris at tumango naman kami tsaka kami muling pumasok sa unit nya.

Biglang sumara ang pinto ng malakas, kaya nagulat kaming lahat.

"Shit sorry." Sabi ni Xavier na sya palang sumara ng pinto, "Nadulas bigla eh."

"May tao ba dito?" Lakas loob na tanong ni Toffer. Gago. Anong tingin nya samin, alien?

Halos himatayin na ako sa takot nang may biglang lumabas mula sa kusina. Isang babae na may dalang kutsilyo.

Nakatingin sya samin habang nakatayo sya sa pinto ng kusina. Ilang lakad lang ang layo nya mula samin.

Si Ice.

"Hindi lang ako ang nakakakita nito, diba?" Takot na takot na tanong ko sa kanila.

Oo, masaya akong nakita ko ulet si Ice pero, patay na sya eh! Tapos mukhang may balak pa syang isunod kami sa kanya.

"Aaaaahhhhh!" Sigawan kaming lahat at nagsitakbuhan kami papunta sa pintuan, pero fuck! Yung pinto ayaw bumukas!

Dahan dahang lumapit si Ice samin habang sigaw lang kami ng sigaw. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha nya, parang nagtataka sya na nakakunot ang noo nya na ewan.

"Ice ko naman, wag ka namang ganyan oh!" Sabi ko sa kanya. Nag-iiyakan na sina Skye, Shaem at Alex habang ako, malapit na malapit nang maihi sa pantalon ko nang dahil sa takot.

Napatigil ang lahat nang dahil sa sunod na nangyari.

Nadulas ang multo ni Ice sa isang lapis na pakalat kalat.

Gusto kong matawa, puta. Pero mas nananaig ang takot sakin.

Tumayo ang multo ni Ice at hinimas himas ang pwet nya habang hindi madrawing ang mukha nya ng dahil sa sakit.

Nasasaktan pala ang mga multo?

"Hoy! Ano bang mga problema nyo?!"

OH AYAN NA OH! hahaha xD Wag kayong ano guys, anti-KaiStal kaya ako. HYOKAI 4lyf!!!!! Hahaaha

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!