#BecauseOfYou

2.2K 70 5

Third person.

Flashback

"Keeeeeeeennnnnnn!!!!" Sigaw ng batang babae habang tumatakbo papalapit sa isang batang lalake at niyakap nya ito.

"Saan ka ba nanggali---" nanlaki ang mga mata ng batang babae nang makita nya na hindi pala si Ken ang batang lalake na niyakap nya.

"Uh-oh." Sabi ng batang si Ash at tumakbo palayo habang nakatakip ang mga kamay nya sa kanyang mukha ng dahil sa hiya.

Dahil nga sa nakatakip ang kanyang mga kamay sa mukha nya ay hindi nya nakita na may poste na pala sa harap nya. Sumigaw pa ang batang lalake para balaan sya pero huli na ang lahat at bumangga na sya sa poste at natumba na sya.

Tumakbo ang batang lalake papunta kay Ash.

"Bata, okay ka lang?" Tanong ng batang lalake habang tinutulungang tumayo si Ash.

"Ikaw kaya iuntog ko sa poste, magiging okay ka pa kaya?!" Mataray naman na sagot ni Ash.

"Nagtatanong lang eh." Sagot ng bata tapos napakamot nalang ng ulo. "Ako nga pala si Cris." Sabay abot ng kanyang kamay kay Ash.

"Ash." Simpleng sagot ni Ash tapos nakipagkamay kay Cris.

"Iccccceeeeeeee!!!!"

Napatingin silang dalawa sa sumigaw at nakita nila ang batang si Ken na papunta sa direksyon nila.

Nang makarating sya doon, agad nyang hinila papalayo si Ash kay Cris at tinignan ng matalim si Cris.

"Sino sya?" Supladong tanong ni Ken habang tinitignan si Cris mula ulo hanggang paa.

"Si Cris daw po, 'tay." Sagot naman ni Ash tapos nagpabalik balik ang tingin nya kina Ken at Cris, "Magkamukha kayo!"

"Tara na nga! Ang bata bata mo pa, ang harot mo na." Sabi lang ni Ken tapos nagsimula na silang maglakad paalis.

"Ikaw nga kanina, binigyan mo ng lollipop yung girl eh. Kaya mas maharot ka!" Sagot naman ni Ash.

Kinabukasan, habang naglalaro sa sala sina Ken at Ash ay sabay na lumabas ng kusina ang kanilang mga ina na magbest friends, na may bitbit na pagkain na nasa isang tupperware.

"Ma, saan nyo ibibigay yan?" Tanong ni Ash.

"Oo nga po, nandito po kami oh?" Sabi naman ni Ken.

"Meron pa dun sa ref kung gusto nyo. Pero para to sa mga bago nating kapitbahay." Sagot ng ina ni Ken.

"Gusto nyo bang sumama?" Tanong naman ng ina ni Ash at sabay na napatango ang dalawang bata.

*ding dong*

Bumukas ang pintuan at bumungad dun ang isang batang lalake.

"Nandyan ba mama mo, iho. Ibibigay sana namin to oh." Sabi ng ina ni Ken.

"Oy, ikaw yung si Cris ah?!" Sabi naman ni Ash.

"Mama, may bisita!!!" Sigaw ni Cris, "Pasok po kayo."

Pumasok sila tapos sinalubong sila ng ina ni Cris. Nagusap usap ang kanilang mga ina samantalang sina Ash, Ken at Cris naman ay naiwan na magkakasama.

"So kayo pala ang bagong lipat dito?" Tanong ni Ken.

"Ay hindi Ken, akyat bahay sila. Kaya nga dinalhan sila ng pagkain nina mama at tita para makapag-chill muna sila sandali habang hinihintay nila ang get away vehicle nila eh." Sarkastikong sagot ni Ash.

Napangiti si Cris kaya tinignan sya ng masama ni Ken.

"Subukan mong tumawa, tatahiin ko yang mga labi mo. Sige ka." Pagbabanta ni Ken kaya napatawa nalang si Ash at nagsitawanan narin silang dalawa.

At dun na nagsimula ang pagkakaroon nina Ash at Ken ng bagong kaibigan.

Parati silang magkakasamang tatlo na halos hindi mo na sila mapaghiwalay. Naging sandalan nila ang isa't isa sa lahat ng panahon hanggang sa tumungtong sila ng highschool.

"Ash, alam kong pwedeng masira ang pagkakaibigan natin nang dahil sa sasabihin kong ito pero hindi ko na kasi kaya eh. Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko para sa iyo." Sabi ni Cris.

"Naka-drugs ka ba, Cris?" Sabi lang ni Ash na hindi inaalis ang tingin nya sa librong binabasa.

"Seryoso ako Ash." Sagot naman ni Cris.

"Oh my gad!" Biglang napasigaw si Ash.

"Hoy Ashecka Ice Gil, kahit ganito ako, nagseseryoso din ako no--"

Hindi pinatapos ni Ash si Cris, "Hoy Crisostomo Bilangsuli, hindi ikaw. Yung bida kasi sa librong binabasa ko nasagasaan. Feeler much?"

"Sabi nang wag mong sabihin ang buong pangalan ko at nababadtrip ako eh. Sa gwapo kong toh, ang panghi ng pangalan ko." Sabi lang ni Cris.

"Ikaw kaya nagsimula. Tsk. Oh sya, ano na nga yung kadramahang pinagsasabi mo?" Sabi ni Ash tapos bumalik sa pagbabasa nya ng libro.

"Yun nga sabi ko nga, minsan nagseselos talaga ako sa inyo ni Ken eh." Sabi ni Cris.

"Bakit naman?" Tanong ni Ash na di parin inaalis ang tingin nya sa libro.

"Eh kasi mas close kayo eh. Nakakainis lang kasi hindi ka naman nya gusto, bakit mas close kayo? Dapat tayo ang mas close kasi gusto kita eh." Sabi ni Cris.

Napatingin nalang bigla si Ash sa kanya nang nanlalaki ang mga mata.

Simula nun, nanligaw na si Cris kay Ash at naging magka-MU sila. Pero di nila alam na may haharang pala sa kanilang dalawa.

"Eh g*go ka pala eh! Ganun nalang yun?! Iiwan mo nalang sya?! Walang hiya ka pala eh!" Sigaw ni Ken tapos sinuntok si Cris. Hindi naman pumalag si Cris at tinanggap lang ang lahat ng suntok ni Ken.

Dumating si Ash at agad na pinigilan si Ken.

"Ano ba, tama na!" Sigaw ni Ash, "Umatras ang tae ko dahil sa pagsigaw ng kaklase natin na nagaaway daw kayo eh! Ano bang problema nyo?!"

"Ash.." sabi ni Cris tapos hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ash.

"Sana patawarin mo ako." Maluha-luhang sabi nya.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan, ha, Crisostomo?" Naguguluhang tanong naman ni Ash.

"Mahal kita, Ash pero dapat eh." Sabi ni Cris tapos niyakap si Ash, "Paalam."

Kumawala sya sa yakap tapos agad na tumakbo paalis nang hindi man lang lumilingon.

Bigla na lamang napaupo si Ash at nagsimulang umiyak.

"Mga chismoso! Magsilayas nga kayo!" Sigaw ni Ken sa mga taong nakapalibot sa kanila tapos nilapitan nya si Ash at niyakap.

"Okay lang yan, Ice. It's his loss." Sabi nya.

"Hoy, Ice ko, anong iniisip mo dyan? Kanina ka pa tulala ah?" Tanong ni Ken habang sumusubo ng ice cream.

"Di ba pwedeng matulala ng walang dahilan?" Sarkastikong sagot ni Ash tapos niyakap nalang si Ken.

Iniisip nya na kung hindi siguro nagyari yung nakaraan ay hindi nya mayayakap ng ganito at hindi nya mamahalin ng ganito ang bestfriend nya lang dati na ngayon ay kasintahang si Ken.

*-*-*

Umpisa palang, drama na. Wala eh. Lol. Anyways, welcome naman sa book 2 natin noh?! Sorry talaga at natagalan ng bongga tapos wala pang prologue. Nagka-writer's block kase ako tsaka busy sa school kaya sorry talaga. Lols. Naks naman sa title diba? XD So dating gawi, magpa-publish ako ng chapter tapos babasahin nyo, ivo-vote at magco-comment! Yehet! K :/
-Xoxo, K♥

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!