#DahilSayo

536 22 0

Ash.

"Ice! Gising ka na!" Sigaw ni Ken sa tenga ko, hinablot ko naman ang unan at hinampas sa mukha nya.

"Good morning din." Sabi nya tapos dinaganan ako.

"Hoy, ang bigat mo! Hindi ako makahinga." Nakabalabag kasi sya sa tyan ko, so bale parang naka-cross kaming dalawa.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka bumabangon." Sabi nya.

"Eh paano ako makakabangon kung nandyan ka?!" Inis na sigaw ko sa kanya. Nanahimik naman sya ng ilang segundo.

"May point ka." Sabi nya tapos umalis sa pagkakadagan sakin, "Galaw galaw na Ice ko!"

Lakad takbo ang ginawa namin ni Ken nang makarating kami sa school. Late na kasi kami. Yung relo ko kasi, sira na pala, eh sa six tumigil, akala namin 6 am pa lang, kung hindi pa nag-time check yung radio sa jeep na sinakyan namin, hindi namin malalaman na 8 am na pala. Eh, 7:30 ang pasok namin.

"Mr. Billiones and Ms. Gil, you are 30 minutes early for your next class." Masungit na bungad ni maam samin nang pumasok kami sa room sa kalagitnaan ng pagtatalakay nya.

"Sorry maam." Sabay na sabi namin ni Ken tapos pumunta na sa upuan namin.

Na-notice ko na blanko ang upuan sa tabi ni Ken, meaning wala pa si Cris. Hindi sya pumasok? Bakit kaya?

Okay, don't get me wrong here. I still care for Cris. Pero as a friend nalang. Kasi even before we got into a relationship, naging bestfriends rin kami. At hindi naman ako tumanim ng sama ng loob sa kanya. I mean, oo sinaktan nya ako pero that was years ago! At tsaka you can't move forward if you keep looking back. Oh ha! Wag kayong ano! Hahaha.

Fifteen minutes later, tapos nang mag-lesson si maam kaya hinayaan nya lang kaming gawin kung ano ang gusto namin, nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Cris.

"Wow, kinabog mo sa pagiging punctual sina Alexander at Ashecka. Congrats, you're fifteen minutes early for your next class." Sabi ni maam pero hindi lang sya pinansin ni Cris at dumiretso na sa upuan nya.

Pero wait, grabe lang yung Alexander at Ashecka ni maam ah. Hahaha.

Pagsapit ng lunch, nagtipon tipon na kaming walo sa usual table namin habang kumakain. Magkahiwalay sina Alex at Lanz. As in, nasa magkabilang dulo sila, at ang paghihiwalay nila ngayon ay nagdudulot ng napaka-bigat na awkwardness saming lahat.

Sina Xavier at Ken na parating nagtatapunan ng jokes tuwing lunch ay tahimik na. Si Toffer na sweet kay Skye kapag lunch ay mas naging seryoso na. Si Shaem at Skye, mukhang hindi alam ang gagawin, at ako naman ay eto, inoobserbahan sila at nina-narrate sa inyo.

Panakaw-nakaw ng tingin si Alex kay Lanz na nasa tabi ko, minsan napapatingin sya sakin at tinataasan ko lang sya ng kilay na parang sinasabing, "Well, what the hell are you doing?" Oo, english talaga.

"Skye, pinapatawag ka ni maam Delvez, kakausapin ka daw sana nya tungkol sa blog ng Hamillton." Biglang may lumapit na kaklase namin kay Skye, tumango naman si Skye at kasama nyang umalis si Toffer.

"Xavier! Nawawala daw yung test paper mo sabi ni maam Reyes, kailangan mo daw i-retake yun." Sabi ng isang lalake kay Xavier.

"Ba't ako mag-re-retake eh sya nakawala?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Xavier tapos sabay silang umalis ni Shaem.

Ngayon, kaming apat nalang ang natitira, at mukhang gustong gusto na ni Ken na lumayas dito dahil sa pressure kaya nagsalita na ako.

"Utang na loob, pag-usapan nyo yan. People around you are getting uncomfortable, can't you see? So, please, get your shit together." Sabi ko sabay hila kay Ken at walk-out.

Yun oh. English para intense. Haha. Ewan ko ba ba't english ako bg english ngayong araw.

"Ken, tawag ka ni maam Valdez, may kailangan daw syang ipagawa sayo." Sabi ng isa naming kaklase.

Seriously, anong meron ngayon ba't puro nalang pinapatawag ni maam ganito ni maam ganyan ang mga kaibigan ko?

"Samahan kita?" Tanong ko sa kanya, napatingin naman sya sa relo nya.

"Wag na, pumasok ka nalang sa room at baka ma-late ka pa. Kita nalang tayo mamaya." Sabi nya tapos hinalikan ako sa noo. Kumaway kaway pa sya sakin habang naglalakad palayo.

Nang hindi ko na sya makita ay pumasok na ako sa room namin, pero isang hakbang palang ang nagagawa ko papasok ng room ay may humila na agad sakin palabas.

"Cris?" sabi ko habang hinihila nya parin ako, hindi sya umimik at patuloy lang akong hinila hanggang sa makarating kami sa may third floor kung saan wala masyadong tao.

"Cris, ano ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ash, alam kong galit na galit ka sakin dahil sa ginawa kong pag-iwan sayo pero ngayon sasabihin ko sayo ang dahilan kung bakit ko nagawa yun." Sabi nya nanatili lang akong tahimik habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin.

"Nung time na yun kasi, napag-alaman namin nina mama nung nagpa-check up kami na may malalang infection sa mata ko at malaki ang chansa na mabulag ako." Paliwanag nya.

"Ano? Bakit hindi mo nalang sinabi sakin nun? Edi sana naintindihan ko ang pag-alis mo. Edi sana.." hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko.

Edi sana, buo parin tayong tatlo ngayon.

"Eh kasi nung time din na yun naghiwalay ang mga magulang mo, inalala lang kita at ayaw ko nang dagdagan pa ang mga stress mo kaya ayun, mas pinili ko nalang na hindi sabihin sayo at iwan ka." Sabi nya.

Uminit naman bigla ang dugo ko sa kanya, hindi na ako nakapagpigil at nasapak ko na sya.

"Eh gago ka pala eh! Alam mo ba kung gaano ako nasaktan ng dahil sa ginawa mong yun?! Araw, gabi iyak lang ako ng iyak! Bago magtulog, iyak, pagkagising, iyak na naman, up to the point na namaga ng sobra ang mga mata ko at nag-blurr ang paningin ko for one week! Hindi ako makakain, hindi ako lumalabas ng kwarto, nagmukha akong emo. Na-realize mo ba kung gaano dumoble, trumiple yung stess na dulot ng pag-iwan mo sakin? Mabuti nalang at nandun si Ken kasi kung wala sya sa tabi ko ng mga panahong yun, baka matagal ko nang nawakasan ang buhay ko." Sabi ko sa kanya.

"Lahat ng yun, dahil sayo." dagdag ko bago tuluyang nag walk-out.

Vote. Comment. Be a fan!!!!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!