#FindingAsh

393 11 1

Cris.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Ash.

"Oo naman." Sagot ko tapos umalis kaming dalawa at pumunta sa roof top para makapag-usap.

Sumandal sya sa railings at tumingin sa kawalan, grabe sya oh, kina-career nya ang dramatic effect. Haha.

Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"Nag-away kami ni Ken." Sabi nya.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Narinig nya tayong nag-uusap. Yung part na tinanong mo kung paano na sya." Sagot nya, "Na-misinterpret nya. Akala nya nagkabalikan na tayong dalawa at iiwan ko na sya."

"Gago talaga yun. Kung bakit kasi hindi sya sumulpot sa part na 'Friends? Bestfriends' na ewan natin." Sabi ko at napatawa naman sya ng mahina.

"Oo nga eh. Ang sakto nya lang kasi talagang tumayming eh." Sabi nya.

"Nag-usap na ba kayo?" Tanong ko.

"Hindi pa nga eh." Sagot nya.

"Gusto mo, kausapin ko sya para sayo? Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya sa nangyari." Sabi ko, umiling naman sya.

"Hindi na, ako nalang ang bahala sa kanya." Sabi nya, "Geh, alis na ako, may kailangan pa akong asikasuhin eh."

Nagsimula na syang maglakad papunta sa pinto, pero lumingon muna sya sakin.

"Goodbye."

Bakit parang iba ang dating ng goodbye nya sakin. Parang may ibang pinapahiwatig.

Nang mabalik ako sa reyalidad ay agad akong bumaba at hinanap sya, pero hindi ko sya mahagilap, kung saan saan na ako pumunta pero hindi ko na talaga sya nakita, sa halip ay si Ken ang nakita ko.

Hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan ko sya.

"Mag-usap tayo." Sabi ko sa kanya at hinila sya pero tinapi lang nya ang kamay ko.

"Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan? Ano, ipagduduldulan mo sa pagmumukha ko na naagaw mo na si Ice mula sakin?" Sabi nya.

"Wala akong inaagaw mula sayo. Dapat nga ako ang magsabi sayo nyan eh." Sabi ko at napaatras naman ako nang bigla nya akong sinapak.

"Eh gago ka pala talaga eh! Iniwan mo sya diba?! Wala akong inagaw sayong hayop ka!" Sigaw nya sakin, nakaagaw sya ng atensyon ng mga studyanteng, dadaan lang sana. Yan tuloy, may audience na kami.

"Edi wala!" Sigaw ko tapos ginantihan sya ng sapak, "Ngayon, tototohanin ko na talaga. Aagawin ko na talaga si Ash mula sayo."

"Diba, nagawa mo na yun? Tsk. Gago ka pala talaga eh." Sabi nya habang pinapahiran ang dugo mula sa labi nya.

"Kahapon, kinausap nya lang ako at nakikipagkaibigan lang sya ulet, gusto nya lang bumalik kami sa dati, tayo. Yun lang naman yun Ken eh. Yun lang naman ang nangyari kahapon. Pero masyadong makitid yang utak mo! Ni hindi mo man lang sya pinakinggan!" Sigaw ko sa kanya at mukhang natauhan naman sya.

"Totoo yang sinasabi mo?" Tanong nya.

"Gago ka talaga, bakit naman ako magsisinungaling?" Pabalik na tanong ko.

"Pasensya ka na." Sabi nya.

"Wala yun." Sabi ko, "Ang kailangan nating problemahin ngayon eh kung nasaan si Ash. Nag-usap kami kanina tapos umalis nalang sya bigla at masama ang kutob ko. Baka may gawin syang katangahan. Alam mo naman yun, may pagka-bangag."

Magkasama kami ni Ken na hinanap si Ash, pumunta kami sa unit nya pero wala sya, pumunta rin kami sa bahay nina Xavier at Skye pero wala rin sya, hindi naman daw pwede na nasa bahay sya nina Alex, Shaem, Toffer at Lanz kasi mainit ang dugo nya sa kanila.

Sunod kaming pumunta sa bahay talaga nila ni Ash. Dito parin pala ang bahay nila, sa harap ng dati naming bahay.

"Ken, napadalaw ka?" Sabi ni tita Val, mama ni Ash, nagbeso sila ni Ken tapos napatingin sya sakin.

"Cris? Ikaw na ba yan?" Tanong ni tita.

"Opo, long time no see po." Sabi ko.

"Grabe, ang laki mo na!" Sabi nya tapos nagbeso kaming dalawa.

Pinapasok kami ni tita tapos umupo kami sa sala, "Si Ice po ba nandito?" Tanong ni Ken.

"Oo," sabi ni tita, nagkatinginan naman kami ni Ken. Sa wakas nahanap natin namin sya! "Kanina, kaso umalis na sya eh."

Napasimangot naman kami ni Ken. Kung sana kasi kanina pa kami pumunta dito eh!

"Nagpaalam lang sya na pupunta lang daw sya sa lola nya sa bacolod, akala ko nga magkasama kayo Ken eh." Sabi ni tita.

"Ganun po ba," sabi ni Ken, "Nagkatampuhan po kasi kami. Di bale nalang po, hahanapin nalang po sya namin."

Nagpaalam na kami kay tita tapos umalis na kami at bumalik sa unit nya, pero dumaan muna kami sa unit ni Ash pero wala rin sya dun.

"Sa tingin ko hindi sya pupunta ng bacolod." Sabi ni Ken.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.

"Wala lang, kapag kasi pumupunta sya dun, kasama nya kami nina tita, pero ngayon, sya lang mag-isa?" Sagot ni Ken.

Kung hindi nga sya pumunta sa bacolod, eh saang lupalop naman namin sya hahanapin?

Surprise! Double ud ang dyosa ngayon. Hahaha. Feeling ko kasi, kulang sa cliffhanger ang #KungPwedeLang, eh gusto ko kayong pahirapan. Hahaha. Dejoke. Anyways, enjoy! Don't forget to vote, comment and be a fan!!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!